Zed's POV
"ANO na naman ba ang gulong kinasangkutan mo!" ang malakas na batok ni Shaina ang nagpabangon sa aking pagkakahiga.
"A-aray naman!" nakangiwing napahawak pa ako sa aking ulo. "Ito pa ba ang isasalubong mo? Ilang araw tayong hindi nagkita tapos babatukan mo lang ako?"
Humalukipkip lang naman sya sa harapan ko. Aish, hindi na sya nahiya! Sya lang yata ang gumagawa nito. Saan ka nakakita na sinisigawan ang pasyente sa loob ng infirmary?
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtawa ng doktor at ni Skyler.
"Mauna na ako," ani Skyler. "Baka maka-istorbo ako sa moment nyo."
Humarap naman si Shaina kay Skyler. Mas lalo akong napasimangot. Nabibwisit talaga ako sa tingin nyang iyon kay senior!
"S-salamat senior," she even bowed. "Ilang araw lang akong nalingat, narito na naman sa infirmary ang kaibigan ko."
"Wala iyon," nakangiti namang wika ni Skyler. "Bantayan mo na lang sya mula ngayon."
Muli ay nagpaalam sya sa akin saka tuluyang lumabas ng infirmary. Naiwan naman kami ni Shaina.
"Magpaliwanag ka," aniya saka hinila ang kurtina na harang ng bed ko. "Sino na naman ang nakabangga mo?"
"Wala."
"Wala?!" binatukan na naman nya ako.
"T-teka nga!" pinilit kong hulihin ang kamay nya. "Nakakarami ka na ha!"
Bigla namang lumungkot ang mukha nya. "N-nag-aalala lang naman ako sa'yo Zed!"
I unconciously stared at her eyes. There's a tear that's starting to form in there. Bumigat naman ang dibdib ko sa tagpong iyon.
"I'm fine," hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay. "Normal na naman ito 'di ba?"
"Hindi!" umiling pa sya.
Napangiti naman ako nang makita na suot nya ang singsing na binigay ko. Hinaplos ko iyon saka muli syang sinulyapan.
"S-shaina..."
"Bakit?" sagot nya sa pagitan ng paghikbi.
"This weekend, do you want to go out with me?"
Tila naman natigilan sya. Aish, ano ba iyong sinabi ko?
"Ah," naiiwas ko naman ang mata ko. "K-kung gusto mo lang naman mag-mall. Ililibre sana kita. S-saka may bibilhin ako, wala lang akong-"
"Yes."
Agad akong napatingin sa kanya. She's looking down habang nilalaro ang mga daliri.
"Yes, I'll go out with you." mahina nyang saad.
Napangiti naman ako. "Wag ka na magalit okay? Mamaya lang ay tuluyan nang maghihilom ang sugat ko. Kaya okay na ako."
"P-pero... bakit okay lang sa'yo ang lahat? Kasama mo ako mula noon pa. At kailanman ay hindi ko nakitang nagalit ka sa mga ginagawa nila sa'yo."
Napakamot naman ako sa batok ko. Bakit nga ba? "Siguro dahil mahaba ang pasensya ko? Saka ano naman ang laban ko sa kanila? Isa lang akong mortale," nagpakawala pa ako ng pekeng tawa. "Kahit naman magalit ako, wala din iyong magagawa."
She then show her palms. "Nakikita mo ito?"
Kumunot ang noo ko. May ilang bandages doon!
Agad kumulo ang dugo ko. Mabilis sa alas kwatro na bumangon ako at hinagip ang magkabila nyang kamay. Mas lalo akong nakaramdam ng galit dahil may mga patches din pala sya sa ibang parte ng katawan nya.
"Sino ang may gawa nito sa'yo?" malamig kong tanong.
"Nagsasanay ako Zed. Madalas akong nasa combat field. Kaya madami akong pasa at sugat. Gusto kong ako naman ang magtanggol sa'yo-"
Mabilis na niyakap ko na lang sya. I even felt her body stiffened.
"Nagpapatawa ka ba?" bulong ko. I also buried my face in her shoulder. "Ako ang poprotekta sa'yo Shaina."
"Z-zed..."
Naramdaman ko naman na nabasa ang balikat ko ng kung anong likido. Wait, is she crying?!
"S-sorry Zed. Sorry!"
Naguguluhan na inilayo ko sya. "Bakit ka ba nagso-sorry?!"
Para naman ako ang nasasaktan dahil sa sunod sunod na pagtulo ng luha nya.
She shook her head. "Nakokonsensya ako-"
"Sshhh," putol ko. "Ako ang may kagustuhan na protektahan ka."
"P-pero-"
"Shaina!" I said in a louder voice. "Kahit mortale ako, hindi iyon dahilan para hindi kita protektahan. Ikaw ang una kong kaibigan dito. Ikaw ang nariyan palagi sa tuwing nasasaktan ako. At hindi ako nagsisisi na masaktan. I just want to be there for you."
Nagtaka naman ako nang humakbang sya paurong.
"D-do you like me?"
Her question caught me off guard.
"S-sagutin mo ang tanong ko Zed! Do you like me?!"
"Yes."
Narinig ko ang malakas nyang pagsinghap.
"Bullshit Zed!"
Bago pa man ako makahuma ay bigla na lang syang tumakbo palayo. Natulos lang ako sa aking kinatatayuan.
Wait, did she just reject me?!
***
Skyler's POV
NAPAUNAT ako mula sa pagkakasandal nang matanaw ko si Shaina na tumatakbo palayo. Mula sa dilim na kinatatayuan ko ay humakbang ako palapit sa pintuan ng infirmary.
Just like what I'm expecting.
Hindi ko mapigilang matawa ng mahina. "Oh my, Zed. Who would have thought that you'll fall for that girl?"
How ironic. I'll bet my life just to see him being crushed with the fact that Shaina is also part of this plan. Wala nang mas sasakit pa sa katotohanang ang taong mahal mo ay may masama palang balak sa'yo.
I just watch Shaina disappeard from my sight. Poor girl.
Hindi naman ako tanga para hindi mahulaan ang dahilan ng mga kilos nya.
Nagkibit balikat na lang ako saka muling sumulyap sa pintuan ng infirmary.
"You just gave me an idea Shaina," nakangisi kong bulong.
Tatawa-tawa pa din na nilisan ko ang lugar na iyon. Sa parking lot ako dumiretso. I need to report this incident. I have this feeling that sooner or later, Shaina will betray the council.
"Kawawa," I started the car's engine and drove out the campus. "Nakalimutan na yata nya ang tunay na dahilan kung bakit sya sumali sa samahang ito?"
Shaina's pathetic. Nanghihinayang tuloy ako sa kanya. She's really good when it comes to planning our next move.
"Should I feel bad?" bulong ko. "Hindi nya siguro inaasahan ito."
Doon ko lang pinakawalan ang malakas na halakhak na kanina ko pa pinipigilan.
Ipagpapatuloy...
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasiaSuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022