Chapter 4

42 0 0
                                    

"Nandiyan na pala kayo." ani Yohan at naglakad papalapit samin.

"Hey." Maven approached me.

Tumaas ang kilay ko. "Oh? Kailangan mo?"

"Sungit nito oh, parang 'di ikaw tuloy 'yung nakausap ko kanina." he looked amused. "You're revealing your true color, Saskia."

Inirapan ko siya. "Shut up."

Bakit ba 'to nandito? Every weekends lang naman 'to available considering that he's a busy person.

Napailing siya at agad kumuha ng pagkain at binigay sakin kaya kinuha ko na lang para wala na siyang reklamo. Blessing na lumalapit sakin, tatanggihan ko pa ba?

"Maven, do you have a extra drumstick?" I looked at Jaden. He looks cold.

He's rude.

"I do have an extra pero nasa bahay 'yon, but I can go and get it for you. Kailangan mo ba?"

"Not really, pero may gig tayo tomorrow, malapit nang masira yung drumstick na nandito so it's better for you to use your extra."

Kyler chuckled. "Ang lakas kasi pumalo 'e. Parang may sama ng loob."

"Oo pre, maraming sama ng loob 'yan. Ilan na ba nasira niyang drumsticks? Lakas mo kasi pumalo, Maven." sabat ni Erven.

Seriously?

"Tangina niyo talaga." halakhak ni Zary.

"May laman ba 'yung sinasabi niyo? O ako lang nakakasense?" nagtatakang tanong ni Yohan.

"Meron yata." sagot ni Faith.

"Kailan gig niyo?" I asked Maven.

"Tomorrow nga diba? Where you at, my man?" pilosopong sagot niya.

Bakit hindi na lang siya umalis ng banda. Nakakabwisit.

"What time?" I asked almost glaring at him. "And where?"

"Chill, bro." natatawa niyang sabi. "Gabi na siguro 'yon. Mga 6pm? I don't know. Sa Laoag lang kami."

Mukhang gagabihin nga yata sila. They're known as Acēs dahil sumasali sila ng battle of the bands every fiesta. But this year, they didn't join dahil na rin sa pagalis ni Daniel sa banda. Marami pa namang fan girls 'yon. Maraming na disappoint pero ano pa ba ang magagawa nila e umalis na iyong tao.

They're still accepting gig's though. Mabuti na lang talaga at nakahanap agad sila ng papalit kay Daniel. Kaso mukhang lagi siyang galit.

Napabaling ako kay Kyler nang tanungin niya ako. "Pupunta kayo?"

"Yes, actually-" siniko ko si Faith.

"I'm not sure. Baka hindi na ako payagan ni Mama."

"Liar! Diba nga kaya ka namin sinamahan kanina para ipaalam kay tita?" kontra agad ni Leigh sa sinabi ko.

"Kaya nga! Hindi ka makakalusot samin, Kia. Minsan lang naman 'yon and you're barely going out. Mas mabuti na iyong makapag bond naman tayo in a longer time."

I sighed. Oo, pero kasi iniisip ko si Mama. Hindi parin sila nagpapansinan ni Papa and knowing Papa, he would do anything para lang pansinin siya. I'm bothered on what might my father can do. He's violent. And that's the main reason why I'm scared of him.

I'm sure they are fighting for some reason. Hindi lang sila nagsasabi sakin dahil ayaw siguro nila akong masali. Pero hindi nila iniisip na kapag hindi sila nagsasabi sakin ako parin iyong naiiipit.

"Wag niyo siyang pilitin kung ayaw niya." tahimik na saad ni Jaden.

Kasali ba siya?

"H-hindi. Pumayag naman na si Tita and she even said na mabuti iyon para raw makapagrelax si Kia. Puro review nga iyan these days kaya mabuti rin 'yon." tuloy-tuloy na sabi ni Faith.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Benevolence Where stories live. Discover now