Twitter: @ikyraching
IG: @ikyraching_
ASHLEY CARRACIO
"Hi Ashley. Gusto mo mag audition tayo sa PBB? Tara sama ka na."
PBB? Artista? Nako dito ko yata ma e-express ang pagiging makapal ng mukha ko a. Hm!
"Sige kailan? Hehe, pero basta Niko sunduin mo ko samin ha? Alam mo naman si Mama!"
"Sige ba. Oo sa Saturday ng Gabi tayo aalis okay! Gusto mo isama mo na din si Gabbie."
"Sige sasabihin ko sa kanya, just text me nalang."
Hm, Ano kayang gagawin kong talent dun? Ah! Makapag Sisa na lang kaya ulit like, 'Crispin? Basillio? Mga anak ko!!!' Magandang idea. O kaya naman sumayaw ako? Ay wag baka hindi ako makuha. At never din akong kakanta in front of them.
"Ash! Shot tayo?" Nakakagulat naman tong si Kurt! Shot daw? Mukhang game ako dyan a!
"Tara mamaya mag aya ka pa!"
"Sige ayain ko si Reign pati si Georgina. Pupunta nalang kami sa inyo a. Sabado naman wala mama mo dun mamaya pa yon dadating diba?"
"Oo sige. Text nyo ko dala ka na rin pulutan."
Si Reign yung friend namin Bakla! At si Georgina naman friend namin na crush na crush ni Kurt.
***
"Hi Ash! *kiss kiss*"
"Yuck bakla tigilan mo nga yan, baka mamaya sa iyo na ako mainlove nyan!" Pagbibiro ko kay Reign.
"Duh! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo bakla! Never naman akong maiinlove sa iyo kasi mas maganda ako sayo!" Hahaha he- oh she's so cute.
"Hi Ashley! Kamusta na? Bakit nga pala wala si Gabbie?" Si Gabbie? Ts, hindi sasama samin yun. Good girl yun e ayaw sa alak. At hindi sya umiinom. Hindi katulad namin.
"Haaay George, alam mo naman 'yun."
"Oh tama na yan, mag umpisa na tayo mga brad!"
***
"Hey Guysh! Ganito ako magpapakilala sha PBB bukash. Diba tatawagin ako taposh she, I am Ashley Carracio from Bulacan, Sixshteen yearsh of existence bashta ganon. Haha, hahahaha! Iniwan nya ako. Iniwan ako ni Ethan para kay Anne. Ang shaya naman ng buhay."
"Hoy bakla! Wag ka ngang gumapang dyan tayo!"
"No baekla, I will shtay here. Gushto ko mahiga tayong dalawa, hayaan mo na shi George at Kurt magyakapan dyan. Let's enjoy the party! Woooooooh!!"
"Kurt Mahal kita. Love mo ba ko? Ahihi!"
"Oo oo George mahal din kita."
***
"Hi Tita Sally, si Ashley po?"
"Ay nako nandon tulog! Gisingin mo nalang Niko."
"Hoy bruhang babae! Tumayo ka dyan at aalis na tayo!!!! Nakakahiya naman kila Louise at Jan."
"Shino ka? Rapisht ka noh?! Waaaaha Mama may akyat bahay!!!!!"
"Gago si Niko 'to! *pak*"
"Putangna mo! Nagising ako dun ah. Sige dun ka muna sa baba at maliligo na ako."
Kuskos here, kuskos there! Bye Germs see you again tomorrow!! Pero alam ko love na love nyo si Anne, kaya wag na wag mo syang iiwanan! Lab lab..
Naka ripped jeans lang ako tapos tshirt at keds. Ganon lang larga na!
"Hi Nikko, Louise at Jan. Taralets na!!"
"Ma! Mama! Aalis na ako ha. Bye lab u!"
***
"Oh mga bagets, saan kayo?"
"Kuya Cubao po apat."
"Huy Ash! Sabog ka ba?" Oo sobrang sabog puro kahihiyan nga ata ang pinag gagagawa ko dun e.
"Lasing ako e. Uminom kami nila Kurt kanina. Paano na ako nito, pwede bang matulog sa Araneta? Grr, inaantok pa kasi ako Niks e!" Pagrereklamo ko kay Niko pero bigla nya akong sinampal!!!
"Aray! Bakit mo ginawa 'yon ha?! Walang 'ya ka!"
"Para mawala hang over mo." Smirked. Duh nakaka inis sya. Well makatulog na nga lang at baka masura pa ako nitong taong to.
***
"Hi Araneta! Pa tulog naman ako o. Sweetdreams."
"Huy Ash! Ano ba gumising ka na nga dyan. Kapal ng mukha mo pinag bantay mo pa kasi sayo! Utang na loob mo 'to."
Nye nye nye. Ewan ko sayo Niko! Haba ng pila pang 1500 na yata kami? Maraming magaganda at gwapo rin syempre. Marami din kaming nakilala dito mga tiga Visayas, Mindanao meron din namang ilang try na hindi pa rin natatanggap sa audition. Meron pa nga nag show sa gitna mga bakla sila actually nakak tuwa, pampa tanggal ng inip kumbaga. Pero pinalabas sila nung mga Guards e. HAHAHA!! It's our turn na, hoooooo Lord please guide me po.
Ang audition ay mag aact ka kung paano ang love mo sa Mama mo, eh magka galit pa naman kami ni Mama! Tapos meron pang Knock knocks at Charades. Wooooooh! Grabe pakapalan na ng mukha.. Tinignan kami ni Direk eye to eye contact, pero wala e. Hindi kami nabigyan ng card. Huhu! Siguro it's not my time to shine pa. Baka bukas. Hehe!!
Nag sulat din kami ng talambuhay namin sa MMK. Sinulat ko yung relasyon namin ni Mama na nung third year ako hindi maganda pero ngayon? Okay na kahit papaano. Sinama ko rin yung pinag dadaanan ko ngayon, syempre naman lulubusin ko na. After non namasyal kami sa Mall, I also ate Blueberry cheesecake and Pizza! My all time favorite. Hm.. Ayoko pa nga sanang umuwi pero pinapagalitan na ako nila Nikko, naaalala ko nanaman sya. Ang sakit!! Dati rati sya yung nag aaya sakin na umuwi ng maaga yung wag masyadong kakain ng mamatamis or maaalat. Ngayon? Wala na, I'm free! Masaya to diba? Free wala kang inaalala. Pero bakit ganon? Parang kulang. Kulang ako.
"Oh guys paano, una na ako ha? Ingat kayo." Bumaba na ako ng bus at nag simulang maglakad, habang nag lalakad ako biglang umulan. Haaaay nakikisali ba sya sa kalungkutan ko? Grabe ang galing naman nun!
Sinimulan kong ifeel ang ulan tumingala ako ng nakapikit tapos umikot ikot. Ang sarap sa feeling ng ganito. Pero biglang..
"Masama 'yan baka magka sakit ka. May hangover ka pa diba?"
"Rade? Alam mo para kang kabute! Bigla bigla nalang susulpot!!" Kagulat naman 'to! Nag eemo ako dito tapos bigla nalang akong papayungan ng ganon.
"Pauwi na talaga ako pero pag may ibang nakakita sayong gumaganon baka akalain baliw ka. Mabuti na yung ako nalang. Naiintindihan naman kita. At iintindihin kita."
"Nakanang! Ikaw ba yan Rade Sanchez?! Pag finifeel yung ulan baliw agad? Haaaay hindi ba pwedeng bumabalik lang sa pagka bata? Yung tipong walang inaalala. Ang pinoproblema lang ay Candy."
"Dapat nga mag thank you ka pa e, kasi binibigyan ka pa ng Problem na kaylangan mong iSolve para matuto ka. Ang life parang Math. Maraming Problems pero mas maraming Solution. Kaya ikaw wag mong masyadong problemahin, okay?" Then she tapped mu shoulder at umalis na.
Paano ko hindi poproblemahin kung hanggang ngayon ang lakas lakas pa rin ng Impact nya?
How can I moved on with someone I truly love? How?
--------------------------------------------------
Mahaba habang update for today! :) Huwag po sana tayong mag sawabg mag Vote at Comment! Thanks for reading again guys! Lablab <3
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...