ABALA sa pagtitipa ng huling pahina ng manuscrito na kaniyang isusumite sa isang kilalang publishing company si Gertrude. Nakatuon ang buong pansin niya sa pag-aari niyang laptop na anumang oras ay magpapaalam na sa sobrang kalumaan. May sentimental value sa kaniya ang laptop kaya napakahirap sa kaniya na bitawan ito at palitan.
Nagkalat ang nilakumos na papel sa kaniyang study table at limang tasang kape na halos nakalahati niya lang ang laman. Sa kaniyang harapan ay makikita ang isang malaking istante kung saan maayos na nakasalansan ang mga nailimbag niyang libro.
Halos limang taon na syang nagsusulat. Libangan lang naman niya iyon n'ong umpisa hanggang sa nalaman niya na pwede palang kumita sa pagsusulat. Nagsimula sya sa pagsusulat ng mga Children's book dahil gustong-gusto niyang naaaliw and at the same time may natutuhang aral ang mga bata mula sa kaniya sa pamamagitan ng mga kwento niya. Ngunit sa kasalukuyan ay isa na syang Mystery-thriller writer. Mas komportable kasi sya sa gan'ong genre.
Isa syang cashier sa isang kilalang fastfood chain sa umaga at full-pledged writer naman sa gabi.
Nagtapos sya sa kursong Business Management Major in Marketing Management. Ngunit wala syang balak dagdagan ang layer ng fats niya sa tiyan kakaupo maghapon sa loob ng opisina gusto lang talaga niyang magkaroon ng diploma.
" Gertrude!"
" Gertrude!" Kahit nakatalikod ay mabilis syang nakailag sa isang hardbound Harry Potter book na binato sa kaniyang kinaroroonan ng matalik na kaibigan na si Erelah. Sa halip na tumama sa kaniya ay sa istante sa kaniyang harapan ito napunta, dahilan upang magsilaglagan ang mga libro sa kaniyang harapan.
Inis na napakamot si Erelah sa mukha at binalik ang tingin sa pinapanood na kdrama.
Samantalang kalmado lamang na isa-isang inalis ni Gertrude ang mga libro na halos matabunan na ang kaniyang laptop. Parang walang nangyari na nagpatuloy sya sa pagtitipa.
Simula pagkabata ay likas na ang pagiging mainitin ng ulo ni Erelah. Kaya sa halip na sabayan ang init ng ulo nito ay binabalewala na lamang niya.
" Maghahanap na ako ng trabaho bukas," Wika ni Erelah, natigil si Gertrude sa pagtipa at bahagyang sinulyapan ang kaibigan.
" Okay, sure na ba 'yan?" Naghihinalang tanong ni Gertrude sa kaibigan.
" Of course, I'm very certain with my decision. Million years ko din itong pinag-isipan.” Siguradong wika ni Erelah.
" Baka kasi gumagawa ka na naman ng desisyon na sa huli'y hindi mo mapaninindigan." Mahinahong wika ni Gertrude.
Matagal na ring hindi lumalabas sa apartment niya si Erelah. Akala nga niya ay tuluyan na itong magpapaka-mongha. Nakipaghiwalay ang dalaga sa longtime boyfriend nito, kailangan daw kasi nilang mag-grow nang magkahiwalay. Tapos abot hanggang langit ang pagsisisi dahil sa ginawa.
Baliw lang.
Daig pa ni Erelah ang kinakatay na baboy sa tuwing umiiyak sa kalagitnaan ng gabi sa sobrang pagsisisi.
" You know naman me, I'm a one word person. Samahan mo ako ah." Pinagpatuloy ni Gertrude ang pagtitipa at napailing sa huling tinuran ng dalaga.
" Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo." Balewalang sagot ni Gertrude..
" Sige na, please," Nagsusumamong wika ni Erelah na parang bata.
" Iuuwi na kita sa inyo bukas ng umaga," Kibit-balikat na saad ni Gertrude.
Napahalukipkip si Erelah at sinamaan si Gertrude ng tingin. Naglayas sya sa kanila at hindi niya pa gustong bumalik sa mga magulang niya. Magdadalawang buwan na syang nakikisiksik sa studio-type na apartment ng kaibigan at kailanma'y wala syang balak na umalis. Tuluyan na syang magpapa-ampon dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/309653535-288-k731207.jpg)
BINABASA MO ANG
Ever After Always (COMPLETED)
DragosteGertrude hid a secret, a secret that can either break or strengthen her relationship with Zerachiel.