Prologue

223 14 5
                                    

"There is a time for everything,
and a season for every activity under heaven:
a time to be born and a time to die."

Carol tapped my right shoulder as I zoned out habang nagmimisa si Father Felipe sa harap. "Parang wala ka sa sarili. Kanina ka pa tulala," bulong niya sa'kin.

"a time to weep and a time to laugh,
a time to mourn and a time to dance."

I felt the urged to smile at her even if I'm not fine. I whispered back, "May naalala lang ako."

My bestfriend beside me, doesn't need to know what am I going through. Ayokong kaawaan niya ako. She grabbed my right hand and hold it tight.

Ipinagpatuloy namin ang pakikinig sa sermon ni Father.

I am still active at church despite being married to a famous car- racer. Also a mother to my two-year old son, Lucas.

Nagbago ang takbo ng mundo ko nang mapalapit sa akin ang kaibigan ng aking asawa. He is the reason why I am in an unusual circumstances now.

"As part of the divorce settlement, you will keep the mansion in Isabela and Mr. Abellana will keep the penthouse in Manila. The villa in Zamboanga will be sold and the proceeds will be divided 50:50. You will also keep the villa in Isla Amira," tumikhim ang attorney at ipinagpatuloy ang sinasabi kaniyang sinasabi habang tulala akong nakaupo sa harap niya. Marami pa siyang binanggit na ari-arian naming mag-asawa na dapat naming paghatian. "Lucas will be taken care of by Mr. Abellana as per your request. It's up to both of you kung paano ang visitation rights but for now, it's better not to bother him."

Tumango ako at pinirmahan ang mga dokumentong nasa harap ko.

Tumayo ako nang makipagkamay si Attorney Salviejo sa akin. "I'll go ahead, Miss Montecillo. Have a good day."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng makaalis na siya sa harap ko. Namalagi pa ako ng ilang minuto sa loob ng restaurant para pakalmahin ang sarili ko kahit gulong-gulo pa din ako.

Hindi ko gusto ang nangyayari.

Pero nandito na, paninindigan ko na lang.

Tumayo ako ng maalala ulit ang nangyari sa akin. Dali-dali akong nagtungo sa banyo at nagsuka doon ng paulit-ulit. Hanggang sa wala na akong maisuka.

I stepped out of the restaurant afterwards.

I didn't know where to go...

I ended up riding in a plane going back to Isabela.

Pero hindi ako sa amin dumiretso.

My feet leads me to Isla Amira.

"Hindi ka nagpasabi? Sana nakapaghanda ako ng hapunan para sa'yo. Hintayin mo ako at ipagluluto kita." Tumingin si Aling Eva sa likuran ko, maybe checking-out kung may kasama ba ako.

"Ako lang po mag-isa." Maikling sabi ko sa kanya. "Huwag na po kayong mag-abala, kumain na po ako ng hapunan. Ako na rin po ang bahala sa sarili ko. Puwede na po niyo akong iwan." Pagtataboy ko sa kanya.

Wala siyang nagawa kundi lumabas sa villa. Pero nagbilin siyang tawagan ko raw siya kapag may kailangan ako.

I asked her not to tell anyone na nandito ako and she agreed.

Si Aling Eva ay ang katiwala nila Ate dito sa Isla Amira. Siya na ang manager ng islang ito. Developed island na dito, marami ng mga casita at private villas na pagmamay-ari ng mga kilalang tao. May mga vacation villa din dito ang mga kaibigan namin. The sea that surrounds these entire island is inviting. Kulay asul iyon at pinung-pino ang buhangin. Para ka na ring nakapasyal sa Balesin kapag nakapunta ka dito. Ganoon ang description ng mga turista na bumibisita dito.

Pagod akong humiga sa couch. Tulala akong tumingin sa ceiling. I raised my right hand and covered my eyes. Nanginig ang labi ko habang pinipigilan kong umiyak.

Kasalanan ko! Kasalanan ko kung bakit nagtiwala ako sa kaibigan niya. Akala ko mabuti siyang tao. Hindi pala!

I got up and swiftly ran out of the balcony.

Sa tagusan noon ay ang malawak na dagat. Madilim at wala ng tao.

Lumusong ako sa dagat at hinugasan ng paulit-ulit ang katawan ko.

"I will keep this as a secret only if you will file a divorce. Sa atin lang ito. Paniguradong masisira ang pangalan ng asawa mo pati na ang pamilya niyo kapag lumabas ang mga videos na 'to." Naaalala kong sabi niya.

Those dirty videos in his phone made me puke again. Suka lang ako ng suka sa dagat hanggang manuyo na ang lalamunan ko.

Maya-maya pa ay sunud-sunod ang pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas ito at sinundan ng nakakatakot na kidlat.

Kasabay ng pagkulog ay ang sigaw ko.

"Lord! Bakit ako? Bakit nangyayari sa akin 'to? Mabuti akong anak, wala akong inapakang kahit na sino. Linggo-linggo kitang pinagsisilbihan pero bakit pinabayaan mo ako sa demonyong iyon? Bakit?!" pagsusumamo ko habang patuloy pa rin ang matatalim na kidlat kasama ang kulog at hampas ng ulan.

"Sabi mo, God is omnipresent. God has promised that he'll never abandon. Pero bakit? Bakit pinabayaan mo akong babuyin ng taong iyon? Naging mabuti akong tao pero bakit ganito ang kinahinatnan ko? Bakit? Diyos ko? Bakit? Kung nag-eexist ka talaga, bakit hinayaan mo akong maging ganito?" Sigaw ko kahit basa na ako sa ulan.

Humakbang ako at lumusong pa lalo sa dagat.

If I die, this pain inside me will no longer linger. If I will die, no one will know about that dirty videos. If I die, I can save my dignity.

I am not afraid to die now. Ito ang makakapagsalba sa akin.

I am ready to die, God!

Please, take me!

Take me from this dirty world. Take me and let me rest in your place. I don't want to live in this world anymore.

Take me.

Take me..

Please, take me...

I continued stepping forward hanggang sa tumapat na ang tubig sa leeg ko. Nahirapan akong kumilos habang patuloy ang paghampas ng alon sa'kin.

I heard the sound of the waves mingled with the lightings and thunders as the sea continues to dragged me afar.

This is my end, Lord!

Take me now...

I am your child. Please let me rest in peace.



Racing Back To You (Montecillo Sisters Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon