Pumasok kami sa isang pinto sa loob ng living room... Medyo mainit sa loob na parang sauna o mukhan talagang sauna.. Ay ano ba yan..sauna pala talaga yun... May mga transparent glass na bintana sa gilid pero mukhang hindi nabubuksan kaya kitang-kita ang aliwalas sa labas...
"Bakit moba kami pinatawag dito???" sabi ng isang napaka(as in)gwapong lalaki na nasa loob ng sauna.
WOW..!!! Para akong nakkita ng mga artista... Ang gwapo nung binatang lalaki, gwapo rin yung isang batng nakasalamin samantalang napakaganda nung dalawang dalagang babae... Nakatwalya lang sila kaya ktang-kita ko ang mala-labanos na kutis nila... May gwapo rin akong nakikita sa monitor screen na nakasabit sa dingding...
"Pero sa tingin ko, wala na namn si Adrian...??" sabi ni Mr. Keanuu.
"Kahit ano namang gawin mo eh..hindi mo mapapapunta ang lalaking yun.." sabi ulit nung gwapong lalaki.
"Sino ba yang kasama mong pandak???" tanong nung batang nakasalamin.
PANDAK??? Hindi naman niya dapat nilaksan ang boses niya.... Kitang-kita naman niya eh..
"Artihan mo naman Erin, it must be SHORTIE...!!" sabat nung babaeng kulay brown ang buhok.
SHORTIE...??? Parang pandak din ang ibig sabihin nun ah...
"Magmula ngayon, magiging bago niyo na siyang kapatid... Si Rae Abueva.." sabi ni Mr. Keanuu.
"WHAT...??"
"REALLY..??"
"MAY DAGDAG NA NAMAN..??"
"O.M.G..."
"BAGONG MALAS..."
Sari-saring komento ang narinig ko mula sa kanila... Pero sa mga mukha nila eh...gusto na yata nila akong ihagis palabas...
"No way..! Ang ugly niya.." sabi nung may kulay brown na buhok.
"And looks dumb.." sabat ung gwapong lalaki sa screen.
"Dapat maging nice tayo sa kanya.." sabi naman nung magandang babae na maiksi at kulay itim ang buhok.
"Ikaw nalang.." sabay taas-kilay nung brown ang buhok.
"Ang pangit kasi ng ugali mo..." pagtatanggol nung maiksi ang buhok.
"Totoo naman kasi ang sinasabi ko about sa shortie na yan... I don't like her..."
Napabuntong-hininga nalang si Mr. Keanuu "Pero ang lolo niyo ang pumili sa kanya kaya wal kayong magagawa..."
"Who cares with that old man...???." pataray na tanong nung kulay brown na buhok.
Kahit di ko maintindihan ang sinabi niya eh...feeling ko na hindi maganda ang ibig sabihin nun... "Wag ka namang magsalita ng ganyan sa Lolo mo..."
"Lolo...??? What the~ Nagpapatawa ka ba??? Hindi namin siya tinuturing na grandfather namin noh...???"
"At kahit na sa iisang bahay lang kai nakatira, nagtuturingan lang kaming strangers sa isat-isa.." dugtong nung batang nakasalamin.
"Ang sasama naman ng ugali niyo *with nguso ako* Aalis na ako dito"
"That's Good..! Huwag ka ng babalik ah..."
"Wait.. Don't go" pigil sa'kin nung maiksi ang buhok.
"Paalisin mo na nga yan, baka makihati pa sa mamanahin natin yan.."
"Mana...?? Anong mana?? Wala akong paki-alam sa mamanahin niyo, ang totoo niyn may~~" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni Mr. Keanuu ang bibig ko.
"May ginawa na si Don Abueva sa mga mananahin niyo..." siya ang sumagot.
"Anong ginawa niya...??" pataray na tanong nung may kulay brown ang buhok.
"Na kapag namatay na si Don Abueva, lahat ng mana niyo ay mapupunta sa charity... Itong bahay lang ang matitira sa inyo.."
Nakita kong nagulat sila with poise... Hanep namang 'tong mg bago kong kapatid... Bigla akong hinila ni Mr. Keanuu palabas ng sauna room habang tinatakpan ang bibig ko.
Binitawan na niya ako.. "Si Stacey yung mataray na babae, while Xandra yung other girl.... Si Elmo yung gwapong lalaki, si Erin yung nakasalamin at si Austin yung nasa screen..."
"Bakit naman po ganun sila.... ang sasama ng ugali nila.."
"Kailangan mo silang pagpasensyahan, alalahanin mong may kontrata kang kailangang tapusin, Ijah.." si Ms. Jorina yun.
Napabuntong-hininga nalng ako...
May inilabas na isang papel si Ms. Jorina " 3 sa iyong SISTER'S GOAL ang sasabihin ko"
"3 lang po ba ng SISTER'S GOAL..??" tanong ko
"10 ang mga SISTER'S GOAL mo pero 3 muna ang ibibigay ko dahil siguradong matatagalan ka pa bago mo matapos ang mga yun.."
SISTER'S GOAL #1:Kailangan niyong magsabay-sabay kumain.
SISTER'S GOAL #2:Kailangan mong makuha ang mga handprint nila.
SISTER'S GOAL #3:Kailangan niyong gamitin ang mga given names niyo.
Ang daming nangyari sa'kin ngayon kaya isusulat ko nalang ang mga yun sa DIARY ko.
"At kasama rin pala sa kontrata *inilabas ang kontrata*"
''KAILANGAN NA WALANG MAKAALAM TUNGKOL SA NAPAGKASUNDUANG KONTRATA KUN'DI AY MADADAGDAGAN NG 100,000,000 M ANG UTANG." napakamot nalang ako ng ulo.
"Bago kami umalis, ipapaalalam namin sayo na maghanda ka sa darating na linggo.." habang nililigpit ni Mr. Keanuu ang gamit niya.
"Bakit po??? May laban po ba??"
"Ipapakilala ka na kasi sa media bilang pinakbagong Abueva..." bigla na silang lumabas ng living room kaya ako nalng ang nag-iisa.
Ipapakilala ako sa media??? Ibig sabihin lalabas ako sa T.V... Naku..!!! Bigla tuloy akong kinabahan, siguro kailangan ko ang fighting spirit ni Papa... Kaya lumabas ako ng House of Horror... Tumingala ako sa langit habang hawak ang kwintas na may pendant na dolphin at nakahawak sa bilog... Napaghihiwalay ang pendant na ito... Na kay Papa ang dolphin kaya nung namatay na siya ay pinagsama ko na ito... At sa twing hawak ko ito habang nakatingala sa langit ay feeling ko parati parin akong ginagabayan ni Papa...
Humarap ako sa mansion habang nakapameywang... Hinding-hindi ako magpapatalo sa mga bago kong kapatid... Kahit na ang pangalan ko ay Rae na ang ibig sabihin ay LAMB, kailangan kong maging LION... Kailangan kong bumalik at harapin ang mga yun... FIGHT ON...!!!!!!
BINABASA MO ANG
Editing: Dont Read...
RomancePROPERTY OF:YAMADA_CHAN... Under construction.. BAWAL BASAHIN