Kio POV
Nagmamadali akong tumatakbo papunta sa terminal ng bus na papuntang manila. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa pagiimpake ko ng mga gamit, hindi ko alam na late na pala ako. Sakto pagdating ko hindi pa umaalis yung bus kaya dali dali akong sumakay at pagod na umupo sa may tabi ng bintana. Hinihingal at ilang beses napalunok dahil sa pagod.
Pupunta ako ngayon sa manila para doon na magaral. May isang tao kasi ang may mabuting loob at inalok saakin na paaralin ako sa manila at doon ang punta ko ngayon. Simula nung namatay ang mga magulang ko siya na yung tumulong saakin makahaon sa kalungkutan. Dahil sa politika kaya nawala ang mga magulang ko at doon nagsimula ang kahirapan ko. Wala akong ibang mapuntahan dahil kinalimutan na ako ng mga kamag-anak ko at sinisi saakin ang pagkawala ng magulang ko. Hindi ko din alam kung bakit ganon ang tingin nila.
Si Ninong Haime yung taong tumulong saakin, kaibigan siya ng magulang ko simula nung kabataan nila. Nung nalaman niya na wala na sila, hinanap niya ako. Tinulungan niya ako at dahil do'n malaki ang utang na loob ko sakanya kaya bilang kapalit pumayag ako sa gusto niya na magaral ako sa manila at titira sa bahay niya pero bilang katulong. Kapalit sa lahat ng tulong na binigay niya saakin, kailangan ko ring suklian yon ng serbisyo.
Limang oras ang biyahe, hapon narin nung makarating ako sa terminal sa manila. Naninibago ako pagkababa ko palang ng bus. Maingay yung lungsod, maraming tao, maraming nagtitinda sa tabi tabi at marami ring mga taong nasa lansangan. Sobrang nakakapanibago para saakin na galing sa probinsya dahil hindi naman ganito sa lugar namin, tahimik at mapayapa kasi ang mga tao doon.
Dahil hindi ko nga kabisado ang manila tinawagan ko si ninong Haime para ipaalam na nandito na ako.
"Good afternoon po ninong, nandito na po ako sa terminal," saad ko pagkasagot niya sa tawag.
"Mabuti, hintayin mo nalang yung sundo mo. Ihahatid ka niyan sa bahay. Pasensya na hindi kita masundo, busy kasi sa munisipyo ngayon may mga inaasikaso lang akong importanteng bagay." Aniya.
"Okay lang po. Sige po ninong, maraming salamat po. Bye." Paalam ko bago pinatay ang tawag.
"Excuse me, sir? Ikaw po ba si Kianno Amayo Marquez?" Isang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo ang lumapit saakin. Formal ang suot nito at sobrang linis kung titignan mo.
Tumango ako, "Ako nga po" sagot ko.
"Ako po si Samuel driver po ni Mr. Haime, pinapasundo po kasi niya kayo saakin. Tara na po?" Aniya.
Tumango ulit ako. Kusa niyang kinuha ang bagahe ko at nilagay sa likod ng sasakyan. Pinagbukas pa niya ako ng pinto sa likuran. Sanay na ako sa ganito dahil ganito din ang ginagawa saakin nung namumuhay pa ako sa karangyaan. Pero ngayon para akong naninibago.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana buong biyahe. May mga katanungan si Samuel tungkol saakin at sinagot ko naman yon pero pagtapos non hindi na ako nakipagdaldalan pa dahil ewan ko, ayaw ko lang talaga magsalita ngayon. Wala lang siguro ako sa mood makipagdaldalan sa hindi ko pa kilala tsaka nakakailang din naman.
"Nandito na po tayo Sir Kianno." Aniya at pinagbuksan ako ng pinto.
Hindi na ako nanibago sa laki ng bahay nila, normal lang yon dahil mayor siya ng lungsod. Bitbit ko yung bagpack ko at napahinga ng malalim dahil may kaba parin sa dibdib. Dito na ako titira, kailangan ko ng masanay.
Pumasok na kami sa loob at sinulabong kami ng limang katulong, nakahilira sila at nangunguna ang mayordoma iba kasi yung uniform kumpara sa mga taong nasa likod niya.
"Magandang hapon, Manang Luz, ito pala si Kianno siya yung inaanak ni Sir Haime," Pakilala saakin ni Samuel.
"Magandang hapon, hijo. Ako nga pala si Luz, ang mayordoma dito.Tara ihahatid na kita sa kwarto mo" Saad ni Manang Luz at ginabayan ako papunta sa magiging kwarto ko. Nasa likod si Samuel dala ang mga bagahe ko habang si Manang Luz naman nakahawak sa aking kamay at may ilan din siyang katanungan tungkol saakin.
"Natutuwa akong nakita kita ulit, hijo." Biglang saad ni Manang na pinagtaka ko. Anong ibig sabihin ni Manang?
"Nakita niyo na po ako noon?" Tanong ko.
Tumango ito. "Hmm... Ako ang nagalaga sayo noong limang taong gulang ka pa lamang. Palagi kang iniiwan saakin ni Kendra dahil sobrang busy ang mama mo sa trabaho, eh wala namang magaalaga sayo kaya ako ang inatasan nila." Paliwanag nito.
Hindi ko inaasahan ang paliwanag ni Manang. Kaya pala magaan ang loob ko sakanya pagkakita ko palang dahil nakasama ko na pala ito. Tanging ngiti lang ang sukli ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
"Sobrang bilis ng panahon, parang dati lang naglalaro pa kayo sa putik ni Ede," saad nito at natawa. Ede? Parang nakita naman ni Manang yung reaskyon ko nung bangitin niya yung Ede. "Siya ang kababata mo noon sa probinsya niyo, matanda siya sayo ng isang taon." Pahabol ni Manang.
Kababata? Ede? Wala akong kababata na nangangalang Ede tsaka wala naman akong kaibigan sa probinsya namin dahil hindi naman ako pinapalabas nila Mama at Papa. Hindi siya pamilyar at ngayon ko lang talaga narinig ang pangalan niya sa buong buhay ko.
Grabe wala pang isang araw na nandito ako sa bahay ng Ninong ko may nalaman na agad ako pero ang masaklap nga lang hindi ko matandaan kung sino yung Ede. Ang bantot ng pangalan.
Bakit hindi ko matandaan si Manang? Siguro dahil sobrang bata pa ako no'n. Tsaka kung sino man 'yan si Ede sana mabait siya, parang gusto ko na siyang makilala.
YOU ARE READING
READY TO LOVE | Alternate Universe Series 1
FanfictionSEVENTEEN SERIES Seungcheol x Jeonghan Making possible things happen in just a snap of his finger, everyone will bow at him as if he is the god, that's Haides Trivas Alarcon, an alpha of campus because of his unreachable looks, his handsomeness tha...