CHAPTER 1

149 7 1
                                    

Chapter 1

Naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko.

Vanny, vanny? Yes papa? *chuckles* Haha good morning Vanny! gising na. Time to school, bangon na Vanny ko!”

He recorded that when we were on highschool. Madalas kasi akong malate noon kaya naisipan nyang magset ng alarm sa cellphone ko. I've changed phone already but I saved his record. Ang sabi niya ay mas mabuting boses niya raw gigising sakin para mabadtrip ako. Ang hindi niya alam ay ito ang nagpapasigla sa akin.

I smiled and woke up from bed. I stretched for a while before deciding to prepare myself to school. I took a bath and changed clothes.

At nang makalabas ako ng kuwarto ay naroon na si Mama at Papa na aligaga na rin sa paghahanda para sa mga trabaho nila. I secretly laughed when Papa pinches Mama's cheeks for no reason. Natigil si Mama sa pag-aayos ng bag niya at pinandilatan si Papa. Ang pilyo namang si Papa ay yinakap si Mama sa likuran at hinalikan ang pisngi nito.

My heart flushed at that scenario. They're a busy persons. My mother Clara is a grade 6 teacher and my father Harvey is a fireman. But they love and value each other so much. They always make time for us and for them both. Tumuntong na lang ako ng kolehiyo ngunit di ko nakitaan na nawalan sila ng pagmamahal sa isa't isa. Nag-aaway nga pero lagi namang naaayos.

So why would I settle for less when my parents proves that real love does exist? Echos! Eh nagmamahal nga ako sa taong hindi ako ang gusto.

“Oh, Van, andiyan ka na pala.” Banggit ni Mama nang mapansin ang presensiya ko.

I smiled, “good morning Ma, good morning Pa.”

“Good morning anak, oh sya tawagin mo na si Hannah at kakain na tayo.” utos naman ni Papa na kaagad kong sinunod.

Tatlo kaming magkapatid. My kuya Harvey Jr., which is the oldest is working as nurse abroad. And our youngest is Hannah Blythe, she's already on her eighth grade and she's at the age of 13.

Naabutan ko si Hannah na nahihirapan sa pagsusuklay sa buhok niyang hanggang beywang ang haba. Ngumiti ako at linapitan siya.

“Akin na nga yan,” saad ko at inagaw sa kaniya ang suklay para matulungan siya.

“Thanks ate!” she smiled.

“Eh kung ginaya mo pa ako na hanggang balikat lang ang buhok edi sana di ka nahihirapan sa pagsusuklay.”

She shook her head, “mas gusto ko mahaba ate, para hindi naman tayo parehas. Syaka mas cute parin ako sayo ate noh!”

Tumawa ako sa sagot niya, “paano ba yan eh sabi nila nasa short hair daw ang tunay na ganda.”

“Ate!” pikon na tawag niya.

“Hali na kayo mga anak, malilate na kayo niyan! Magbabangayan pa talaga eh no!” rinig naming sigaw ni Mama.

“Opo, Mama!” sigaw ni Hannah.

“Ikaw kasi,” 

Hannah glared at me that made me more laughed. Bago pa man siya makaganti ay hinila ko na siya palabas ng kuwarto niya.

We started our breakfast together. Sinanay kami nila sa ganito. Gayumpaman, may mga gabing nag oovertime si Papa kaya hindi siya nakakasabay sa amin. But one thing I could be proud of, is that I have a wonderful and happy family.

Hindi man kami ganoon kayaman ngunit sapat na para matugunan lahat ng aming pangangailangan.

“Syanga pala, Van. Dadaanan mo si Lance ngayon diba?” Mama asked in between our breakfast.

“Hindi ako sure, Ma.”

“Asus, sinungaling ka ate. Eh alam naman nating lahat na gusto mo na lagi kayong magkasabay,” Hannah murmured.

I stared at her darkly and rolled my eyes. “Di ah,”

“Dumaan ka na, ipapadala ko yong payong ni Luissa. Naiwan niya nung isang araw.” My mother stated.

“Hayaan mo nalang Ma, pumupunta naman lagi yon dito,”

Tumawa si Mama. “Isauli mo yan sa tita Luissa mo ngayon. Huwag kang Oa Van.”

“Sabi ko nga po,”

Pinagtawan pa nila akong tatlo. Hindi ko nalang pinansin iyon at ibinaling sa pagkain ang buong atensiyon ko. Kung gaano kami kaclose ni Lance ay ganoon na rin ang mga magulang namin. Kaya hindi na talaga kami mawala-wala sa buhay ng isat isa.

Katulad ng bilin ni Mama ay dumaan nga ako sa bahay nila. Though, that's what we used to. Kung sino ang mauna, siya ang dadaan sa isa and vice versa. Kaya lang, tuwing nagkakajowa siya ay nililimitahan ko ang sarili kong maging malapit sa kaniya.

“Oh Van! You're here! Good morning!” Tita Luissa, Lance Zandro's mother glady greeted with a smile evident on his lips.

Magiliw na lumapit sa akin si Tita Luissa. Ngumiti ako at nagmano kagaya ng nakasanayan ko.

“Good morning tita, yung payong nyo po pala, naiwan nyo sa bahay.” I said and handed the umbrella to her.

“Ay naku! Pasensya na at nakalimutan ko!” tumatawang aniya.

“My mom is getting old, aww.” Singit ni Lance na ngayon ay handang handa na sa suot niyang polo uniform.

Ang gwapo talaga ng ugok na to.

“Shut up Lance, I'm still young no!” Agarang reklamo ni tita sa anak na ikinatawa ko.

“Bilisan mo diyan Lancelot, malilate na tayo!” I shouted when I saw him turned his back on us and get something.

“Teka lang!”

“Is Lance has a girlfriend by now?” Tanong naman ni Tita dahilan para mabaling sa kaniya ang tingin ko.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. “Uhm, opo tita.”

“I better know that lady, ayokong masaktan na naman ang anak ko.”

I smiled and nodded. “Mabait naman po si Elly, tita.”

“I hope so Van. Nag-aalala lang ako, alam ko kasing bukod sa akin ay ikaw lang ang nakakakilala sa anak ko ng husto.”  She suddenly remarked that made me a bit uncomfortable.

“T-tita,”

“I wonder Van, sa tagal nyo ng magkaibigan, kilalang kilala niyo na ang isat isa. Bakit hindi nalang kayo?”

Natigil ako sa tanong ni Tita. My heart beat so fast after hearing that words from the mother of the person I love.

“I'm here!” Agad na singit ni Lance dahilan para mawala kami sa usapan.

“Oh sya, take care. Lance Zandro, ingatan mo si Havannah.”

Tumawa si Lance at biglaang umakbay sakin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay may nagbabanda sa loob dahil sa lakas ng kabog nito.

“Syempre, si Vanny pa eh malakas yan sakin!”

Entangled HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon