12

1 0 0
                                    

"Hindi. Mali ka ng pagkakarinig. Sa bahay n'ya ang tinutukoy n'ya hindi sa bahay ko. Wala nga kong bahay haha. Wala."

Hindi ko alam ang idadahilan ko sa sobrang pagkataranta. Bakit ba kasi sinabi n'ya 'yon?! Bakit kailangan n'yang sabihin na sa'kin s'ya umuwi kagabi?! Pwede namang magsinungaling ah!

"Nanggaling nga ako sa bahay ni chef Austin, chef Lance. Sana malinis pa ang tenga mo tulad ng sinabi mo sa'kin." Pagbabaliktad na n'ya ng sitwasyon ngayon.

"So... Magkatabi kayo o hindi?"

"Oo."

"Hindi!" Taranta ko muling sagot ngunit naunahan pa rin ako ng bibig ng lokong 'to na akala mo hindi kayang magsinungaling!

"Hindi? Anong hindi?" Mabuti na lang ay dumating na si chef Akio. Mukhang may hangover din mula kagabi.

Natigil na ang pangungulit ni Barney kaya't agad ko ng hinila si chef Austin palabas.

"Bakit mo naman sinabi 'yon?" Nagtataka ko'ng pagtatanong.

"Bakit? Totoo naman mga sinabi ko ah? Ba't nagagalit ka?" Seryosong tanong nito. Parang ako lang ang naaapektuhan sa mga mangyayari!

"Ba't nagagalit ako? Kasi hindi mo na dapat pa sinabi 'yon kay Barney! Alam mo namang madaldal 'yon!" Inis ko ng sabi, pinipilit paring pahinain ang boses.

"Nahihiya ka? Sana kanina pa lang sinabi mo na para naman alam ko'ng ikinahihiya mo ko'ng makasama." Pilit paring pagkaseryosong tono ng boses nito. Hindi ko mawari kung seryoso ba s'ya kasi ang galing n'yang magtago ng nararamdaman. Mukhang doon s'ya magaling.

"Hindi naman sa gano'n. Gusto ko. Gusto kitang makasama. Gusto kit—bumalik na tayo sa loob." Pilit ko'ng pinigilan ang sarili ko bago ko pa masabi ang nararamdaman ko.

Kaya ko naman kaso takot lang ako. Hindi sa takot ako na baka hindi n'ya ko mahal kundi takot ako na baka hindi n'ya ko tanggap. Baka tuwid pa s'ya sa kinabukasan ko at bigla na lang akong iwan. Takot ulit akong mag-isa. Na walang makikinig sa problema.

Nang makabalik na kami sa loob ay nag aayos na ang tatlo ng biglang nagdatingan na ang mga customer.

"Have a seat sir and ma'am."

"Enjoy your meal!"

Paulit-ulit kong banggit sa mga customer ng makapagpahinga na ako dahil puno na ang buong resto.

"Ano'ng nangyari? Mukhang may seryoso kayong pinag-usapan dalawa ah." Bungad na tanong sakin ni chef Akio ng lumapit ito sa pwesto ko habang wala pa s'yang niluluto.

"Wala lang 'yon. Maliit na pagtatalo lang. Napag-usapan na naman naming dalawa kaya sa tingin ko 'e ayos na." Pagdadahilan ko kahit hindi naman ako siguradong ayos na nga ang lahat.

Nagsimula na ulit ako sa pagtatrabaho at ganun din si chef Akio ng magsimula na ang fourth batch para sa araw na 'to.

Maaga pa ay nakaka-apat na puno na kami ng mga tao. Parehong-parehong mukha ang madalas kong nakikita kaya't medyo pamilyar na sila sa'kin. May iilan din namang bagong punta. Mukhang mga hindi taga dito. Hindi pa rin naman maiwasan ang mga pagpapapicture sa'ming lahat pero pansin ko'ng mas dumadami na ang pumupunta sa direksyon ko.

"Thank you chef. Ang cute n'ya talaga." Kinikilig na sabi nito sa kasama bago tuluyang lumabas ng restaurant.

Marami naman ang gano'n. Mga pumupunta lang dito para mag pa-picture sa'ming lima o kaya naman ay para sa instagramable na view sa itaas. Mukha kasi talagang nasa Italy dahil sa mga hand made na background at mga miniature.

"Chef Austin! Baka pwedeng si chef Lance naman ang magluto! Mukhang pagod ka na diyan!"

Sumang-ayon na lang ako sa ni-request ng isa sa customer namin. Marami rin namang pumayag kaya ako na nga ang nagluto at si chef Austin ang nag a-assist sa mga customer na padating at paalis na.

"Ah!" Bigla akong napabitaw sa kutsilyo ng hindi ko sinasadyang mahiwa ang kamay ko.

Mabilis namang rumesponde si chef Austin at agad na hinugasan ang kamay ko'ng dumudugo sa running water.

"Kenjie 'yung first aid kit natin! Pakibilisan!" Utos nito sa kaibigan na agad naman n'yang sinunod. Nakita ko'ng nakatayo sa harapan namin si chef Akio habang naka cross ang dalawang braso sa dibdib.

"Pwede ka ng bumalik sa trabaho chef. Ayos lang ako." Nakangiti ko'ng sabi dahil halata sa mukha n'ya ang pag-aalala. Anong meron sa dalawang 'to?

"Ah!" Angal ko ng biglang buhusan nito ng alcohol ang sugat ko. "May galit ka ba sa'kin?"

"Wala. 'E ikaw? Galit ka pa ba sa'kin?" Biglang nag-iba ang reaksyon ko at hindi malaman kung anong isasagot ko dahil sa biglaang tanong n'yang 'yon. Galit ba ko sa kanya? Kailan?

"Nagalit ba ko sa'yo?" Hindi nagpapatalo ko'ng sagot. Natawa lang naman ito habang umiling-iling pa. Parang may nakakatawa nanaman sa sinabi ko kahit wala naman!

"May nakakatawa?" Masungit ko ng tanong na ikinitigil n'ya naman at agad akong tinitigan.

"Bakit ang attitude mo? Meron ka ba?" Pagbibiro nitong tanong.

"'E ikaw. Paputol putol ba ang dalaw mo? Paiba-iba kasi madalas ang mood mo. Para ka'ng babae." Sabay irap ko'ng balik dito na ikinatawa n'ya nanaman.

"Ako pa nga." Bulong n'ya sa sarili na halata namang gusto n'yang iparinig sakin!

"Sana inilakas mo na lang no." Galit ko ng sambit bago tumayo at bumalik na sa trabaho.

Dire-diretso ako sa kusina para tapusin na ang naiwan ko'ng gawain ng bigla nanaman akong pigilan ni chef Austin.

"Mag pahinga ka muna." Nag-aalala niyang sabi ng bigla akong napatingin sa kamay n'yang mahigpit ngayon ang hawak sa akin.

Dali-dali n'ya iyong tinanggal at mabilis naman akong tumingin sa paligid para tingnan kung may nakakita ba. At meron nga! Si Barney nanaman!

"P-pahinga ka na muna 'don. Ako na ang tatapos nito." Pagpupumilit pa n'yang sabi sakin na ngayo'y hindi na maititig ang mga mata sa mata ko. Halata ang pagkailang n'ya!

Lumabas na lang ako at tinakasan ang mapanghusgang titig ni Barney sa'kin ng mapansing bakante ang lagi ko'ng inuupuan.

'this spot is property by a chef.'

"Pwede na palang umangkin ng pwesto rito. Sayang akin 'to 'e!" Sabi ko sa sarili habang nanghihinayang dahil may ibang chef na ang may ari ng favorite spot ko! Sino naman kaya 'yon sa apat na 'to?!

"Ipinaskil yan ni chef Austin kagabi para sa'yo." Kinikilig na balita sakin ni Barney na ikinagulat ko naman.

'para sa'kin?'

————————
<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taste of Italya [BL series #01]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon