Mark Renz Candelaria and I (One- Shot)

710 20 6
                                    

“And okay, so now! Let us all welcome, THE BOYS OVERLOAD!”

“KYAAAAAAAAAAAAAA!!” Nandito ako, actually kami pala, sa SM Pampanga. Kasama ko ang buong Renzters dito.

May mall show sila, kasama sina Jude at Anica. Syempre, mawawala ba naman ang fansclub ng mga yan? Haha. Dami ngang tao dito e, at super ingay! >___<

“Ay te. Hindi ka ba magchi-cheer dyan? Baka gusto mong makisigaw para mafeel naman namin ang support mo? Hahaha.” Sabi ni Aira ng pasigaw. E ang ingay talaga, mga nakalunok ng speaker tong mga tao dito. Haha. K corny. -___-

“Haha. Sige kayo na lang. Kaya niyo yan.” Kung sila nagsisisigaw don at mga nagwawala na, ako nandito kumukuha na lang ng video. May mapapapala pa ‘ko. Tsaka ayoko, baka mapansin niya kasi ako.

Galing talaga nilang sumayaw! Lalo na si Renz. Yan pa, e talented yan e. Isipin mo nga, gwapo na, talented na, mabait pa! Expert pa sa dota! Hahaha!

Ang title ng sinasayaw nila ngayon ay “Hindi ko alam basta’t English siya”. Grabe! Nag improve na talaga siya. :”””>

Kapansin pansin si Renz dahil palinga- linga siya at parang may hinahanap.

“Ay bwisit ka!” Walangyang Aira to. Hinampas ba naman ako! Nagulo tuloy yung vinivideo ko.

“Ano ba! Sapukin kita dyan e!” ako yan, ganyan talaga ako, brutal. Haha!

“Waaaaaa! Tiningnan niya ko maygad!” Asus. Siya daw tiningnan, if I know yung nasa likod lang niya. Hahaha!

Pinabayaan ko na lang ang bruhildang yon. Kinikilig e. Hahah!

Nung natapos na silang sumayaw, pinag- introduction na muna sila nung emcee.

Nauna si Rojee. “Hello I’m Rojee Apostol. Follow me on twitter, @rojeeapostol. Thank you.”

Sumunod si Van, then si Keyr , tapos si Arvin at panghuli si Renz. (Hindi ko na ‘po isasali yung sinabi nila. Mehehe. Tinatamad ako e. ((= )

At nung si Renz na ang magsasalita, inunahan na siya ng mga Renzters na kasama ko. Hahaha! Kanya kanya ang tili e. 

Renz: “Hello po sa inyong lahat! Grabe! Dati palakad lakad lang ako dito, tapos ngayon andito na ‘ko sa stage! Haha!”

Oo nga, dati naglilibot lang tayo. Ngayon nandyan ka na, isa na sa mga pinupuntahan ng mga tao dito.

Matapos ng introduction nila, ininterview muna sila ng emcee.

Emcee: “At dahil malapit na ang Valentines, tanungin muna natin sila kung sino ang kanilang date or kung sino ang single sa kanila!”

Si Arvin ang unang sumagot, “Single and always available po! Hahah!”

Syempre ano pa bang aasahan mo? Malamang sigawan ng maka- Arvin! XD

Sunod naman si Rojee, “Single din at naghahanap pa ng idedate.” *sabay kamot sa batok na parang nahihiya* (feeling ko ksi mahiyain si Rojee e. Haha!)

Tilian na naman po ang nagaganap sa bawat sulok ngayon ng event center hanggang si Renz na lang ang sasagot.

Renz: “Taken na po ako e. At hinihintay ko na lamang siyang bumalik sa ‘kin para idate ko na siya. Hahaha!”

Kanya kanyang bulungan at sigawan (may ganon ba? Haha) naman ang naririnig ko. Si Aira naman parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha. Hahahha! Kung alam mo lang…

Mark Renz Candelaria and I (One- Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon