Chapter 32

79 1 0
                                    

Chapter 32

Baler, Aurora

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Naglahad ng panyo saakin si Brayden. Nahanap nya ako rito sa rooftop. 4 na palapag ang hospital na ito, at naghagdan lang ako paakyat rito sa rooftop. Nag-iiiyak ako roon. Ngayong kaharap ko na si Brayden ay bigla akong yumakap ako sakanya. Doon ako sa bisig nya umiyak ng umiyak.

"Ssshhh..." aniya lang at inaalu ako sa pag-iyak.

Sobra-sobra na ang tulong na naibibigay nya saakin. Hindi ko na talaga alam kung paano siya mapapasalamatan. Jusko! Salamat at nakilala ko si Brayden.

Mga ilang minuto rin akong nakayakap kay Brayden. Just like the other day, naiyakan ko nanamans sya.

"All done? Nailabas mo na lahat?" tanong ni Brayden nang kumalas ako sa pagkakayakap sakanya.

Tumango ako. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Okay na ako at dahil nanaman iyon kay Brayden.Iminwestra nya sakin ang isang bench sa rooftop habang tanaw ang tanawin sa labas ng hospital. Umupo ako roon at pinagmasdan ko lang ang tanawin. Walang nagsasalita saamin.

Naglakas-loob akong magsalita at ngumiti sakanya.

"Wala kabang pupuntahan? Baka naabala na kita, Bray."

Umiling sya at ngumiti. "No. Free ako ngayon. I want to stay beside you. Kailangan mo ngayon ng kaibigan"

Agad rin akong bumaling ulit sa tanawin. Pinapigilan ko ang pag ngiti. Hindi ko alam bakit napapangiti parin ako ni Brayden sa lahat ng problema ko. Minsan naitatanong ko na nga sa sarili ko kung mahal ko ba talaga si Kevin eh. Hindi kasi ako naging ganto sakanya noon. Parang pahirapan pa sya dati sa pagpapangiti sakin pero ngayon, may isang lalaking kayang mapangiti ang labi ko sa mga simpleng salita lang.

"Salamat sa lahat. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag wala ka" mahina kong sabi. Alam kong hindi nya iyo maririnig.

Mga 10minuto lang ay nagpasya na kaming umalis roon ni Brayden. Ihahatid nya ako sa condo ko.

"Ano nang balak mo ngayon??" biglaan nyang tanong habang nasa daan sya ngayon.

"Uhmm. I don't know..... Ano nga ba?? Matuturing naman ng closure un dba? Wala na akong pakialam sa buhay nya. Besides, kasal na sila at magiging ama na" tuloy tuloy kong sabi. Wala nalang saakin iyon dahil nailabas ko na ang sakit.

"Kilala ko si Lyra. Daddy niya si Mr. Allan Shamir." bungad nya.

"Huh?" baling ko kay Brayden.

Tumango siya. "Stockholder sya sa isa naming company. Kaya kilala ko sya. Ang alam ko, ipinakasal agad ni Mr. Shamir yung dalawa matapos malamang buntis si Lyra. Iyon lang ang alam ko."

Hindi ako nagsalita. Mayaman talaga siguro ang pamilya ni Lyra kaya kilala sya ni Brayden. So what?? Wala na akong pakialam ngayon kay Kevin. Matapos ang lahat?? Tss.

Nakarating na kami sa condo. Nagpaalam na rin si Brayden dahil dadaan pa daw sya sa company nila. Nakakahiya tuloy dahil parang nasisira pa yung mga lakad ni Brayden dahil saakin.

Maghapon nalang akong humiga sa kama. Wala kong balak lumabas. Tamad na tamad akong bumangon ng mag-ala sais na. Kumaen na lang ako ng cup noodles saka nanuod lang.

Sa mga dumating na araw ay pare-pareho lang ang routine na ginagawa ko. Minsan sinusundo ako ni Brayden, or I should say dinadaanan. Tapos minsan ay nagtataxi nalang ako para hindi na sya maabala.

Masasabi ko namang nakalimutan ko na si Kevin. Nakamove-on na ako sa lahat-lahat ng nangyari samin. I already accepted na kahit kailan, hindi na kami pwede. Hindi na rin ako umaasa.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na natapos na pala ang pasukan. Bakasyon na at napagdesisyunan kong umuwi sa Baler. Nakakaexcite! Makikita ko na si mama at ang kapatid ko.

Nagpaalam na ako kay Tanya, kila Reinee, sa NZ at kay Brayden. Sa Aurora muna ako buong bakasyon.

"You okay with commute? Pwede naman kitang ihatid?" anyaya ni Brayden ng isang araw ay bumisita sya sa condo. Nag-aayos ako noon ng gamit.

"Ano kaba! Okay lang noh! Tsaka ang layo-layo ng Aurora, alam kong busy ka." sabi ko. Alam kong mamimilit sya pero hindi ako papayag na ihatid nya ako. Feeling ko ay perwisyo lang ako sa kanya eh.

"Tsss. Sige na Marionne. Andami mong dala oh. Mahihirapan kang magbuhat nyan."

Tumawa ako. "Mabigat ka dyan! Hindi kaya! Tsaka susunduin ako ni Mama at ng kapatid ko sa terminal kaya okay lang. " sabi ko naman.

"Kulet talaga.." bulong nya

"Hindi nga kasi Bray.Tsaka alam kong may get together din kayong NZ, tsaka family outing?" sabi ko. Alam ko namang mahilig magparty sila Travis at Jarred kaya alam kong lalabas ang mga iyon buong bakasyon.

"Hindi ka naman kasama....." bulong nya ulit pero hindi ko masyado narinig.

"Ano??" tanong ko.

"Wala. Ang ganda mo. Pero ihahatid kita sa terminal hah" aniya

"Tss. Okay. Okay." sabi ko dahil alam kong hindi ko sya mapipilit na wag na sa pagkakataong ito.

Dumating na ang Sabado. Araw ng pag-uwi ko s Aurora. Nasa Toyota Fortuner na ni Brayden ang mga gamit ko. Nilock ko na ang condo at pababa na sa car park. Naka-BF jeans lang ako at checkerd midriff top. Nakaponytail ngayon ang buhok ko.

"Tara!" bungad ko sa nakatayong si Brayden.

"T-tara." gulat nyang sabi.

Inihatid na nya ako sa terminal ng bus na papuntang Aurora. Ilang minuto lang ay nakarating na kami roon.

"Mag-iingat ka hah." pasimple nyang sabi nang buhatin na ang mga bagahe ko.

Ngumiti ako. "Ikaw rin palagi" kako at sumakay na sa bus. Kumaway pa ako sakanya bago sya umalis.

Nakakagaan lang sa loob. Hindi ko alam kung anu kami ngayon ni Brayden, madalas kaming asarin ng NZ pero hindi ko pa rin alam ang real score saamin. Sweet sya at maalaga pero hindi sya nagsabing manliligaw sya. Manhid ba ako? O baka sakanya ay nanliligaw na sya hindi ko lang alam?? Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon.

Sa haba ng biahe ay madalas akong tulog. Mahigit isang 10 oras din ang biahe. Nangiti na ako ng makita ang Arch sign ng Baler, Aurora.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon