•Their Feelings•

283 9 2
                                    

Chance ko na to. Sabi nga nila pag nandyan na yung opportunity, I grab  mo na. Kaya bago kami maghiwalay ni Thunder, binulungan ko siya..

"Can we talk?"

Hindi niya ko pinansin, para bang sinadya niya na hindi ako pakinggan.

"I loved you Kent. I still do."

Tinignan niya lang ako ng nakakunot ang noo. I was expecting na maguusap kami pero hindi e, kaagad niya kong binitawan at nagtungo sa table nila.

----

Fritzy's POV

Di ko alam kung ako lang ba yung nakapansin na parang nagbago yung mood ni bossing pagkababa niya ng stage.

"Let's go home, Zy."

"Sure ka boss? Kakasimula palang e, tsaka sayang outfit."

"I said lets go home, now."

"Okie. Wag ng magalit bossing, papangit ka niyan eh. Hehe. So pano, mga panget una na kami. Babush."

Mabilis pa sa alas kwartrong umalis ako dun. Nauna kasi si boss, init ng ulo nun. Meron siguro. Baka walang dalang napkin, nako nako. Sana sinabe niya sakin, may extra kaya ako sa bag. Tsk.

--

Pumunta ako sa parking area sa may bandang kaliwa pero wala dun si bossing. Hinanap ko siya sa ilalim at ibabaw ng sasakyan pero wala pa din. Wala naman akong susi at isa pa,di rin naman ako sanay magmaneho.

Naglakad lakad na lang ako at baka saling makita ko siya. Marahil ay naninigarilyo lang yun...

Sa di kalayuan kung san ako nakatayo may nakita akong dalawang tao na para bang naghahalikan. Lumapit pa ko para makita kung tama nga ba yung hinala ko.

Ilang hakbang na lang at katabi na nila ko,

"Boss." Bulong ko. Si bossing nga at yung ex niya yung nakikita kong naghahalikan.

Gusto kong tumakbo, gusto kong umalis sa kinatatayuan ko ngunit para bang nakadikit na ang mga paa ko dito.

Nasasaktan ako, di ko namanlayan na may luhang pumapatak na galing sa mata ko.

"Fritzy." Nakita nila ko. Nakita ako ni boss.

"Ah, sorry." Sabi ko saka ko tumakbo. Di ko alam kung san ako dadalhin ng paa ko basta ang alam ko lang ngayon ay lumayo sa kanila. Gusto kong malaman kung bakit ako nagkakaganto at kung bakit ako nasasaktan.

--

Dinala ko ng mga paa ko sa Humility Bar. Itong bar na to ang dahilan kung bakit kami nagkakilala ni Thunder.

Sinubukan kong tawagan si Jae pero hindi niya sinasagot. Tinext ko na lang sa kanya kung nasan ako at nagbabakasakali na pumunta siya.

Ininom ko lahat ng alak ng nakita ko. Gulong gulo ko sa nararamdaman ko, di ko maexplain. Gustong gusto kong sampalin si Thunder kanina pero ano naisip ko din na ano bang karapatan ko? Alalay niya lang ako.

"Hi, miss. Magisa ka lang? Di bale nandito naman ako, ako nga pala si---

"Hindi ako interesadong malaman ang pangalan mo kaya pwede ba lumayo layo ka lang sakin."

Inlove ako kay Sungit (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon