Sad Reality

1.7K 141 48
                                    

Celestial cannot help but to cry with what she suddenly saw. The child was supposed to lay in the glass coffin his father has been working on, but Celestial healed him extending a bit of his almost over life. However, she cannot stop his death, because tomorrow at sunrise, the child will finally rest in peace in the very glass coffin his family made for him. Hindi order ang kabaong na iyon, para sa batang lalaki talaga iyon. At iyon and dumurog sa puso ni Celestial Beryl, iyon ang unang beses niyang pagkakita sa bata at nakakalungkot na iyon na rin ang huli.

This is so painful, she just witnessed the death of the child who asked her hands in the future. Nakakadurog nga lamang sa pusong hindi na mangyayari iyon, hindi niya na nga mahihintay ang bata dahil mauuna na itong aalis. Bukas, pagsikat ng umaga ay payapa na itong lilisan.

Celestial slowly withdraw her hands and stared at the child in sympathy. "Hush," she whispered.

Nagsimula na ring umiyak ang bata. "Ethereal goddess,"

Marahang kumilos si Celestial at niyakap ang bata. "Hush, don't worry. Hindi kita pababayaan, ihahatid kita pauwi sainyo. Hindi kita pababayaan...huwag ka nang umiyak..."

Durog na durog ang kaniyang puso, ni minsan ay hindi niya inisip na darating ang araw na hindi lamang nakaraan ang kaniyang makikita kundi pati narin ang hinaharap. What is the meaning of this? Kasama pa ba ito sa panggagamot?

The boy cried in her arms. "Ethereal goddess, am I going to die? I've eavesdropped and heard my family talking about my illness. Sakit daw iyon sa puso at malapit na akong mamatay. Mamamatay na po ba ako?"

Mas lalo naawa si Celestial, "Hush, you don't need to speak. I am here, I won't let you go alone in the dark wilds. I'm taking you home."

Hinayaan niya na munang manatili ang bata sa kaniyang mga yakap, pagkatapos ay ngumiti siya sa kabila ng lungkot na kumukunsumo sa kaniya, "Shall we go home now?"

Walang nagawa si Almira, naroon siya at pinapanuod ang pag-iyak ni Celestial. Kaya naman nang hilingin nitong ihatid ang batang lalaki ay hindi siya nagreklamo, sinamahan niya sina Celestial at ang batang lalaki pauwi. May kalayuan ang bahay ng bata, bumaba pa sila ng bahagya sa bundok. Pagdating nila sa tahanan nito'y nabagabag ang kaniyang puso, maraming ilaw at maraming naroroon, nagsisiiyakan at problemado. May kabaong sa labas, at halos maglupasay na ang pamilya sa kakaiyak.

Binitawan ni Celestial ang bata, ngunit bago niya ito pinakawalan ay mayroon siyang mga sinabi rito. Malugod naman iyong tinanggap ng batang lalaki at nangakong gagawin iyon.

"Hanggang dito nalang kami, Aizer. Huwag mong kakalimutang sabihin sa kanila ang mga dapat mong sabihin ah," may bahid ng lungkot sa tinig ni Celestial.

Magiliw na tumango ang bata at nagsimula nang humakbang patungo sa tahanan nito. Ganoon na lamang nagpakita ng gulat ang lahat, ngunit ang pamilya nito'y halos magkadapa-dapa na sa kakatakbo upang salubungin ang batang lalaki.

"Anak ko! Ang anak ko!" Sigaw ng Ina at kinarga ang bata.

"Mahal ko kayo," agad na saad ni Aizer na ikinatahimik ng lahat, nahinto sa pag-iyakan ang mga naroroon at takang tinitigan ang bata, "Ang sabi po ng dyosa ko, sabihin ko na raw po sainyong lahat kung gaano ko kayo kamahal. 'Ma, mahal na mahal po kita."

"Anak!" Muling iyak ng Ina nito, "Ang anak ko..."

"Ang sabi ng aking diyosa, sabihin ko na raw sa inyo kung gaano ko kayo kamahal." Pag-uulit pa ni Aizer.

Ganoon na lamang natunaw ang puso ni Celestial, hindi narin napigilan ni Almira ang mapaiyak. Masyadong mabigat at nakakalungkot ang kanilang nakikita, hindi nila inakalang makakasaksi sila ng ganitong pangyayari.

"Anak ko..." Iyak ng Ina at iniharap ang bata sa Ama nitong hindi na rin mahinto sa kakaiyak, "Mahal na mahal ka rin namin ni Dada, mahal na mahal."

"Mahal na mahal ko rin po kayo," malumanay na ani Aizer, at ganoon na lamang natigalgal ang lahat nang sundan ito ng nakakalungkot na mga salita, "Pero inaantok na po ako. Gusto ko na pong matulog."

Umiling-iling ang Ina at mahigpit na niyakap si Aizer, "Anak, gusto mo na ba talagang matulog?"

"Opo," sagot ng bata, dumiretso ang paningin nito sa pinagtataguan nila Celestial at Almira, "sabi ng diyosa ko, ulit-ulitin ko raw na sabihin sa inyong mahal ko kayo. Mama, Dada, mahal na mahal ko po kayo. Sobrang mahal, higit pa sa mahal."

Hindi na napigilan ni Celestial ang maiyak, tumalikod na rin si Almira at nag-amba ng pag-alis dahil hindi na kinakaya ang lungkot.

"Anak..." tawag ng Ama.

Humikab si Aizer, "Inaantok na po ako,"

"My baby boy, my one and only boy. Mommy still doesn't want you to sleep, but if that's what you want, if you're tired already, then sleep now, my child. Mommy loves you so much, very very much." Saad ng Ina at paulit-ulit na hinalikan ang bata, pagkatapos ay niyakap ng mahigpit, "Tell your goddess about our extended and heartfelt gratitude, she made us talk to you before you fall asleep. Tell your goddess a lot of thanks from us."

"Yes mommy, I'll tell my goddess tomorrow. She'll be very happy hearing those..." Aizer yawned for the last time, "Goodnight, Mommy."

Everyone mourned. The child did follow what Celestial told him, Aizer spoke his love to his family before he fell asleep. The child was so innocent about his coming death.

Under the starry night sky, Celestial witnessed a sorrowful death of someone she unconsciously treasured as a friend. Aizer did not had the chance to meet tomorrow tho, because when tomorrow came, he was already lying inside the glass coffin with bunch of flowers. That moment, after saying goodnight, the child died. And it was before when the night was filled with exploding stars in the night sky.

She can heal, but she can never stop death.

LEGENDS: Celestial Beryl (Season, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon