I groaned in anger. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa lalaking humawak hawak kay Zafira. Parang gusto kong gulpihin ang pag mumukha niya. Pero nanatili akong kalmado gaya ng gusto niyang gawin ko palagi kapag malapit na’ko sumabog sa galit.
Hindi ko pa matagpuan ang ama niya, pero alam ko na nandito lang sa bundok iyon, nakatago. Nakakainis at hindi ko pa siya ma-link. Naka block ata ako sa kanyang isip.
Agad kong inismiran ang lalaking bampira sa harap ko. Masang sang na amoy agad ang lumukob sa ilong ko. Amoy palang kaaway na.
Napatingin ako sa ina ni Zafira. Umungol ito saka nag mulat. Hindi ko alam ang gagawin. Paano ko ipapaliwanag na kung saan kami. At nasaan ang kanyang anak. Nang nagkatitigan kami ay ngumiti siya sa akin. I’m a ‘lil bit hesitant at first, ngunit ang mga mata niya ay naniniguradong magiging Mabuti ang lahat. Ang kaninang pangamba ko ay biglang nawala.
Ganito pala ang kapangyarihan ng isang mandirigma.
Binaba ko siya galing sa pagka karga, hinawakan niya ang balikat ko. Walang ni isang salita siyang nag lakad patungo sa kaaway.
Ang kaninang bampira na mayabang ay tila hindi makapaniwalang kaharap niya ang mandirigma.
I then smirked. Wala pala kayo e. Pag mamayabang ko sa sarili.
Dahan dahan ang kanyang pag abante sa kalaban na ganon din ang pag atras nito. Nanlaki ang mga mata.
“Nasaan ang anak at asawa ko” malambot ang kanyang boses na animo’y isang Diwata sa gubat. Wala akong mahhimigan nag alit o pagkamuhi. Parang nkikipag usap lamang siya sa isang matalik kaibigan na.
“Magkamatayan muna tayo bago mo malaman kung nasaan ang pamilya mo!”
Magkaharap na ngayon ang dalawa. Ningitian niya ito saka hinawakan sa balikat. At sa isang segundo, tumalsik ang lalaking bampira.
Mismong ako ay napa nga nga sa nangyari. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa lalaking iyon. Basta ang alam ko ay tumilapon ang kaaway. Napalunok ako. Ganito kalakas ang isang Commander.
“Pagod na ako makipag sanduguan sa inyo. Ayokong makasakit ng isang kalahi, kahit pa sabihing mga rebelde kayo. Kaya tinanong ng maayos dahil pagod ngayon ang katawan ko. Inaasahan kong maging maayos ang iyong pakikitungo, ngunit hindi.” Naupo siya sa harap ng lalaking hindi na maka tayo.
“Sasabihin mo o hindi?” muling pagsasalita niya.
Ngayon nakita nahimigan ko na ang boses ni Zafira kapag galit. Nanindig ang balahibo ko sa batok. Kalmado niyang hinawakan ang lalaki sa baba ngunit ayon sa nakita ko na reaksyon sa lalaki ay mahigpit ito. Nanginginig ang lalaki sa sakit nga kanyang pag kakahawak.
“Nasa tuktok ang iyong asawa, bihag ng hari ang anak mo!”
Parang instinct ko na lang ang nagsabi sa akin na puntahan si Zafira. Nag iinit ang buo kong katawan. Parang ngayon ngayon lang gusto ko maging lobo at thr same time ay maging bampira.
Gamit ang lakas ko bilang bampira ay agad kong natunton si Zafira nakagapos. Maraming nakabantay sa kanya. Hindi basta bastang mga banpira lang kundi iyong mga highly trained na bampira sa mundo nila. Dapat lang. matapos kong masaksihan ang kakayahan nga kanyang ina kanina ay hindi ko na itatanong kung bakit ganito ka higpit ang seguridad nila para kay Zafi.
Nakitang kung kalmado lamang siya habang pinapalinutan ng kanyang prisuhan ng iba’t ibang opisyales na bampira.
Hey, are you there?
Narinig ko ang kanyang ungol. Napangiti ako. Inaasahan niya talaga ang pagdating ko. Ang makita siya sa kanyang posisyon ay parang gusto kung lusubin ang kinaroroonan niya at nang mailigtas ko na siya. Nakakainis at pinagbantaan niya ako. Ngumuso ako sa isipan ko. Saka ko narinig ang malambot niyang halak halak. Napakagat labia ko sa tunog niyang iyon. Parang gusto ko tuloy kunin agad siya do’n at iuuwi na nang sa ganon ay makagawa na agad kami ng anak.
Seriously, Levi?
Napangiti ako sa pag angal niya. Aasarin ko na sana siya ng biglang may sumabog sa bandang uluhan niya. Isang malaking gusali ang sumabog. Hindi lang gusali kundi ang kanilang palasyo.
Dahil sap ag kabigla ng mga nakabantay sa kanya ay hindi nila namalayan ang pagkalag ni Zafira sa mismong tali. Napngiti ako. Pasikat, huh?
“How was that?” taas kilay niyng tanong sa akin tungkol sa kanyang pagtakas. Pero imbis na purihin siya ay siniil ko ang kanyang labi ng halik. No’ng una ay nagulat siya ngunit ng tumagal ay natuto niya ring suklian ang aking halik. Hinihinhal niya akong tiningnan. Nanlalaki ang mga mata na tila hindi makapaniwala.
Kumunot ang knyang noo saka ako inirapan. Napakagat ako sa aking labi, arte!
“Nasaan si Ina”
Sasagutin ko na sana ng biglang may nagsalita sa likuran ko. “Nandito ako anak”
Sa akin napako ang kanyang tingin saka ito lumipat sa kanyang anak. “Kailangan nating magmadali, papasarado na ang malaking bakod tungo sa ating mundo. Kapag hindi natin magawang makalabas dito ay habangbuhay tayo dito.” Seryoso niyang saad ngunit gaya kanina’ nandon patrin ang kompyansa sa kanyang boses. Na kung wala lang kayo sa ibang mundo ay maiisip mong maayos lang lahat.
“Nasaan si ama”
Agad natahimik ang Commander. Nagkakatitgan silang dalawa, tila sa mata lamang nag uusap.
“Ina, ililgtas natin si Ama. Wala akong paki alam kung hindi ako makakalabas dito. Masigurado klong ang kaligtasan ng ama”
Hindi nagsalita ang Commander, pinakatitgan niya lamang ang anak na tila ba isa itong uzzle na mahirap resolbahin.
Dahan dahan kong hinawakan ang kamay ni Zafira. “Sasamahan ko si Zafira, mahal na Commander”
Dahan dahan siyang napatingin sa magkahawak naming kamay saka bumuntong hininga.
“Sasamahan ko na kayo, alam ko namang kaya ng iyong ama na lumabas dito kahit walang tulong. Pero sige, kung iyon ang gusto mo.”
YOU ARE READING
A White Warrior
Hombres LoboSi Zafira Gabriella Brooks. Isang babaeng namuhay ng masaya at natural sa mundo ng mga tao. Isang kolehiyo na masaya sa kanyang buhay-kolehiyo. Ang kanyang inidolong mga bagay noong kabataan ay hindi niya inasahang isa siya doon. Sa kanyang paglakba...