Naalala Mo Pa Ba?

83 3 3
                                    

This is only a one-shot story. And this story is a work of Fiction.

I also dedicate this story to LiaReyN, Enjeruitz01, blue_jero and to ZoeNightshade_Jinn

Enjoy reading :)

--------

Naalala ko pa kung paano tayo nag simula.

Highschool tayo nun.

Nagkataon na ikaw ang katabi ko.

Hindi kita kilala nun kahit mag batchmate tayo nung Last year.

Ilang araw rin akong walang katabi kasi hindi ka pa pumapasok.

Sabi ng mga iba, tinatamad ka raw.

After 3 days yata, pumasok ka na daw at tinuro ka ng isang kaklase ko.

At doon na kita natandaan. Ikaw pa nga ang naka talo sa akin nung pinalaro

ako ng isa mong kaklase na close ko pag First Year ng PSP niya. ginamit ko that time ay yung PSP ni Gil at yung sa inyo naman ay yung kay Michael. As in! ikaw lang ang nakatalo sa akin.

Nung unang na expect ko, Masungit ka. Kasi Kasabay ka sa grupo nila Gil at Michael eh.

Pero nakita ko naging mabait ka sa akin. mali ang expectation ko. Medyo naging close tayo.

Usap tayo lagi, hindi ko alam kung anoang gagawin ko. Di ko mapigilang maging maingay sayo.

Minsan nasisilawan ako sa ngiti mo. inaamin ko, gwapo ka pag naka ngiti.

Kada titingnan mo ako, para akong natutunaw na yelo. Iniiwasan nalang kita minsan.

Naalala mo pa ba nung pinahiram kita ng ballpen na yung lalagyan ay kulay blue?

Pinapahiram ko sayo yun dati at nung sinabi ko na kapag naubos na, ibibigay mo ulit sa akin.

Pero tumanggi ka nun dahil sabi mo na remembrance mo nalang yun galing sa akin. Kinilig ako sayo nun.

Lalong lalo na nung sinabi mo na nabaliw ka na nung nawala mo yung ballpen.

Grabe! gusto kong tumawa sayo that time. Sinabi mo na nababaliw ka na sa kakahanap nung ballpen na iyon at nag alala pa ang mga kasama mo sa bahay at nagsasabi sila kung gaano ba ka importante ang ballpen na iyon at sinabi mo na importante talaga yun. Hindi ko mapigilang ngumiti. Tiningnan mo yun sa bag mo at nakahinga ka ng maluwang dahil nakita mo sa pocket ng bag mo.

Nung day kung kelan ako nahulog sayo at naging crush na kita, doon din ang time na pinalipat tayo ng seats. Syempre nanghinayang ako nun. Pero sinabi ko sa sarili ko, OK LANG, MAGKIKITA NAMAN TAYO LAGI.

Naalala mo ba nung kumanta ka, lahat na classmate at batchmate natin na babae sumisigaw at kinikilig ang iba yata. I-add mo pa ang gwapo mong mukha at nakakatunaw na ngiti. Hindi ko alam sa sarili ko, nakikisali na rin ako sa kanila.

Naalala ko pa nung sinearch ko ang pangalan mo sa Facebook. Hindi ko alam sa sarili ko. abot langit ang ngiti ko at saya nun dahil naging friends na tayo. Crush na crush na kita nung mga araw na yon. Mas lalo pa akong naligayahan nung nag chat ka sa akin. Konti man lang ang pinag usapan natin pero feeling ko, yun na ang pinaka mahabang conversation natin.

Dugtungan ko pa sana ng puso eh kaso natatako ako kaya smiley nalang ang nilagay ko.

Naalala mo pa ba nung nag tanong ka sa akin kung paano iso-solve ang isang problem sa Math tapos hindi ako makahinga dahil ang lapit mo sa akin. Oo may distance siya pero pag idinugtong mo ang dalawang kamay mo, parang ganun ka kalapit sa akin. Hindi ako maka tingin sayo ng maayos nun at nahihirapan akong huminga.

Naalala mo pa ba na binigyan kita ng regalo nung Christmas party? kinakabahan ako nun.

ayoko sanang ibigay yun sayo kasi nahihiya ako at natatakot pero pinilit ako ng mga friends ko.

Nung nag sitayuan ang lahat at naging busy, doon ako kumuha ng lakas ng loob na para makalapit sayo.

Papunta pa lang nga ako sayo nanginginig na agad ang paa ko lalong lalo na nung nasa tabi na ako.

Huminga ako ng malalim at binigay ko sayo ang regalo ko. Sinabi ko na Christmas Gift ko yun sayo at Birthday gift. At nakita ko agad ang nakakatunaw mong ngiti at dagdagan pa yung titig mo sa akin.

Para na akong yelo na sobrang tunaw dahil sayo. Hindi ka pa nga naniwala sa akin eh kung gift ko ba yun sayo o hindi. Sinabi ko naman sayo na OO kaya nag pasalamat ka sa akin at nag sabi ka na bibigyan mo ako ng gift after ng Christmas Vacation. Ako'y nasiyahan at kinilig nun. Hindi kapanipaniwala na tinanggap mo iyon at bibigyan mo rin ako ng gift. Lalong umabot sa langit ang saya ko nung sinabi mo na ayaw mo mag promise
dahil 'Promises meant to be broken' at doon mo ako napahanga.

After the Christmas Vacation, Syempre pasukan ulit diba?

Pasukan na pasukan, di ako naka attend ng klase kasi pauwi palang ako non.

kinabukasan, pumasok na ako. Ang saya ko kase makikita ko na ang mga barkada ko, friends ko.

Hindi kita hinanap non that time. Yung mga Barkada ko, na wiweirdohan ako sa kanila. Para bang may ipaparating sila sa akin. Nanibago ako sa kanilang tatlo. Mag tatanong nga sana ako kung may nangyare kahapon na hindi ko alam kaso naunahan nila ako. tinatanong nila ako kung okay lang yung kulay orange sa akin. sinabi ko naman, Okay lang.

Tapos ngiti-ngiti sila sa akin tapos sabi nila sa akin na first time daw nilang kiligin kahapon kase daw may ngangyare.

Syempre curious na curious ako nun. Tinatanong ko sila kaso ayaw nilang sabihin. Hindi ko sila mapipilit kaya tumahimik nalang ako.

Naala mo pa ba Kinabukasan, dumating ka na. Hindi rin ako nag bigay-pansin sayo non. Naalala ko pa talaga nong pumunta ako sa locker para kunin ang libro ko at nandoon ka rin para kunin mo ang libro mo. Nung paalis na ako, ay bigla ka lang nag salita ng mahina na, 'Kunin mo sa akin mamaya ang gift'. Nag taka ako nun kung sino ba kausap mo. Binalewala ko na lang dahil ayoko mag assume na ako ang kausap mo. Nag hanap rin ako ng tiempo that time para itanong sayo kung ako TALAGA ang kausap mo kanina at sinabi mong 'yes'. Syempre natulala ako non dahil tinupad mo ang sinabi mo sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Halo halong emotion ko non. sasaya ba ako na kikiligin na kakabahan na ewan.

Nung uwian na, may nagyare sa classroom na kinikilig kaming lahat. May nag celebrate ng monthsary non at syempre sinong di kikiligin nun na kinantahan ni boy si girl diba?
habang nanonood ako, narinig kong tinawag mo ang pangalan ko at lumingon ako sayo. Tumayo ako sa kina uupoan ko at lumakad palapit sayo.

May kinuha ka sa bag mo at pinakita ang kulay orange na wrist watch. Nilahad mo yun at tinanggap ko naman. Ang lakas ng tibok ng puso ko!

As in ang lakas lakas talaga! First time ko kasing makatanggap ng gamit mula sa crush ko. Hindi rin ako makapag hinga sa lakas ng tibok ng puso ko!

Hindi ako makapag hinga at hindi ako makapag salita ng maayos dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, napahina ako sa pag sabbi ng 'Thank you' at umalis sa classroom.

Nakita ako ng isang kabarkada ko na lumabas at sinundan ako. Hindi talaga ako makapag hinga non. Nag tatanong ang isang kabarkada ko kung okay lang ako.

Hindi ako umimik at pinakita ko sa kanya yung gift at parang hindi rin siya mapaniwala. Sinabi ko sa kanya ang nangyare kanina. Kinikilig na naman siya.

Sinabi niya rin sa akin kung bakit kinilig sila nung isang araw dahil sa gift na hawak ko ngayon. Nakita ko siyang lumabas sa classroom kasama ang mga kabarkada niya, nag Thank you ulit ako sa binigay niya at ngumiti lang ito sa akin. Umuwi ako sa bahay na naka ngiti.

Eto yung magandang gift at remembrance na natanggap ko galing sayo.

Ngayon, nagbago ka na. Hindi na yung dating ikaw ang nakilala ko. Hindi naman natin ma control na mag bago. Sabi nga nila, People change, right?

Kahit mag bago ka pa, hindi parin mawawala ang lahat ng alaala tungkol sayo.

Naalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon