21.

43 8 0
                                    

Kier's POV

MALAKAS na hinampas ko ang aking kamay sa lamesa saka binigyan ng masamang tingin si Vilet. Nakayuko lang naman sya.

"Ilang beses ko nang naririnig ang bagay na iyan!" I hissed. In split second ay nakalapit na ako sa kanya habang hawak sya sa leeg. "You keep on disappointing me! I already met my son, now all we need to do is rebuild everything for him and to avenge ourselves!"

"P-patawad pinuno, hindi ko talaga malaman ang dahilan kung bakit hindi naging matagumpay ang mga eksperimento natin."

Nagtagis ang bagang ko. I threw her at the corner that made the place shake. Malapit nang maubos ang pasensya ko sa kanilang lahat!

"Parte ka ng nanguna sa ritwal para mabuo ang anak ko, dapat ay alam mo ang dapat gawin!"

Hindi naman sya nagtangkang tumayo. Marahil ay iniinda nya ang pinsala sa katawan buhat sa pagkakahampas nya sa pader.

"A-alam mo naman pinuno na ako ang pinakamahina sa shadow rank, a-ang tunay na nakakaalam ng ritwal ay ang dating pinuno ng shadow rank."

Hindi makapaniwalang sinulyapan ko sya. Kung hindi lang sya ang natitirang shadow rank, hindi ko sya isasama sa misyong ito! She's right. She's the weakest among her peers. Hindi ko alam kung may silbi pa sya sa akin.

"P-pero may naalala ako na nabanggit nila bago ang gabi ng ritwal..."

"At ngayon mo lang naisip na sabihin sa akin?!" Gusto kong pilipitin ang leeg nya.

"Paumanhin pinuno, kailan ko lang naalala ang bagay na iyon..."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "And what is it?"

"The ritwal comes with a curse... or sacrifice. Hindi ko na alam ang mga sunod nilang pinag-usapan dahil masyadong malihin ang mga pinuno namin."

Curse? Sacrifice? Napaisip naman ako. Walang nabanggit sa akin ang dating namumuno ng shadow rank tungkol sa bagay na iyon. They just told me that it will be a simple ceremony in exchange of some information about the Light Vatican.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Kung may natira sanang libro na makakatulong sa akin, mas madali kong malalaman ang mga lihim ng mga naunang Elders ng Shadow rank. Ngunit kasama iyong natupok ng dating palasyo ng samahan nila nang burahin sila ng Light Vatican sa mundo.

"Alam kong disappointed ka sa akin pinuno," ani Vilet. "But I have something to tell you that might help us gain more power."

Hindi ako nagaksaya ng panahon na tingnan man lang sya. Pagod na akong pakinggan ang mga suggestions nya na wala namang magandang kinakalabasan.

"One of our subject reacted to mind controll—"

"Bullshit!" putol ko. "Of course they will! It's a fucking ability, at gagana talaga iyon sa kanila!"

"Pero pinuno!" mabilis syang tumayo at may pagmamadaling lumapit sa akin. "Sinubukan kong gamitin ang isang ritwal na nagpapalakas ng mind manipulation. At iba ang reaksyon nya doon!"

Now she caught my attention.

"Alam naman natin na ang normal na mind manipulation ay tumatagal lang ng ilang oras o di kaya ay araw, dipende sa ipinagawa mo. Pero sya ay nanatiling intact ang kaisipan, but still under my control."

Napatayo ako sa sinabi nya. "What in the world?"

"Iyon din ang pinagtataka ko. Posible kayang makontrol natin ang utak nila na hindi sila nawawala sa katinuan? At ang pagkontrol ay walang hangganan."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon