Chapter 34

1.1K 28 2
                                    

"Hey there, bitchy-baby. Gising na..." Mahinahon at mahinhing tinapik ni Keifer ang aking pisngi upang gisingin ako. Kahit na ang totoo ay kanina pa gising na gising ang diwa ko. Hindi ko magawang matulog ulit simula nang marinig ko ang usapan nila kanina ng kung sino man iyong taong iyon. Hindi ko rin naman kayang gumising dahil natatakot akong baka anong lumabas sa bibig ko.

I faked a yawn and slowly opened my eyes to meet his twinkling eyes.

Napalunok ako nang makita kung gaanong kadikit ang mukha niya sa mukha ko. I can already feel butterflies in my stomach as I looked at him. I can smell his avocado scented breath. Mabuti na lamang at nagawa ko pang pigilan ang sarili kong madala sa nararamdaman kong ito.

I smiled at him before getting my water inside my small backpack.

Napaiwas rin siya sa akin at natanggal ang pagkakatukod ng mga braso niya sa magkabilang gilid ko.

"Are you okay, bitchy-baby? Nangangalay pa 'yung katawan mo?" He asked.

"N-no... Nauuhaw lang ako." After saying that, nilagok ko kaagad iyong tubig.

"O-oh." He looked unconvinced. Doubting about my act. Napakurap-kurap pa ito saglit.

"Nga pala, nasaan na tayo?" I asked.

"We're already here, you know. Mukhang napasarap kasi tulog mo kaya hindi nalang kita ginising pa kanina."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Awtomatikong lumingon ako sa labas ng sasakyan. Gosh. Lumingon lang pala ako para magalak sa tanawin.

"S-seryoso 'to?! Ang ganda rito, Kepweng!"

At least, I had this acting skills with me.

"Yeah, pero wala pa tayo sa exciting part..."

Napalingon ako sa kaniya at agad na tumaas ang gilid ng labi ko nang hindi niya tapusin ang gusto sana niyang sabihin. "Anong exciting part? May revelation ba? Your daughter is sleeping with my husband? Ganern?"

His forehead creased, "What? What I mean is that, hindi lang ito ang magandang tanawin sa resort. Nasa labas palang tayo. Let's go inside para malaman mo kung gaano nga kaganda ang lugar na ito."

I pursed my lips, "talaga lang ha? Mas maganda pa ba sa akin?"

"You're incomparable, bitchy-baby..." He sweetly said and that made me melt.

I am too soft for him. Parang lahat ng bumabagabag sa akin ay nawawala na kaagad kapag kaharap ko na siya. His smiles is just so- ah, I don't know what to call it. Pero iba talaga ang dating ng mga ngiti niya sa akin.

Lumabas kaming pareho sa sasakyan. Marami pa siyang binati habang papunta kami sa kung saan man niya ako dadalhin. Marami na palang nakakakilala sa lalaking 'to rito. Famous! Obvious masyado na laging nagpupunta rito.

"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad-lakad dito eh hindi pa tayo nakaabot."

"We'll just look around, bitchy-baby. Gusto kong ikaw ang unang makakita ng La Tenta. But don't worry, ilang minuto lang ay babalik din tayo sa parking lot. Kasabwat ko ang driver ng bus na sinasakyan ng mga kaibigan mo kaya alam ko kung nasaan na sila sa mga oras na ito. Ayoko namang malaman nila sa hindi inaasahang pagkakataon na may relasyon na tayong dalawa."

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Napangiti akong muli.

"Keifer?"

Matapos kong sabihin ang pangalan niya ay naramdaman ko ang paghampas ng malamig na hangin sa aming dalawa. We were in the seaside, facing each other.

"Hmm?" He answered.

Montairre Series 1: That Bitch Is Mine [COMPLETED]Where stories live. Discover now