09

4 1 0
                                    

"Anak, nakikinig ka ba?"

Bigla na lang akong bumalik sa katauhan ko ng tawagin na ako ni papa. Hindi ko alam kung bakit iniisip ko 'yon. Wala naman sigurong malalim na dahilan 'yung tanong n'ya diba?

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Hindi ka na nga ata nakikinig sa platong gagawin natin para sa birthday ng bunsong kapatid mo. Malapit na 'yon ha." Nag-aalala na nitong tanong sakin.

Muntik ko na tuloy makalimutan 'yung kaisa-isang mahalagang araw para sa kapatid ko'ng six years old. Mag seseven na s'ya next month and hindi na mapakali si mama at papa para sa gagawin naming grand celebration. Seven kasi kaya dapat grande.

"Uhm.. pa." Hindi ko alam kung dapat ko ba itong itanong sa kanya. Pero baka mabuksan ang isipan ko at malinawan kapag nakakuha nako ng kasagutan.

"May ibig ho ba'ng sabihin kapag may isang taong nagtanong sa'yo kung may karelasyon ka na ba?" Pagpapatuloy ko. Hinahanap ang tamang salitang dapat na bigkasin.

Hindi ko alam kung nahahalata ba nila. Pero hindi nila alam na isa akong bisexual. Hindi naman s'ya dapat i-big deal dahil nagkakagusto naman ako sa babae. Mas madalas nga 'e. Ngayon lang ata ako tinamaan ng sobra sa kapwa ko lalake.

"Minsan meron, minsan wala. Depende anak kung paano nila binigkas." Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi n'ya. Mukhang hindi na dapat ako umasa pa sa mga sasabihin ni papa.

"Kapag simple at walang dating. 'Yung walang emosyong pagtatanong. Dala lang yan ng kuryosidad. Kapag naman ang nagtanong sa'yo 'e.. kinakabahan, naiilang tumingin, at hindi alam ang dapat na sabihin. Aba anak. Nalintikan na sa'yo ang taong yan!" Maloko pero puno ng matututunan na dagdag pa nito.

"Sino ba yan anak? Ipakilala mo sa'kin ng malaman." Bigla akong nabulunan sa iniinom ko'ng tubig dahil sa tanong ni papa. Wala naman akong sinasabing ako!

"H-hindi ako pa! Yung. Yung kaibigan ko." Nauutal ko'ng sagot dahil sa sakit ng lalamunan.

"Gano'n ba? O sige anak. Sabihin mo sa lalaking yan. Este sa lalaki ng kaibigan mo. Try n'yang sabihin yung totoo hindi 'yung para s'yang secret admirer tapos ikaw naman si conan. Lakas maka detective conan."

"Hindi nga ako pa! At tsaka wala naman akong sinasabing lalaki 'yung may gusto sa'kin! Sa kaibigan ko pala. Ughh!! Bahala ka na nga d'yan papa! Papatayin ko na 'to." Iritable at asar talo ko'ng sigaw bago ko tuluyang pindutin ang end button. Nakakainis naman kasi!

-papa.

;Sabihin mo sa'kin kapag ayos na. H'wag mo'ng kalimutang ipakilala samin yang lalaki o babae na yan. Kahit ano anak, tanggap kita. Tanggap ka namin.

Mensaheng nakakapag antig damdamin. Para akong kukunin ng langit sa sobrang saya. Pero lord h'wag naman sana.

Tanggap ako ni papa! Tanggap nila ako! Pwede na ko'ng magpakasal. Si chef Austin na lang ang kulang. Ackkk!!!

"Pasok!" Nawala bigla ang kilig na nararamdaman ko ng may bilang kumatok sa pintuan ko.

"Naka-lock 'yung pinto Lance!" Sigaw na boses ni chef... Austin? Mabilia akong nagpunta sa pintuan para pag buksan s'ya ng pinto. Mabuti na lang ay nakapaglinis nako ng kwarto simula nu'ng tumawag si papa.

"Oh. Napapunta ka? Na-miss mo kwarto mo?" Pabiro ko'ng bungad dito bago ko s'ya papasukin.

Agad naman itong dumeretso sa kusina ko at malakas ang loob na binuksan ang lahat ng kabinet ko doon pati ang ref. Okay, sabi nga nila. Feel at home!

"Wala ka'ng kahit na anong gamit?" Nagtataka nitong tanong na mas lalo ko namang ikinapagtaka. Gamit saan? Sa pagluluto? Anong gamit? Mga sangkap ba?

"Wala. Bakit ba? Anong gagawin mo?"

"Obvious ba? Siyempre tuturuan ka'ng mag luto."

"Linggo ngayon no! Dapat nagpapahinga ka. Hindi mo naman kailangan na—ano?! Tuturuan mo ko'ng magluto?!" Halos matumba nako sa gulat ng pumasok na ng mabuti sa tenga ko ang sinabi n'ya. Bakit n'ya ko tuturuan? Hindi naman namin napag-usapan 'yon ha?! Tinanong n'ya ako kagabi kung kaya ko'ng magluto pero di n'ya sinabing tuturuan n'ya ko kinabukasan! Ugh! Hindi ako nakapaghanda!

"Sandali lang ako. Kukuha lang ako ng pwedeng rekado. Buti natatawag mo'ng bahay itong kwarto mo. Wala man lang kalaman-laman!" At nakuha pa nga n'yang manlait bago umalis! Ang lakas ng loob! S'ya nga itong basta-basta na lang dumadating! Wala man lang pasabi!

Mabilis akong naligo at nag bihis ng maayos bago naglinis ulit ng kwarto kahit wala naman nang dumi. Inilabas ko na rin ang mga paglulutuan. Lahat ata inilabas ko na. Hindi ko naman kasi alam kung anong lulutuin namin!

Ilang minuto lang ay agad na ulit itong kumatok sa pintuan at muli ko s'yang pinag buksan. Napatitig pa s'ya sa'kin ng ilang sandali bago nagpatuloy sa paglalakad. Papunta sa kusina.

"Naligo pa nga." Bulong n'ya sa sarili na narinig ko naman. Napairap na lang ako at hindi na sumagot pa. Baka may maduksong lang s'yang ikaiinis ko. Hindi pa n'ya ko maturuan mag luto!

Hindi ko maintindihan kung anong ginagawa namin pero hawak-hawak n'ya ang kamay ko!!! Hindi tuloy ako mapakali!

"Sige lang. Lamasin mo pa ng mabuti. Diinan mo, itaas baba mo pa. Sige. Ayan. Ayan ganyan." Para akong tangang kung ano-anong naiisip dahil sa mga salitang ibinibigkas nya.

Nagawa lang naman kami ng dough pero bakit 'yung mga salita n'ya para kaming gumagawa ng milagro! My gosh! Nakakahiya baka may makarinig!

"Pwede ba'ng ituon mo ang atensyon mo sa ginagawa natin?" Masungit na nitong pakikiusap kaya't agad agad akong napaayos ng kilos. Hindi talaga malaman ang magiging reaksyon ng lalaking 'to. Paiba-iba!

"Ayan. Good! Ang next natin at hahatakin na lang natin yan pahaba hanggang sa maging pasta." Bigla akong nagulat dahil sa sinabi n'ya.

"Ano?! Pasta? 'Yung pa'ng spaghetti?! Bakit hindi na lang tayo gumamit ng instant? Pinahirapan mo pa ko!" Inis ko'ng sabi na ikinatawa lang naman n'ya. Halos lahat na lang yata ng sinasabi ko natatawa s'ya. Murahin ko kaya 'to ng malutong?

"Para tipid. Tsaka ganyan din naman kami sa taas. Para alam mo na pag nagtrabaho kana 'don."

"Ang kapal mo! Nakita kitang gumagamit ng elreal pasta! 'Yung pinaka mura!" Inis ko'ng sabi na mas lalo n'yang ikinatawa. Mas lalo ko ring ikinainis.

"Para aksayado sa oras. I want to spend my break time with you. Gusto ko'ng magpahinga kasama ka."

————————
<3

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon