Chapter. 18

142 6 0
                                    

MARAHAN ang pagmulat ng aking mga mata. Ang sakit sa ulo ko ay unti-unti pa rin kumikirot. Kasabay nang pagtitig ko sa puting kisame na aking nakikita. Gustohin ko man na ibuka ang aking bibig para magsalita, ngunit tila walang tunog na tinig ang nabubuo. Kundi ang hininga lang mula sa aking lalamunan ang tangi kong nararamdaman. Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuhan mula sa aking kinahihigaan. Ipinikit ko muli ang aking mga mata dahil tila pakiramdam ko ay hinihila ako nang pagkaantok. Nagtaka ako nang may bigla na lang humawak sa aking mga kamay. Kahit 'di ko man imulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay dumadampi naman ang malambot niyang mga labi sa ibabaw ng aking kamay. At saka ko narinig ang maamo niyang tinig.

“Aliyah, gumising ka na. Hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kaya na mag-isa ko na lang haharapin ang lahat. Please, wake up! Hindi para sa akin . . . Kundi para sa sarili mo,” bulong na bigkas ni Anny. Kasabay nang pagtitig nito sa kaniyang kaibigan.

“Aliyah . . .” tanging wika niya sa kaniyang sarili. “Sino ba ako? Dapat nga ba'ng Aliyah ang pangalan ko?” May bahid ng luha ang dumaloy mula sa kaniyang mga mata. Ang alaala sa mga nangyari ay hindi niya malimutan.

“A-Anny.” Pagtawag nito sa pangalan ng kaniyang kaibigan.

“Aliyah! Mabuti at nagising ka na! Sobra-sobra mo akong pinag-alala!” maiyak-iyak na tinig nito. At mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kaniyang kaibigan.

“Ano ka ba?! Hindi pa naman ako patay! Kung makaiyak ka ay parang ililibing na ako ng buhay!”

“Ano'ng sinabi mo?! P'wede ba Aliyah! Huwag mo nga gawing biro ang nangyari sa 'yo! Kahit kailan talaga hindi ka na nagbago. Basta-basta ka na lang pupunta sa isang lugar na . . . tanging ikaw lang mag-isa. Ano ba talaga ang nangyari? At bakit gano'n na lang ang suot mo noong dinala ka nila dito sa ospital? Huwag mong sabihin na dahil sa kaniya gano'n ba?”

“Anny, ayoko muna siyang pag-usapan. Kung ano man ang nangyari sa akin. Kasalanan ko 'yon at hindi siya.”

“Basta naririto lang ako para sa 'yo. Kapag maayos na ang kalagayan mo. Doon ka na lang muna sa bahay ko tumuloy. May bakanteng k'warto pa naman sa katabing silid ko,”ngiting wika ni Anny. Kinuha nito ang isang supot na naglalaman ng mga prutas. Inilagay nito sa ibabaw ng table at saka nito tinalupan.

“Nag-abala ka pa talagang bumili n'yan sa palengke para sa akin, ha!

“Ahmm . . . Oo naman, baka sabihin mo kasi hindi kita kayang alagaan.”

“Hindi naman talaga!”

Halos tawanan ang namayani sa loob ng silid ni Aliyah. Kahit na batid niya sa sarili nito. Ang sakit na ginawa sa kaniya ni Adrian. Saka na lang niya iisipin ang lahat-lahat kapag naka-recovered na siya sa kaniyang kalagayan. Hindi man makita sa mukha niya ang kalungkutan, ngunit umiiyak naman ang puso niya sa sobrang sakit na ginawa nito para sa kaniya. Ang maniwala siya sa pag-ibig ni Adrian.

***

ISANG linggo na ang nakalilipas ay hindi pa rin makontak ni Adrian ang dalaga. Nagpabalik-balik na siya sa restaurant na kung saan dapat sila ay magkikita. Subalit hindi niya ito matagpuan. Nakaoff rin ang cellphone ng kaibigan nito. Kahit ang pamilya ng dalaga ay wala man lang siyang alam kung saan ito pupuntahan. Nakailang tanong na rin siya sa mga kapwa prosecutor nito. Ngunit tila walang maibigay ang mga itong information tungkol sa dalaga. Pabagsak nitong inilagay ang kaniyang basong babasagin sa exclusive table niya na may lamang alak. Habang mabilis niyang naituon ang dalawa nitong mga kamay sa lamesa. At saka siya napatitig sa glass window nito sa kaniyang opisina. Na halos magdilim na ang kaniyang mga paningin dahil sa galit. Naiinis siya dahil sa sensasyong kaniyang nararamdaman.

“Damn it!”

Kasabay nang malakas na sigaw niya ay ang paghagis nito ng baso na kanina pa niyang pinakatitigan. “Where are you, Aliyah? Why can't you even call me?!” Halos maihilamos na niya ang mga kamay sa kaniyang mukha. Ang galit at kabog ng kaniyang dibdib ay hindi man lang niya maiwasan. Kung ano-anong bagay ang kaniyang mga inihahagis. Nalilito siya sa kaniyang damdamin. Damdamin na dapat iba ito sa takbo ng kaniyang mga plano. Subalit sa tuwing naiisip niya ang nawalang kaibigan ay pumapalit ang galit na kaniyang nararamdaman. Tila ba hinahamon siya nang isang kapalaran o, hustisya na dapat 'yon ang kailangan niyang gawin. Kukuhanin na sana niya ang telepono upang tawagan ang kaniyang sekretarya nang biglang bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina. Bumungad sa harapan niya ang kaniyang kaibigan. Na halos takang-taka sa mga nagkalat at basag na bagay na nakikita nito sa sahig.

When Hate and Love Collide (tagalog) R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon