ANNABELLE’s POV
Nasa canteen kami ng hospital ni Trinity to have our lunch together nang maagaw ang atensiyon namin sa pinapanood sa T.V.
Isa iyong balita tungkol sa taong hinahangaan ko. Somehow, kahit hindi ko siya kilala ay binibigyan niya ako ng pag-asa. She’s a doctor, but not only that, she’s a successful businesswoman, too. Namamayagpag sa larangan na gusto niya.
“Sa tingin mo, ilang taon na siya?” tanong sa akin ni Trinity. She likes the woman, too.
“25? 27? I don’t know…” Nagkibit pa ako ng mga balikat dahil hindi ko rin alam. The woman didn’t disclose about her personal life that much.
But she looks younger, that’s all we know.
“By the way, Belle, what are your plans now?”
Naudlot ang gagawin kong pagsubo dahil sa tanong na iyon ni Trinity. Ano na nga ba ang plano ko? Kailangan bang may gawin ako?
“A-ano ang i-ibig mong sabihin?”
“You know what I mean kaya nga nauutal ka riyan, eh.”
“I don’t know?” walang kasiguraduhan kong sagot. Nagkibit pa ako ng mga balikat para ipakita sa kaniya na kunwari ay hindi ako ganoon kaapektado. “Alangan namang ipagsiksikan ko pa rin ang sarili ko?” labas sa ilong na dagdag ko pa.
“Gaga. Hindi mo pa ba ipinagsisiksikan ang sarili mo sa lagay na iyan? You’re such a mapagkunwari.”
“Alam mo ba, naisip ko, paano kung katulad ako ng ibang babae? Iyong tipo ng babae naghahabol at sinusundo parati ang asawa niya? Iyong tipong nagte-text ako sa kaniya kada segundo just to know his whereabouts. What if I would nag him every time?”
“I’m glad you didn’t do it. That’s pitiful and irritating at the same time. And I don’t want you to do that. You’re not that desperate naman, hindi ba? Mas matalino ka kaysa riyan.”
“Pero…” I paused. Para kasing may malaking bigik sa lalamunan ko.
“Pero ano? You have all the rights to do all those stuffs kasi legally bind kayo? No, Belle. Hindi rason na kasal kayo para ibaba mo ang sarili mo. You and Cedric need a peace of mind. Sa tingin mo, kung maya’t maya ang gagawin mong pagsunod kay Cedric mamahalin ka niya? Nah. I highly doubt that. Nasa puso niya at isipan niya mismo nakatatak si Angelica, at hindi lang papel ang nag-uugnay sa kanilang dalawa.”
“Hindi ko naman gagawin ang mga bagay na iyon.”
“Good for you, then. Tapos ka na bang kumain?”
“Yes.” Kahit hindi pa man nangangalahati ang kinakain kong pasta ay iniwan ko na rin iyon. Nawalan na ako ng gana.
Nang makabalik sa duty, hangga’t maaari ay pinipilit kong huwag dalhin ang problema ko sa trabaho ko lalo pa at mas malaki pa ang kinakaharap na problema ng mga pasyente ko. I don’t want them to see how down I am, because compare to my problem, mas malaki ang sa kanila.
“Nurse Belle, pinatatawag ka ni Director Delvo.”
Mula sa pagti-check sa chart ng patients ko ay napalingon ako sa nagsalita. Medical practitioner, si Minerva.
“Ngayon na ba?”
“Yes,” she said, then rolled jer eyes. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin, but I don’t care, dahil hindi ako narito sa hospital na ito para makipagplastikan sa mga katrabaho ko. Narito ako dahil sa mga pasyente na kailangan ako.
Matapos kong ilapag ang chart na hawak ko ay nagpunta na ako sa sa opisina ni Director Delvo.
“Good afternoon, Sir,” bati ko sa batang direktor nitong hospital. Director Drake Delvo is a genius when it goes to our profession.
Kasalukuyang nagsusulat si Drake pagdating, but when I greeted him, agad niyang inilapag ang ballpen na hawak at itinaas ang tingin sa akin. Drake smiled at me na para bang hindi naging hectic ang araw na ito para sa aming lahat.
“Good afternoon, Belle. Mabuti at nandito ka na. How’s your day?”
Eh? Akala ko pa naman ay may importanteng sasabihin.
I cleared my throat, at umayos ako ng tayo. “Pardon?”
Ngumiti na naman siya, bago umiling. “Sit down.” Itinuro niya sa akin ang upuan na nasa harapan ng lamesa niya kaya naman agad akong tumalima. He offered me a drink, but I politely declined it. “Wala ka bang gagawin bukas ng gabi?”
Hindi agad ako nakasagot. Iniisip ko kung ano ang schedule ko. Nang maalala na wala akong gagawin bukas ay agad akong umiling. “Wala naman, Sir. Bakit po?”
“Good then. You’re coming with me.”
Agad akong napaupo nang maayos dahil sa sinabi niya. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, but this guy has a crush on me. Hindi iyon lingid sa akin lalo pa at naging matunog iyon dito sa hospital noong bago pa lang si Director Delvo rito at hindi alam na may asawa na ako.
Makalipas ang ilang segundo na hindi pa rin ako nagsasalita ay napatingin na ako sa kaniya kaya agad niya namang itinaas ang mga kamay niya. “Don’t look at me like that, Belle. It’s not a date, okay? May invitation ang hospital na natanggap mula sa isang philanthropist. Sa Baguio ang event, but don’t worry, hindi magiging problema ang expenses dahil kargo iyon ng hospital. Dalawang invitation ang ipinadala. Si Mommy at si Daddy sana iyon, but unfortunately, they’re busy kaya ako na lang ang papupuntahin and they suggested that I’ll take you to the event.”
“But...”
“Please, Belle? Consider it. Ikaw lang ang nakikita kong isama bukas at wala nang iba.”
Ano ba dapat ang sabihin ko? Napi-pressure tuloy ako. I wasn’t expecting it. “Hindi ko kasi alam baka may lakad ako na biglaan bukas, eh.”
“Okay, ganito na lang. Kung sa tingin mo ay wala ka talagang gagawin bukas, text me. I’ll just wait for your decision.”
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko.
Matapos ang halos isang minutong katahimikan ay nagpaalam na rin ako sa kaniya. Malapit na akong mag-out kaya kailangan kong tutukan ang pasyente ko.
BINABASA MO ANG
THE BATTERED WIFE
RomanceMay malaking gusto si Anabelle kay Cedric, pero dahil boyfriend ito ng kapatid niya ay nakuntento na siya na makita ito sa tuwing dumadalaw ito sa kapatid niya. Ngunit sa gabi ng engagement ni Angelica at Cedric, ay nangyari ang hindi nila inaasaha...