•16•

29 3 0
                                    

Chapter 16

Nangangatog akong naglakad papasok ng hospital. Mabuti na lang at hawak hawak ako ni Lanz kundi kanina pako natumba. Zyron said nasa ICU ngayon si Thea at 2 hours ng comatose. May internal bleeding siya sa ulo dahil daw sa malakas na paguntog ng ulo niya sa windsheild ng sasakyan.

Dere-deretso lang kami papunta sa ICU. Nang makarating kami dun ay nasa labas si Zyron. Nakaupo habang nakayuko at walang kibo. Lumapit kami sa kanya, same speechless.

Bumaling ang tingin ko mula sa window glass, naglakad ako ng dahan dahan palapit.

Nandun si Thea, nasa tabi niya ang mommy niya at iyak ng iyak, her Dad was crying too. Saka lang din lumandas ang mga luha mula sa mga mata ko.

She looked wrecked. Ang daming tubo ang nakasaksak sa bibig at ilong niya. Her head was surrounded by thick bandages. Halos manghina ako sa kalagayan ng bestfriend ko ngayon.

Inakbayan ako ni Lanz at niyakap ko naman siya. Naawa rin ako sa kanya, hindi pa nakikita ni Lanz si Thea simula ng nakauwi siya galing New York, tapos eto madadatnan niya sa una nilang pagkikita.

"Dennise, i don't wanna say this but i need to go." Sabi ni Lanz. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Dad just arrived from NY." Dagdag niya. Ayoko pa sana siyang umalis pero kailangan daw siya dun. Alam ko rin namang labag yun sa kalooban niya.

"Itext mo na lang ako kapag nagising na si Thea." He kissed my forehead. "She'll be okay soon." At tinalikuran na niya ko. Pinagmasdan ko ang paglakad niya palayo hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

I looked at the person who's now looking at me. Kumikintab ang mga mata niya dahil sa luha. First time, first time ko syang nakitang umiyak.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabing upuan.

"I-i'm sorry." Nauutal niyang sambit. Napalingon ako sa kanya na nagtataka. Anong ibig sabihin niyang sorry?

"I let her drive the car alone." Humikbi siya kasabay ng pagpatak ng basa sa gray pants niya. He's crying. Natigilan ako. "I was supposed to protect her, to comfort her, but.. it ended up like this, just because of that stupid Patrick." Mejo nagulat ako ng sambitin niya ang pangalan ni Patrick. Patrick just called me this morning.

So, this is all about him? Dahil kay Patrick, naaksidente si Thea? Oh my god! How could i be such a dumb! Ngayon, naiitindihan ko na, Thea heard that he was making out with another girl. Yun pala 'yon? Kaya pala nangyari lahat ng 'to! P*tangina nya!

Dali dali kong kinuha ang phone ko sa bulsa. Nanginginig ang mga kamay kong hinanap ang number ni Patrick sa call logs. I immediately dialed it.

Ring lang iyon ng ring at walang sumasagot. The third time i contact him eh cannot be reach na. Muntik ko ng mabato ang cellphone ko kung hindi lang nahawakan ni Zyron ang kamay ko.

Hindi ko na naman napigilang mapaluha. Zyron hugged me as a lot of thoughts came out of my mind. Akala ko si Patrick yung tipo ng taong hinding hindi mananakit kay Thea, akala ko siya na ang magmamahal kay Thea hanggang sa huli, akala ko siya na siya na ang para sa bestfriend ko pero hindi. But the fact that Thea changed because of him, parang gusto kong lumipad ng Canada at pagsusuntukin ang mukha ng Patrick na 'yon hanggang sa matauhan. Hinding hindi ko siya mapapatawad kapag may mangyaring mas masama kay Thea.

--

4 hours, no i think 5 hours na kaming naghihintay ni Zyron dito sa labas. Mejo madilim na labas. Pati ang Mommy at Daddy ni Thea ay hindi rin lumabas mula sa loob. We are all waiting for her. Waiting for her to wake up, alam kong kaya ni Thea lampasan ang lahat ng 'to. She's going to be okay.

Napabuntong hininga ako ng makaramdam ako ng gutom, para namang napansin ni Zyron 'yon at napalingon siya sakin.

"May fastfood lang malapit dito, tara!" Nauna siyang tumayo at sumunod naman ako. Dumeretso kami sa parking lot at kagad na sumakay sa kotse niya.

He started the engine as i fasten my seatbelt. Saka ko lang narealized na sa passenger's seat pala ako nakasakay.

"There's something you need to know, Dennise." Sambit niya habang deretso lang ang tingin sa daan.

Napalunok ako sa di malamang dahilan. Kinakabahan ako sa tono ng boses niya. Tahimik naman akong tumingin sa kanya.

"Thea's my fiance." Walang emosyon niyang sabi. Para naman akong nalagutan ng hininga. They're engaged?

"We were arranged by our parents. Nung una, ayaw ni Thea, she choses Patrick over me. But her Dad insist everything, walang nagawa si Thea kundi ang sumunod. She hated me before, kasi pumayag daw ako, kasi hindi ko pinigilan ang mga magulang ko, kasi hindi ko daw pinaglaban ang babaeng mahal ko.." Tumigil siya at bahagyang ngumiti ng pilit. "She don't have an idea that she was the girl i love, umuwi ako galing Canada bitbit ang pagmamahal ko para sa kanya, she accepted me, she gave me a chance kasi wala na kaming magagawa sa desisyon ng mga parents namin. She promised me that she'll learn to love me." Napabuntong hininga siya. Umiwas ako ng tingin. I don't know what to say pero nasasaktan ako.

"The time you settled a lunch for them, para akong mamamatay na ewan, because she asked my help the day before that, she asked me to help her forget about Patrick."

Gusto kong sabihing tama na.. pero walang gustong lumabas sa bibig ko. Ang bigat ng nararamdaman ko sobra.

Hininto niya ang kotse niya malapit sa may drive thru ng McDo. Mejo nagulat pako ng harapin niya ko.

"I'm sorry Dennise. Sorry kasi alam kong hindi sinabi ni Thea lahat ng 'to sayo. I'm sorry dahil nasigawan kita ng araw na yun. I'm sorry for everything, Dennise." Sincere niyang sabi. Gustong gusto ko ng umiyak sa harap niya. Kasi ngayon ko lang nakita ang side niyang 'to.

"S-sorry din.." At hindi ko na napigilan. I don't know if i was crying because of Thea or because of him. "Kasi pinagdudahan kita nung una.. hinusgahan ko ang pagkatao mo. Deans lister nga ko pero ang bobo ko naman sa mga bagay bagay. Thea should really be thankful because she had you." Pinunasan ko ang mga luha ko at binaling na ang tingin sa harap.

Pinaandar na niya ang kotse at pinasok na sa drive thru. Hindi na niya ko tinanong kung anong oorderin ko at umorder na lang siya ng gusto niya. Pagalis namin sa drive thru eh inabot niya sakin ang 1 pc chicken joy with drinks at Mcflurry. I just mouthed thank you at kinain na lang 'yon habang dahan dahan lang siyang nagda-drive.

Wala ng gustong lumabas na salita sa bibig ko kaya naman ng napadaan kami sa may malalayong pagitan ng lamp post pauwi sa bahay eh sinamantala ko na ang pagkakataon. Tutal mejo madilim naman, lumandas kagad ang mga luha mula sa mga mata ko. Ang sakit pala.

Ang sakit palang harap harapang sampalin ng realidad. Yung realidad na ang taong kasama ko ngayon ay mahal ko na, at hinding hindi ako kailanman mamahalin pabalik.

I'll Fall for You (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon