Chapter1-Girlfriend?!!!

18 0 0
                                    

May naririnig akong mga naguusap ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang pinag uusapan nila...Sinubukan kong dumilat.Puti..Puro puti ang paligid...Pagkakita ko sa gilid ko,isang nurse ang nandoon..Nang mapansin niyang nakadilat ako ay agad siyang tumakbo palabas..Pagbalik niya ay may kasama siyang doktor at tila gulat na gulat ito...May tinawagan siya at maya maya'y may dumating na dalawang matanda,sa tingin ko'y mag asawa sila....Napaluha ang babae at agad akong niyakap..Sa sobrang taka ko ay tinanong ko siya.

"Sino ho kayo?"-ako

"A-Anak ano bang sinasabi mo?"-Siya


Ano daw?? Anak ?? 0.o


"P-po ? Baka naman po nagkakamali lang kayo"-ako


Tinignan niya yung doktor..

"We'll do some tests right away."sabi nung doktor at agad itong lumabas kasama yung nurse kanina...


"Nasan po ba ako?"-ako

"Wala ka bang natatandaan?" tanong nung matandang lalaki

"Wala po eh"-ako.

Nagkatinginan yung dalawa at lumabas...


Biglang dumating yung doktor.Kasama yung dalawang matanda.

"Okay,we'll start with the examinations...-"at nagtanong na siya ng kung ano ano..Sinagot ko naman siya sa bawat tanong niya...Tapos may mga kung ano anong tests pa siyang ginawa sakin tsaka umiling....

"Doc,bakit po?"Tanong nung babae..

"Nagkaroon po siya ng Dissociative amnesia due to the accident na nangyari..."Sabi ng doktor habang umiiling parin..


Ano daw?? amnesia ? aksidente ? 0.o

"D-doc,may treatment po ba para doon?"tanong nung lalaki

"Unfortunately sir,wala po...Pero posible paring bumalik ang kanyang mga alaala...Either may mag trigger para bumalik ang mga iyon or kusa nalang iyon babalik..."Sabi ng doktor...

Tahimik lang akong nakikinig sa mga usapan nila pero hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nangyayari....Anong aksidente ? Ah bahala na..Tsaka ko nalang itatanong sa kanila...


2 weeks after...

"Hijo,pwede ka nang lumabas mamayang gabi...."Sabi ng doktor..

"Okay po doc..Asan nga po pala sila dad?"tanong ko sa doktor... 2 linggo narin ang lumipas matapos malaman na may amnesia nga ako...Ang sabi sakin ng mga magulang ko,ang pangalan ko daw ay John Kendrick...Bukas daw ay papasok na ako ulit sa school dahil matagal tagal din pala akong nahinto sa pag aaral...


"Ahh,umuwi lang sandali para ayusin yung mga gamit mo...Pabalik narin yung mga yun maya maya."Nakangiting sabi ng doktor.

"Okay po"




Pagkalabas ko sa ospital kanina,tuwang tuwa sila dad na nagkukuwento kung ano ang buhay ko dati...Wala talaga akong matandaan kahit isa sa mga yun...Huminto ang sasakyan sa isang bahay,hindi.Isang mansyon..Whoa! ganyan kalaki ang bahay namin ? grabe! baka maligaw ako jan..hahaha....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time machineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon