...
"...life is full of sufferings-as well as happiness. Life is not just about storms but also rainbows. Life can be tricky as a tunnel so dark but there's a light at the end. We may face rocky roads through the journey yet we can have ice cream when we got to the destination. If those are the words you wanna hear, dream on people! Life is a hell and chaos. Life is bitter and unfair. Life is full of sufferings and happiness is death" I said and laughed.
...
"Life is full of sufferings for some people.
Life has no rainbows for some people.
And some people cannot taste even a little bit of ice cream.
Life for me is not a fairytale it was hell of nightmares."...
"Some of you maybe wondering who is this crazy lady talking about bitterness about life? hi, I am Chrasper Louise Ambrozo Mendez of Larrientte University and I have a chaotic hell of a kind life"
//---x-----x---//
"Reeze, bilisan mo gutom na ako" naiiritang sabi ko sa kabilang linya.
"Umuna ka na kasi, ipakita mo lang yung binigay kong pass sayo" napakamot naman ako sa ulo.
"Ayoko nga kasi, bilisan mo na sabay na tayo" pagrereklamo ko.
"Shutacca oo na sige na!" inis na sabi nya.
"Yan ganyan!" masiglang sabi ko at agad nya namang pinatay ang tawag. Napakabastos talaga nitong si reeze.
Naglakad na ako papuntang cafeteria at inintay sya sa may gilid sa labas. Maya maya lang ay nakarating na sya at agad itong kumaway. Ngumiti lang ako at hinila mya na ako papasok. Akala ko ba ako ang gutom bakit paramg sya yung nagmamadaling pumasok sa cafeteria? Kumuha lang kami ng pagkain at nnaupo sa usual na inuupuan namin.
"Hello, President!"
"Hi, Reeze"
"Good morning ate pres"Napailing na lang ako kahit lagi namang ganon ang eksena pag kasama ko si Reeze na president ng supreme student council dito sa Larrientte University sa highschool department .
"Hindi ka ba nangangawit sa kakangiti? muka kang t*nga" komento ko sa nakangiting si Reeze sa mga bumabati sa kanya.
"Ano ba dapat? iiyak?" sinamaan ko sya ng tingin at nag peace sign naman sya.
"Line mo yon diba ginaya lang e hehe galit kaagad ito naman" pang-aasar nya. Umiling na lang ako at kumain na kami.
"Is it okay makiupo?" sabay lapag ng pagkain nya at upo sa tabi ni Reeze.
"Sasagutin ko pa ba yung tanong mo?" nakangiting tanong ni Reeze. Hindi yan sarcastic sadya lang na ganon sya mag isip kaya parang mamimisinterpret mo pag hindi mo sya kilala.
"Oo naman kaya nga I asked ano ka ba" nakangiting sabi naman ni ate girl.
"Okay whatever" at sabay silang tumawa.
Ha? hakdog.
Ano bang trip nitong dalawa? I mean hindi naman sila magkakilala at ewan ko ba hindi ko magets kung anong nakakatawa don.
"Transferee ka ba?" tanong ni ko kaya tumango itong isa.
"Hallu, I am Acienette Claudette. Kayo? anong names nyo ba?" yung arte nya ng pagsalita parang hindi ka maiinis.
"Reeze Arriane Araneta. You can call me Ree na lang and pwede bang AC na lang itawag namin sayo? masyadong bongga name mo e hirap tandaan" nakairap na sabi ni Reeze na ikinatawa nitong AC.
YOU ARE READING
EZX99
Teen Fiction"...life is full of sufferings-as well as happiness. Life is not just about storms but also rainbows. Life can be tricky as a tunnel so dark but there's a light at the end. We may face rocky roads through the journey yet we can have ice cream when w...