Paul's POV
Isang oras pagkatapos ng proposal ni Adam kay Jenny, nagsiuwian na yung ibang bisita, pati parents naming mga Angels umuwi na, pero kami, nagkaayaan pang mag-inuman.
Sa sobrang saya namin, di na namin namalayan ang oras.
"It's getting late, we should go little princess. May practice pa bukas diba?" pag-aaya ni Viel kay Kaira. Di siya masyadong umiinom eh.
"Pero--"
"Ayos lang Kai, ako ng bahala sa dalawang toh" nakangiting sabi ni Spencer habang nakaturo kila James at Dustin na halatang pareho ng lasing, tulala na si James at makulit na si Dustin eh (yung totoo? Ba't parang wala sa mood at problemado si Dust kaya naglasing?). "Tsaka tutulungan ako ni Liane" dagdag pa niya.
"See? Let's go"-Viel. Tumango nalang si Kaira at tumayo na.
"Teka!" pigil ni Lance sa kanila. Di masyadong uminom tong kapatid ko, buti nalang. "Paul, hindi mo pa ba ihahatid si Princess? Gabi na oh" tanong niya sakin. Agad kaming nagkatinginan ni Nick.
"Nako Lance, mukhang lasing na tong si Paul. Nakailang bote na eh" sabi ni Nick.
"Pero kailangan niyang ihatid ang girlfriend niya!" sigaw niya.
Tumayo ako. "Sige na, ihahatid ko na siya" sabi ko. Nakakadalawang hakbang palang ako, bigla akong natumba kila Nick.
"Tignan mo Lance? Hindi na kaya ni Paul, ang mabuti pa, ihatid mo na si Cess tapos ako na maghahatid sa kapatid mo" sabi ni Nick.
"Pero--"
"Hindi tol, kaya ko" tatayo sana ulit ako pero natumba na naman ako.
"Hindi na, ako na ang maghahatid sa kanya baka kung ano pang mangyari sa inyo sa daan. Umuwi ka na din at magpahinga" sabi ni Lance. Nagkatinginan kami ni Nick at simpleng napangiti.
"Sabay na din kami ni Jessie pre" habol ni Jerry.
"Ako na ang maghahatid kay Thalia. Babalik nalang ako dahil mukhang wala pang balak tumigil si Shane kahit lasing na" -Makki. Mukhang may problema si Shane huh?
"Ihahatid ko na din muna si Jenny" -Adam
"Tulog na si AJ, alis na din kami nila Maddy" -Joe
"Balik nalang kami" paalam nila Joe at Adam, tumango naman kami sa kanila.
"What's up Paul? Hindi ka naman madaling malasing huh? Anyare?" tanong ni Nate. Tama siya, wala namang madaling malasing sa Hearthrobs eh.
"Mukhang problemado kayong apat huh?" tanong naman ni Nick sa mga GD.
"Tss" sagot ni Jason sabay iwas ng tingin. Si Shane naman dedma lang, patuloy lang sa pag-inom.
"Girl problems. Teka, ano ngang meron Paul? Di ka naman talaga lasing oh! Ba't pinagsama mo yung mag-ex?" tanong ni Nate. Whoa! GIRL problems? Eh bukod kay Makki, wala ng may interes sa kanila sa babae eh! Pero di din normal na mamroblema ang casanova'ng yun sa babae. Yaan na nga, di naman magkukwento yang mga yan samin.
Ngumiti ako. "I think it's time to return what I borrowed" simpleng sabi ko sa kanila. Mukha silang naguluhan. Kaya naman pinaliwanag namin ni Nick ang lahat. Oo, nakapagpasya na ako. Ibabalik ko na ang buhay ni Lance.
"Takte! Parang telenovela buhay natin Paul huh?" biro ni Spencer.
"Hahaha, ang mga Torres lang ang may matinong buhay satin eh" natatawang sabi ko. Natawa naman sila at sumang-ayon. Totoo naman kasi.
Habang nagtatawanan kami dun, I pulled out my phone then texted Princess.
'You're with your prince, it's ok, don't hold back. Become his princess again. You're his, not mine. I'll take care of everything, just make him happy again' yan yung tinext ko sa kanya. Kasabay ng pagsend ko, ay ang pagdasal ko na sana makaya ko tong desisyon ko at sana magkaayos na yung dalawa.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Novela JuvenilMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...