Gaya nga ng sabi nya ay itinago nga muna namin ni Chester ang kung anong meron saming dalawa,dumating sina Tita Cristine at Tito Nathan na may ngiti sa labi nang makita ko sila ay agad akong kinabahan,dahil hindi ko maipagkakailang maganda ang Mommy ni Chester.May pagkahawig si Cassy sa Mommy nya at si Chester naman ay sa Daddy nya.Parehas silang mababait,palabiro din ang Daddy ni Chester at dun palang malalaman muna kung saan nagmana si Chester.
Nang magtabi si Tita Bea at Tita Cristine dun mo lang din malalaman na magkapatid pala talaga sila,parehas sila ng ugali,at hugis ng muka.Buti pa sina Chester at Triton nabiyayaan ng magandang pamilya.
Napangiti nalang ako ng mapait ng makitang kilala na ng Mommy at Daddy ni Chester si Astrid,parang yung sinisigaw ng isip ko ako dapat yung andun,Umiwas nalang ako ng tingin para mapawi ang sakit na nararamdaman ngayon.
Gulat akong napatingin kay Triton na ngayon ay nasa harapan kona,napatitig tuloy ako sa magaganda nyang mata.Pero dahil sa pagtitig ko nakita ko ang galit at inis sa loob nun,mariin syang pumikit at sa pagmulat nun ay agad itong napalitan ng pag alala at pagkasabik.Hindi ko talaga sya maitindihan..
"Smile bright Reena.." Bulong nya bago umalis,magsasalita pa sana ako nguni't nasa tabi kona pala ang magulang ni Chester.
Dumaan ang kaba sa aking dibdib ng tapunan ako ng tingin nina Tita Cristine at Tito Nathan,alam kong ngayon palang nila ako nakita pero kung tumingin sila parang nakita na nila ako.
Lalapit na sana sila sakin ng biglang humarang si Cassy na may ngiti sa labi.
"Mommy,Daddy!May sasabihin pala si Kuya.." Excited na sambit ni Cassy,Hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
Hindi pa pala namin nasasabi sakanya na hindi muna namin sasabihin sakanila ang tungkol samin ng kuya nya.
"C-cassy.." Utal kong sambit,Napatingin ako sa gawi ni Chester at kita mo sa muka nya ang tataka.
"Huh?Wala naman akong sasabihin a..kahit kailan talaga si Cassy mema kaya di lumalaki e." Sabay tawa nya.
Kahit kailan talaga tanga pa din..
"Eto na yun Ate Vien.." Masayang sambit ni Cassy.
N-no pleasee..
"No need na anak,Alam na namin ng Daddy nyo.." Gulat akong napatingin kay Tita Cristine na ngayon ay masayang nakangiti.
"Really?Mommy pano?" Kinikilig na tanong ni Cassy.
Kala koba hindi muna sasabihin?Sinabi ba talaga ni Chester?Pero bakit parang kinakabahan ako?bakit iba tong nararamdaman ko?
"Neil anak,Pwede bang dalhin muna ang girlfriend mo sa harapan namin.." Masayang saad ni Tita.
Dapat masaya ako,alam na nila Vien wala kana dapat ikabahala..Napangiti nalang ako ng makitang papalapit na sakin si Chester,Bagay talaga sakanya ang suot nya mas lalo syang naging gwapo,sobrang nagpapasalamat ako sakanya dahil anjan sya nung oras na nahihirapan ako,nung panahon na nagpapakapagod ako,hindi ko alam kung pano nya ako napapagtyagaan..I'm lucky to have Chester in my life.At kung hindi man ayon ang tadhana saming dalawa atleast we meet.
"I miss that smile Vi..Kung mawala man ako sayo okay lang,Basta hindi yang ngiti na yan ang mawala." Bulong nya bago makalapit sakin.
"Wala namang mawawala,timang ka lang." Sabay tawa ko ng mahina,pero yung sinabi nyang yun tumagos sa isip ko.
"Anak lasing kana siguro,hindi naman yan si Astrid." Sigaw ng Daddy ni Chester,Sabay naman kaming napalingon sa Daddy nya.
Astrid?
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomansaThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...