03

10 2 0
                                    

"Tingnan mo 'yung guy sa dulo. Malapit sa kitchen gaga! Ang pogii.. tapos long hair pa. Ang hot n'yang tingnan! Ackk.."

Bigla kong pinagsisihan ang pagpunta ko sa lugar na'to. Ang dami ko ng naranasan sa loob pa lamang ng isang araw.

Una. Muntikan na akong mapahamak dahil sa pesteng bagahe na 'yon. Pangalawa, nakakilala ako ng sobrang kulit na lalaki. Pangatlo, at siguro'y hindi pa panghuli. Bakit nagtitinginan sa'kin yung ibang costumer?! Mukha ba ko'ng waiter sa lugar na'to? Mukha ba'ng pang crew ang suot ko?!

"Hi kuya. Uhm... Puwede ba'ng malaman kung ano'ng pangalan mo?" Pagtatanong ng dalawang babaeng lumapit pa sakin mula sa ikatlong table.

Nakita ko'ng pinipilit itong palapitin sakin ng mga kasama n'ya na ngayon nama'y hindi na maipinta ang itsura. Dahil sa kilig!

"Ako ba?" Nagtataka ko pa ding sagot ng tumango ito. Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan kaya't biglang nagmukhang maliit na tao sa'kin 'yung kaninang babae. "Ako nga pala si Lance. Salamat sa pagtatanong."

"May girlfriend ka na ba?" At tulad nga ng inaasahan ko. Magkaka-interview tungkol sa buhay ko. Pustahan na. Ang sunod na tanong nito at kung anong edad ko, saan ako nakatira, ano'ng trabaho ko, asan magulang ko, bakit ako lang mag-isa ang andito. Lagi naman kasi!

Umiling na lang ako bilang sagot ng bigla nanaman itong kiligin. Kasabay ng mga katropa n'yang hanggang ngayon ay nasa upuan parin nila. What a supportive friends. Nakakatuwa!

"P-pwede bang makuha number mo?" Tanong na hindi ko inaasahang manggaling sa kanya. Kadalasan kasi sa halos araw-araw ko'ng pakikisalamuha sa mga babaeng tumatawag sa'kin ay ako ang nagtatanong ng number nila. kunwari ay tatawagan ko sila kahit hindi naman. Wala naman kasi akong interest pagdating sa ganyan.

Maghahanda na sana ako sa pagkuha ng cellphone ng babae ng ilahad n'ya iyon sakin ng biglang may ibang kumuha nito.

"Ako na ang maglalagay. Nasakin naman ang number n'ya." Walang emosyong sabi ni Austin habang patuloy na nagtitipa sa screen ng babae. Anong number ang nilalagay n'ya? Wala naman sa kanya ang number ko diba? Kanino 'yon? Sa kanya?!

"Salamat chef Austin." Mas lalong kinikilig n'yang sambit bago pa s'ya umalis sa harapan ko.

"Ayos ka lang ba? Pasensya ka na ha. Ganyan lang talaga mga tao dito kapag nakakakita ng dayo. Lalo na kung katulad mo"

"Katulad ko? Ano ba'ng katulad ko?" Pagtataka kong tanong. Bigla na lang itong napahigop sa juice na nakalapag sa lamesang pumapagitna sa'ming dalawa ngayon.

"Uhm... A-akin ata yan." My god! Ako pa talaga ang nahiya sa ginawa ng lalaking 'to! Ano na ba'ng nangyayari sa mundo?!

"Oh! Sorry. Papalitan ko na lang ng bago." Pagkataranta nitong sabi bago tumayo ng agawin ko bigla ang baso. Dala rin ng pagka nerbyos.

"Hindi. Ayos lang. Hindi naman ako LC. Ayos lang sakin." Pagdadahilan ko bago ko lagukin ang likidong nasa loob ng baso hanggang sa pinaka huling patak nito.

Ibinaba ko ito ng walang laman sa lamesa habang hinahabol ang paghinga dahil sa pag-inom.

Nakatitig lang s'ya ng matagal sa'kin na bigla ko namang ikinaisip. Anong meron?

Hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero bigla na lang akong napatigil ng maalala ang sinabi at ginawa ko.

Nilagok ko ang juice na nainuman na n'ya at sinabihan ko pa s'yang hindi ako LC! Ano pa ba'ng kahihiyan ang dadapo sa katawan ko?! Padapuin n'yo na para isang bigayan na lang, lord!

"Sandali lang!" Huling salitang narinig ko sa kanya bago ako tuluyang nagtatakbo palabas ng kainang iyon dahil sa sobra ng kahihiyan.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko habang wala sa sarili at patuloy na hinahawakan ang sariling labi.

Para ko s'yang nahalikan!

"Ughh!! Ano ba'ng ginawa mo Lance?! Ano 'yon? Bakit mo ininom 'yung may laway ng tao?! Hindi ka naman ganon diba? Maarte kang tao! Hindi ikaw 'to! Lumabas ka sa katawan ko masamang ispiritu!" Wala sa sarili kong sabi at halos gusto ko ng maiyak habang patuloy na lumalabas sa isipan ko ang sobrang kahihiyang ginawa ko kanina.

"Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Bakit naman!"

Nagpatuloy lang ako sa pag e-emote ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Sino yan?" Mas lalo akong kinabahan ng biglang unti-unti ng bumubukas ang pintuan ko. Nakapikit lang ako at patuloy na nagdarasal sa halos lahat na ng diyos na sana hindi s'ya 'yon.

"Anong nangyari sa'yo? May problema ba?" Bigla akong napatingin ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.

"Ano hong ginagawa n'yo dito?" Pagtataka ko'ng tanong ng lumapit pa sakin ang babaeng kaninang nagturo sa aking kwarto.

"Ako nga pala si Sabel. Ako ang may ari ng apartment na'to. Gusto lang sana kitang i-welcome ng maayos dahil nagmamadali ako kanina ng makasalubong n'yo ko ni Austin." Pagpapakilala n'ya sa sarili habang patuloy na nakatayo sa harapan ko.

Sinubukan ko itong paupuin ngunit tumanggi ito. Kesyo saglit lang naman daw s'ya at gusto n'ya lang daw makita ang lagay ko rito. Kung maayos lang ba daw ako.

Sana kanina pa s'ya nagpunta para nakita n'ya yung lahat ng kalat na nilinis ko na iniwan ng dati n'yang border dito. Chos!

"Ayos naman po ako dito. Maganda naman po tsaka malapit lang sa kainan sa itaas. Hindi ko na po kailangan pa'ng lumayo at bumaba." Pagdadahilan ko kahit hindi naman totoo. Hindi totoong ayos lang ako dito at hindi totoong ayos lang ang pagiging malapit ko sa restawran na 'yon! Nakakakaba tuwing may maririnig akong lakad papalapit sa kwarto ko!

"Oh. Alam mo na pala 'yung kainan nila Austin sa itaas. Nagustuhan mo naman 'yung pagkain nila 'don?" Pagtataka nitong tanong sakin ng mabanggit ko ang sa itaas.

Tumango lang ako dito bago tuluyang sumagot. "Opo. Masarap po 'yung luto ni chef Akio." Tama ba'ng tawagin ko silang chef? Ni hindi ko nga alam kung grumaduate ba sila para maging isang ganap na chef. Pero, siguro sapat na 'yung pagluluto nila sa maraming tao para tawaging chef, no?

"Chef Akio? Si Akio ipinagluto ka?"

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon