Chapter 17
9:30 am nako nagising kaninang umaga dahil sa kaiisip lahat ng nangyari kahapon. Masyadong mabigat sa dibdib. At mas bumigat pa ng magtext si Lanz na kagagaling lang daw niya sa hospital at di pa nagigising si Thea.
Ngayon, kailangan ko na talagang tanggapin ang lahat. Because Thea deserves a man a like him. Wala na syang hihingin pa sa taong yun.
Tumayo ako sa pagkakahiga ng biglang nagring ang phone ko. Si Mommy.
"Hello Mom!" Bungad ko sa kanya.
(Dennise! Ohmygod! I've heard what happened to Thea. Are you okay? May nangyari ba sayo? We are so worried about you and Owen.) Halatang alalang alala si Mommy sa boses niya.
"Mom, okay lang po ako atsaka si Owen dito. Thea's still in coma right now, sobra sobra po akong nagaalala sa kanya."
(Don't worry too much Dennise! We know she can do it. Mana yun sa Mommy niya, matapang na bata yun.) Mom said, assuring me. Nabawasan naman ng konting bigat ang nararamdaman ko.
"Yes Mom. Buti na lang po at tumawag kayo, miss na miss na po namin kayo."
(We miss you too, dear. O sya, magiingat kayo ni Owen jan ha? Stay each other's safe. We will come back soon.)
"Okay Mommy. I love you."
(I love you more.)
Call ended..
Naabuntong hininga ako at dali dali namang pumunta sa banyo. I'm going to visit Thea now. Kagabi lang pala inoperahan ang ulo niya. I hope she's safe. Sabi kasi ng mga doctor, halos 60% lang daw ang nakakasurvive ng brain surgery. Kaya naman kagabi eh pinagdasal at pinagdasal ko si Thea na sana ay maging okay na siya. Kasi maraming naghihintay sa kanya, maraming nagmamahal sa kanya.
I grab my maong shorts and oversized v-neck white shirt at sinuot kagad yun matapos kong naligo.
Hindi ko naman naramdaman ang presensya ng kapatid ko kaya mejo nagalala naman ako. Pinuntahan ko yung kwarto niya pero wala siya dun, pumunta din akong kusina pero wala rin siya dun, pinasok ko din ang mga banyo pero wala din siya dun. Asan kaya yung batang 'yun?
Pumunta ako sa carport at nandun naman ang personal driver niya, naglilinis ng kotse.
"Manong, nakita nyo po ba si Owen?" Tanong ko ng makalapit ako kay Manong Joey.
"Ay may kumuha sa kanyang chicks, gerlpren ata, sabi ko nga ihatid ko na lang siya kung san sila pupunta pero tumanggi siya." Paliwanag niya. O-kay. Chicks. Aba'y siguraduhin niya lang di 'yon chicken. Napangiti ako ng pilit. Lumalablayp na ang kapatid ko, samantalang ako? Hays.
Kalaunan eh nagpahatid nako kay Manong papuntang hospital. Kasi wala naman yung family driver namin kaya sa kanya na lang ako nagpahatid.
After 20 minutes. Nakarating na kami sa hospital, kagad naman akong bumaba ng kotse at lumakad papuntang private room ni Thea. Inilipat daw siya kaninang umaga lang. Pili lang kasi ang pwedeng bumisita sa kanya kaya sa private room siya inilipat. Pagdating ko naman dun eh may dalawang lalaking naka three piece suit sa labas ng pinto ng kwarto ni Thea. Talagang iniingatan nila Tito't Tita ang only child nila. Baka daw kasi may magtangkang gawan ng masama si Thea kaya meron talagang bodyguards.
Nginitian ko sila ng papasok ako. Pinagbuksan nila ko ng pinto at kagad naman akong pumasok. Sobrang laki ng kwarto. Well, knowing Mendez family, hindi talaga basta basta ang pamilya nila.
Para namang umatras ang kaluluwa ko ng makita ko ang taong nakatalikod sakin at nakaupo sa gilid ni Thea. Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko.
Sinubukang igalaw ang mga paa ko at nagpapasalamat akong nagawa ko 'yon. Tumalikod ako at nagbuntong hininga, siguro babalik na lang ako pagalis niya. Dahan dahan na akong humakbang paabante ngunit nakakailang hakbang pa lang ako eh tinawag na niya ang pangalan ko. Leche!
"You're here." Sambit niya. Napapikit ako at nagbuntong hininga. I looked at him, nakaupo siya sa isang plastic na upuan.
"Yeah. Binibisita ko lang si Thea kaso.." Andyan ka. Pwede ka na bang umalis? Agh! Gusto kong sabihin yun pero ayaw lumabas sa bibig ko.
"I suggested to look for Thea while her Mom and Dad leave to fixed something in their office. Wala rin naman akong ginagawa sa bahay." Parang nabasa niya ata ang iniisip ko. Sana pala nagpasama na lang ako kay Lanz. Iniiwasan ko na ang ganitong sitwasyon eh.
"Ah ganon ba." Tangi kong sambit. Nakatayo pa rin ako at para yatang ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Nakita kong iminuwestra niya ang mahabang sofa malapit sa paanan ng kama ni Thea. Napalunok ako.
"Ah ano.. may kuk---" hindi ko natuloy ang aliby na sasabihin ko ng bila siyang tumayo at lumakad papunta sa kinatatayuan ko.
"I'll buy a drink." Sabi niya at nilampasan nako. Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa likod ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at nagbuntong hininga. Naglakad ako palapit kay Thea at umupo sa upuang inupuan kanina ni Zyron. Pinagmasdan ko siya.
"I'm sorry Thea." I held her hand. "Kalimutan mo na si Patrick bespren." Halos pabulong kong sabi.
"May taong nagmamahal sayo ng lubos. Don't let your eyes stick only with him, tumingin ka din sa paligid mo Thea, nandyan si Zyron sa tabi mo. He'll never hurt you like what Patrick did." Hinalikan ko ang kamay niya. "Kaya gumising ka na ha? Nandito lang kami para sayo."
Ang hirap pala. Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas para sabihin ito. Pero mahal na mahal ko si Thea, i'll never betray her.
Dali dali akong lumabas ng kwarto ni Thea at sa hospital. Baka kasi maabutan pako ni Zyron. Sinabihan ko si Manong na hintayin na lang ako kaya naman pagpunta ko sa parking lot eh nakita ko ang sasakyan namin. Dali dali akong lumapit don at papasok na sana ako sa backseat ng manigas ako.
Yeah, i saw Zyron got out of the driver's seat. So, this isn't our car? Napatingin siya sakin ng nagtataka. Bumaling naman ang tingin ko sa dalawang chocolate drink na magkabilang hawak hawak niya. Bad timing. Lihim kong nasapo ang noo ko at ngumiti na lang sa kanya.
"Ah eh kasi akala ko k-kotse namin." Napangiwi ako. "I-i mean, bago 'tong kotse mo? A-ang ganda." Sabay ngiti ko na parang tanga.
"Oh! Thank you!" Sabi niya at ngumiti din. Damn! "Here." Inabot niya sakin yung isang chocolate drink na hawak niya at tinanggap ko naman 'yon.
"Thanks." Wala sa malay ko namang ininom yun at halos mabitawan ko ito ng mapaso ang dila ko sa init. Sht! "Ouch!" Daing ko. "Hini mo naman hinaming mainit mala 'to." Reklamo ko habang hawak hawak ko ang parte ng dila kong napaso.
"Oh sht! I'm sorry." Kagad siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko. "May i see?" Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa dila ko at sinilip niya ang bibig ko. Natigagal ako sa ginawa niya. "Masakit pa ba?" Damn! Zyron.
Tinikom ko ang bibig ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Hindi na gaanong masakit." Sabi ko at pilit na ngumiti sa kanya. Tinalikuran ko na siya at nauna ng naglakad papasok ULIT ng hospital. Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad ulit papasok sa loob, pwede ko namang sabihing uuwi nako.. na dapat ay gagawin ko na kanina.
Pero wala na namang gustong lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
I'll Fall for You (ON HOLD)
Teen FictionThe worst pain in love is when your falling ALONE.