46.

28 0 0
                                    

Tanya

Araw ng linggo at naisipan naming bumisita sa mga magulang ko ngayong araw, tutal wala rin naman kaming gagawin ni sun at wala rin pasok ang mga bata.

Tinawagan ko si Svea at Tamara na busy sa pakikilaro kay Charlotte sa may living room.

bumaba ako ng kaunti sa hagdan para makita ko ang tatlong anghel na nag lalaro sa living room.

"Twins?" tawag ko sa dalawa, binaling nila ang tingin nila sakin at binigyan ako ng nag tatakang mukha.

"Yes Mommy?" tanong nilang dalawa, sinenyasan ko silang sumama sakin at iwan si Charlotte sa living room.

"Yaya? pakisuyo" sabi ko sabay turo kay Charlotte. sumama na sakin yung kambal at sabay kaming umakyat sa kwarto namin ni Sun.

"Ano po meron, mommy?" tanong ni Tamara sakin, umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay nilang dalawa.

"Uhh. . . a-aalis tayo" pag uutal ko.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ni svea sakin, parehas silang nag hihintay ng sagot mula sakin.

"S-sa Pampanga" simpleng sagot ko, "Sa grandparents niyo" dugtong ko na kinagulat nilang dalawa.

"Finally!! makikita na namin lola and lolo namin!" Tamara said habang tumatalon pa dahil sa excitement.

"Parents niyo po? or ni Daddy?" Tanong ni Svea sakin, "parents ko" sagot ko at saka na sila tumalon ni Tamara.

"Isasama po ba natin si Charlotte?" tanong ni Tamara, kailangan namin siyang dalhin, ipapakilala pa rin namin siya bilang anak ni sun.

"Yes, let's wait for your daddy downstairs. get ready na ha?" Bilin ko at tumango naman silang dalawa.

Nag paiwan si Svea sa room namin, bumalik siya kung saan ako nakaupo at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng anak ko pero bakas sa mga mata niya ang alala at para bang tingin ng pag asa.

Napakasweet na bata, hindi ko alam kung paano ako mag papasalamat sa mundo dahil binigyan nila kami ng mga bata katulad ng mga anak ko.

"Mommy?" bungad na tawag nito sakin at biglang hinawakan ang mga kamay ko, sobrang gentle ng anak ko na 'to.

"Everything's gonna be alright" Sabi niya at isang patak ng luha ang lumabas sa kaliwang mata ko, "We're here po" bilin niya at saka ako niyakap.

"Oh, baby" Sabi ko at tuluyan ng naiyak sa hawak ng anak ko.

hindi ko alam na ganito pala kasarap ang yakap ng isang anak, yinayakap ako ng mga bata pero iba ang yakap na 'to kung ganito ang sitwasyon.

humarap sakin si Svea at pinunasan ang mga luha ko, akmang papasok naman si Tamara sa kwarto at nakita akong umiiyak.

ka-agad na tumakbo sakin ang bata at yinakap ako ng mahigpit, mahigpit na sapat na sabihin sakin na ligtas ako at magiging okay rin ang lahat.

hinawakan ako sa balikat ni Tamara habang pinupunasan naman ni Svea ang mga luha namin.

pumasok sa kwarto namin si sun at binigyan kami ng nag tatakang mukha, nagulat rin siguro ito at nakita kaming nag iiyakan ng mga anak niya.

"Did i do something wrong?" Tanong niya sa mga bata, pero hindi umimik ang mga bata.

"Im gonna cry too if–" hindi natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang inulanan ng yakap at iyak ng dalawang bata.

"Why sila umiiyak?" she mouthed, nag kibit balikat ako at hinintay na mag salita ang kambal.

"Are you scared?" Tanong ni Tamara, tinignan ako ni Sun at saka niya binalik ang tingin sa mga bata.

stcl (priv story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon