1.
Typical Friday morning ang sumalubong sa akin pagkagising ko.
Naghilamos muna ako bago bago lumabas ng kwarto.
"Goodmorning Max/Ate." Bati sa aking ng parents at dalawa kong kapatid pagbaba ko sa kusina.
"Goodmorning, anong breakfast?" agad ang tanong ko.
"nagtoast si mommy ng bread." sagot ni Danni, 11-year old kong kapatid.
"nagluluto din ako ng sunny side-up na eggs." sagot ni mommy.
"Fave. Ako na sa drink. Apple Smoothie nalang?" at sumangayon ang lahat. Ganto kami every morning, nagtutulungan sa tuwing breakfast. Ako at si mommy ang gumagawa ng breakfast. Si Danni ang nagse-set up ng table. Si Daddy naman ang naghuhugas ng pinagkainan. Si Gaile naman 2 palang kaya nakikigulo lang yan.
Masasabi ko na close kami sa family. Simple lang naman ang buhay namin. Hands on na sa amin si mommy since mga bata pa kami. Huling time na nagkaroon kami ng katulong is noong 10 ako. gusto kasi ni mommy na matuto kami sa gawaing bahay kaya ayan.
Tapos ko na gawin yung smoothie, tapos na rin ang table and tapos na si mommy magluto.
"Ate, I want to eat na." sabi sa akin ni Gaile, kaya naman binuhat ko na siya and dumeretso na sa table.
"Okay. Pray before eating." And so we did.
Habang kumakain,
"Ohh Max, Pasukan na sa Friday. Ready ka na ba?" - Dad
"Ready na ako though wala pa akong supplies so I guess 50% ready palang."
"Grabe anak, I can't believe na freshman college ka na sa pasukan. Time flies so fast." - Mom
"I know right. Di ko nga alam kung aanong ieexpect ko sa college e."
*kring kring* (telephone)
Nagvolunteer ako na magpick-up ng phone.
"Hello. Sebastian Resi-."
"MAAAX!!" sigaw ng tao sa kabilang line.
"Aray ko naman Kha! Makasigaw naman. Ano ba meron napatawag ka?"
"Sorry na. Punta tayo mall, wala pa akong supplies e. for sure naman wala ka pa ring supplies."
"Sure, sino kasama? Same old ba?"
"Yes. Same old. Sunduin ka nalang namin."
"Okay sure mamayang 10 nalang."
And binaba ko na yung phone.
Nagpaalam ako kila mommy and daddy.
"Sino kasama? Same old ba?"
"Yes po. Same old."
And with dad pumayag na sila. After ko kumain, naligo na agad ako and naghanda.
*ding dong*
Pagtingin ko ng orasan ko, saktong 10 na. for sure sila na yan.
I just know when they're here kapag biglang umiingay na yung bahay.
Pagbukas ko ng room.
"MAAAAAAAX!!!" kung makasigaw tong mga to parang ilang taon kaming di nagkita ah.
"alam kong namiss niyo ako, pero pwede ba hinaan naman ang boses?"
"Tita si Max, may sakit." Sigaw ni Marla na tinawanan lang naman ni mommy.
"Akala ko ba Same Old? Bat puro girls kayo?" - daddy
*beep beep BEEEEEEEEEEEP*
"yun na ata sagot sa tanong mo" sabi ni mommy
Si Vic na yun for sure. Ganyan kasi siya magpatunog e.
"sige na po, alis na kami. Itetext ko nalang po kayo." paalam ko sa parents ko.