Chapter 33: The Reason Why

19 1 0
                                    

Chapter 33

Thid Person POV

Nagising si Erika sa loob ng madilim na gusali Pilit inaalala ang mga nangyari matapos siyang malipasan. Bakas sa mukha nito ang pagkalito sa sinabi ng kanyang guro . Anong kinuha sa kanya ? Ang tanong na bumabagabag sa kanyang isip . "We all know that his wife died together with his daughter . Why is he saying such thing ? " bulong ni Ericka sa sarili

Pinipilit nitong ibangon ang sarili mula sa pagkakatali habang pilit na inaaninag ang buong gusali na kanyang kinalalagyan

Sa hinuha nito ay isa itong lumang pabrika . At tanging ilaw lang na nakatapat sa kanya ang nagsisilbing ilaw ng buong gusali pero hindi pa din ito sapat upang maaninag ang lahat ng nandito .

Mahigpit na pagkakatali at tabon sa labi ang ginawa sa dalagita . Ayaw pumasok sa isipan na ito na bakit ang babaeng akala nila ay kaibigan nila ay isa sa may kagagawan nito . Si Alexa ang huling babaeng nakita nito bago malipasan

Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata at tanging paghikbi ang nagbigay ng tunog sa buong gusali ang maririnig mula sa dalaga

Sa kabilang banda naman ng pabrika ay mahigpit ding nakatali ang mga magulang nila . Paisa isang nagkakaroon ng malay at dama pa din ang epekto ng gamot na naamoy nito .

Isa isang narinig ang impit na hikbi mula sa iba't ibang magulang ng simulang ipasok sa loob ng pabrika ang mga walang malay nilang anak.

Agad napagtanto ni Ericka na hindi lang siya angnag iisa sa loob ng pabrika . Alam niyang mayroon pa . Sa mga hikbi na narinig niya ay alam niyang hindi lang isa ang umiiyak

Humarap ito saa likod at sa magkabilang gilid upang hanapin kung saan nanggagaling ang tunog . Hindi man naasikaso ng dalawang magulang si Ericka ay tulad ng mga ordinaryong magulang mahal pa din nila ito . At lahat ay gagawin ng mga ito para sa nagiisang unica hija ng pamilya Sebastian

Agad na nahanap ni Ericka ang direksyon ng pinagmumulan ng mga mahihinang ungol at nagsimulang gumapang habang nakagapos ang mga kamay at paa

Wala pa man sa kalahati ay nakarinig na ito ng malalakas na tunog ng paa mula sa dalawang tao . Mula doon ay mas binilisan ni Ericka ang paggapang hanggang sa masigurado niyang nandun na siya sa lokasyon ng ungol na kanina lang ay naririnig niya .

Biglang bumukas ang mga ilaw at agad na napaluha si Ericka ng makita ang mga magulang niya kasama ng mga magulang ng 4 pang pinakamayayaman na tao sa buong Asya

Nandito ang mga magulang ni Ivan,Matt,Monica at Alice . Hindi man laging nakikita ni Ericka ang mga ito ay sigurado siyang ito ang mga magulang nilang lima .Muling nagpumiglas sa pagkakagapos si Ericka hanggang sa lumuwag sa bunganga nito ang panyo . Sabay sabay naman nagdatingan ang 4 na lalaking brusko ang katawan at inilapag ang mga walang malay na sila Ivan,Matt,Monica at Alice

Hindi pa man tapos ay nagulat sila sa taong biglang nagsalita mula sa likuran ng direksyon ni Ericka .

"Oh,What a cute family. Enjoy this day because this is the day...that you will see each other... again. " mapang asar na pambungad ng isang lalaki na nakasuot ng uniporme ng mga guro sa Barcelona .

"S-sir?,Sir A-apollo?" Mautal na pagtawag nito sa pangalan ng kanyang gurong tagapayo . Bakas sa mukha ni Ericka ang takot samantalang bakas naman ang pagkasabik ni Apollo sa mga mangyayari .

"It's been 10 years sinced that day happen , do you all remember ? Mr. And Ms. Montecillo ? The day you helped each other just to kill my daughter Mr and Ms. Scott . The day that my daughter killed and my precious wife,Ms. Santiago didn't save her , oh wait ,Chrissana hindi ka na nga pala Santiago noong nabuntis kita dahil isa ka nang Everdeen . Araw na hinayaan mo ang nag iisa kong anak . At ang araw na nagpadala kayo ng mga armas at baril sa lumang gusali diba ? Mr and Ms Sebastian ? . October 25,20** araw ngayon . Araw na kinitil niyo ang buhay ng anak ko . Naaalala niyo pa ba ang lugar na to ? Kung saan niyo ipinagahasa at walang habas na pinatay ang anak ko  pero dahil sa kayamanan niyo hindi nabigyan ng hustisya ang anak ko ."

Bakas sa mukha ni Fernando asawa ni Elena nang marinig nito ang tungkol sa lihim na relasyon ng dalawa

Mula sa narinig ni Ericka ay mababakas sa mukha nito ang pagkalito . Unti unting nagkamalay ang iba pa at nagpupumiglas sa masikip na pagkakatali

"Hmm. Mukhang walang alam ang mga anak niyo ah . Im just waiting for the others and we will have a reunion . Reunion in hell" sabay halakhak ni Apollo .

"Please Apollo,Huwag mong idadamay ang mga anak namin. Samin ka lang maghiganti!" pagmamakawa ng ni Tita Alyssa nanay ni Ice .

"Pakawalan mo na kami ! Ano bang ginawa ng pamilya namin sayo?" Buong lakas na sigaw ni Erika habang nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata nito dahil sa takot na maaring danasin ng pamilya niya .

"Oh I like the way you are begging Mrs. Scott . Why!? did you  spare my daugther's live? Remember ? Yung araw na pinakidnap niyo para lang pabagsakin ang kompanya ko ? How pathetic . " bakas sa diin ng pagsasalita nito ang galit at hinagpis habang nagsasalita.

"Let me tell you a stor-" hindi na nito natapos ang sasabihin ng biglang sumabat ang kadadating lang na si Alice "Stop this bullshit,Youdickhead . Let us go!" Agad naman na humarap si Apollo sa dalaga at tinginan nito

"Katulad ka lang din ng Nanay mo! Parehong matatas ang dila!" Sigaw nito sa harap ng dalaga at isang malakas na sampal ang natanggap nito

Buong lakas na sumisigaw ang mga magulang ng mga ito na nakatali sa likod pero tulad ng inaasahan wala silang magawang paraan upang pigilan ang paghahamok ni Apollo

"May isang lalaki..." panimula pa lamang ay agad na nakinig ang limang kabataan habang mahigpit na nakagapos samantalang ang mga magulang naman ng mga ito ay natatakot na malaman ang isang napakaduming sikreto na mayroon ang kanilang pamilya .

Lalo na ang pamilyang Everdeen . Natatakot si Elena nanay ni Matt na malaman nito ang totoo tungkol sa kapatid niyang napatay ng sindikato .

Hindi alam ng mga ito kung anong uri ng pamumuhay mayroon sila dati . Bakas sa mga mukha ng limang pares ng magulang ang pagsisi habang nakagapos . Sinukob ito ng kasakiman sa kayamanan sa dahilang ayaw na nitong maranasan muli ang buhay na mayroon sila .

Pero isang pagkakamali ang kinasangkutan nila dahil sa pera . Kumitil sila ng isang buhay para sa pansariling kapakanan . Pilit na pinagtakpan ng pagkakamali ang kayamanan .

Ngunit ngayon, sa tingin nila ay oras na para pagbayaran nila ang kasalanang ginawa nila .

Pilit na nagpupumiglas ng mga ito dahil sa alam nilang sasabihin ni Apollo ang totoo pero matapos noon ay alam niiyang papatayin din ang mga bata kasama nila .

Hindi maitatanggi sa mga mukha ng mga ito ang awa sa dinanas ni Apollo . Kung paano nito dinanas ang lahat . Kung paano sinarili nito ang iba't ibang sakit ng mag isa lang . Kung paano nito tiniis ang pagkamatay ng sariling anak sa loob ng 10 taon

Bakas sa mukha ni Matt ang galit at hinanakit nito sa sariling magulang . Dire diretsong dumadaloy sa pisngi nito ang di mapigilang luha habang madetalyeng ikinukwento ng lalaki sa harap nila ang dinanas ng kapatid nito .

Halo halong emosyon ang lumukob sa kanyang isipan ng mapagtantong ang mga taong pumatay sa kapatid niya ay kasama niyang nakagapos .

"The day after that... I live like a trash . Im hopeless . Why I want to kill all of you ? This is the reason why!"

Sabay tutok ng baril nito .

There's no turning back  (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon