"Misti, Gising!"
Carol's voice woke me up. Matinis iyon at medyo masakit sa tenga. Ipinagpatuloy niya ang pagyugyog sa balikat ko. She even lightly slapped my face just to wake me up. "Hoy, bumangon ka na diyan!Binabangungot ka na yata. Kanina ka pa umuungol," dinig kong sabi niya habang nakapikit pa din ako.
Malumanay kong inalis ang kumot ko. Kahit nayayamot ay nagawa ko pa ding batiin siya ng, "Good morning."
"Anong good morning? Tanghali na kaya! Kanina pa kita hinihintay sa labas. Naka-off din yata ang phone mo dahil out-of-coverage. Mabuti na lang at dumating yung ate mo. May kinuha lang siya at umalis ulit."
"Nalowbat yung phone ko, what time is it?"
"Quarter to one."
Mabilis akong tumakbo papasok ng banyo para maligo at mag-ayos. Ilang minuto lang ang itinagal ko mula roon.
"Kung kailan pasahan ng pracfolio tsaka ka lutang." Sermon ni Carol sa akin habang kinukuha ko ang backpack ko. Tsinek ko muna kung nandoon nga ang portfolio ko bago kami lumabas.
Sampung minutong lakad lang ang layo ng unit ko hanggang dito sa UST. May mga nakakasalubong kaming kakilala pero hindi ko na nababati pabalik dahil nagmamadali kaming maglakad papuntang Peñafort Building.
Luckily nakaabot naman kami. I wanted to thank Carol pero seryoso na niyang tsinetsek ang portfolio bago ipasa iyon sa professor namin.
"What a hell week!" reklamo ng isa kong ka-block mate na naging kaibigan na rin, si Reese. Balita namin ay muntikan na niyang hindi matapos ang sa kanya dahil nakaalitan niya ang HR ng pinag-OJT-han niya. Mabuti na lang at nadaan sa usapan.
"May research paper pang ipapasa," bulong sa akin ni Carol.
Yung sa akin ay tapos ko na. Naipresent ko na din kahapon kaya wala na akong problema.
"Hindi ka ba pa nakapagpresent?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Hindi ko pa nga natatype. Kulang pa yung analysis ko." Ngumuso siya.
Napagkasunduan naming tutulungan ko siya pag-uwi.
Madaling-araw na ng matapos kami sa research paper niya.
"Hoy! Tulala ka na naman. Anong iniisip mo?" Ibinato niya sa akin ang San mig light in can. Muntikan pang tumama iyon sa mukha ko, mabuti na lang at nasalo ko agad.
"Yung panaginip ko kaninang ginising mo ako. Nalulunod ako sa panaginip ko pero hindi ko na maalala kung ano pa ang sumunod na nangyari."
"Kabaliktaran yun sa totoong buhay. Nalulunod ka sa pagmamahal nung jowa mong nasa kabilang Tower lang. Bakit hindi mo puntahan?" Tudyo niya.
Inirapan ko siya. "Busy sa trabaho yung tao. At hello?" Ipinakita ko sa kanya kung anong oras na. Alas dos na ng madaling-araw.
Nang tumayo ako para magligpit ng gamit ko ay pinigilan niya ako. Doon na daw ako matulog. Hindi ako pumayag kaya inasar-asar na naman niya ako.
"Alam mo? Tatlong buwan na kayo nung jowa mong yummy pero wala pa din kiss? Ano yan? Nagtititigan na lang kayo tuwing magdidate kayo?"
"Bihira na nga kaming magkita, di ba?" Inikutan ko siya ng mata. Liam is handling their family business. Minsan ay umuuwi siya ng Isabela at minsan naman ay bumabalik dito sa Manila. Hindi ko na din namomonitor dahil naging abala din ako sa practicum at sa research paper ko.
"Hay nako! Sinagot mo lang talaga siya para masabing may jowa ka."
"Ok na yung meron kesa naman yung sayo, ghi-nost ka na penerahan ka pa."

BINABASA MO ANG
Racing Back To You (Montecillo Sisters Series 3)
RomanceSPG| R-18 | MATURE CONTENT A not-so-fairytale-like love story of Amethyst Montecillo. Amethyst is the Montecillo family's youngest and most cherished member. She is a naive and shy girl, unlike her sisters. She is beautiful but not as daring as her...