"Hi Zhai! 6pm mag-sstart! Be there! Wear a dress that you are comfortable with! See you later! I love you! Mwah!" sunod-sunod at mabilis na saad ni Xandra sa pagkatawag na pagkatawag nya sa akin kaya hindi na ako agad napagreact man lang.
"Sabi sayo eh, kilala mo naman yun. Hindi papayag yun na wala ka every celebration lalo na at 18th birthday nya pa" rinig kong sabi ni Xykie habang nag-aayos ng sarili nya.
I wear my Mom's last gift for me, it was a fitted, above the knee, peach off-shoulder dress.
"Hindi kaya masyado namang sosyal tong suot ko? hapit na hapit pa sa katawan ko" reklamo ko sa kanya habang dinadry na nya ang buhok ko.
"Anyare sayo teh? Akala ko ba matalino ka? Binansagan ka pa naming "Wise Girl" sa atin tapos ni fitted hindi mo alam? Syempre hapit talaga yan kase nga fitted?! banaman toh, nabobobo ako sayo teh!" tiningnan ko na lang agad sya ng masama dahil sa sinabi nya.
"Alam mo namang hindi sanay yung tao eh pipilitin pa, pwede namang magpants na lang at shirt. Kailangan ba talaga ganto?" reklamo ko ulit na siguro ikinainis na nya.
"Girl! Hindi fiesta pupuntahan mo ha, debut yun! Sabi nga ni Xandra, wear your dress! Formal attire ka dapat!"
"Formal din naman ang pants at shirt ah! Kesa naman sa magganito ako tapos heels pa. Para lang akong nanghahamon ng away netoh sa kanto kapag maglalakad eh!" reklamo ko na naman ulit.
"Suot mo na yan teh, wag mo na hubarin, ako bahala sayo" napanguso na lang ako at tsaka na nya ako inayusan.
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
Kinakabahan ako pagkarating na pagkarating pa lang namin sa venue, not because of the birthday party pero kundi dahil sa mga mapanghusgang mga matang nakatingin sa amin. Dumiretso agad kami sa pool dahil doon daw gaganapin ang party and as we arrived there sobrang dami ng tao at ang gagara pala ng mga suot nila.
We sat at the very back and left corner of the venue. There are full of unfamiliar faces dito sa party and it made me conscious of my looks.
When the program started, I now wanted to be a man who will court, ask her to be my girlfriend and to marry me. Xandra was so gorgeous with her pink gown and simple but elegant make up. She have that western look kase from her Dad and as our eyes met I gave her a wave and a satisfying smile.
Nauna ang 18 dance and may lalaki dun na sobrang kinahuhumalingan nitong babaeng katabi ko na walang iba kundi si Xykie.
"Ano ka ba?! Andami kayang gwapo dun! Hindi ka man lang ba naattract?! Sabi nga nila kapag hindi kaya ng bulsa mo maghanap ka ng lalaking kaya kang buhatin ng bulsa nya, andami dyan beh!" singhal nya sakin habang may pahampas hampas pa sa braso ko.
"Sino naman dun?! Sa iisang tao lang ako naatrract dito noh!" sagot ko naman sa kanya na ikinagulat nya.
"At sino naman ang swerteng tao na yun?!" tanong nya kaya ininguso ko naman agad si Xandra.
"Tanga!"
▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
Nagsimula na din ang 18 candles at kinakabahan ako kase isa ako doon. After ni Xykie ay tinawag na agad ang pangalan ko.
"And here she is with her candle, Ms. Zhaibwrina Melantha" tumayo na ako at huminga ng malalim bago lumapit at kinuha ang candle at microphone tsaka lumapit kay Xandra.
I turned off the microphone first tsaka nagsalita.
"Kinakabahan ako" I said and she let out an amazing smile.
YOU ARE READING
AFICIONADO ~ Deep Devotion Series #1
AcakAFICIONADO - Deep Devotion Series #1 In a beautiful scenery of Amsterdam, in the Keukenhof Garden, I will find my way again to love you, my Tulip. "Life is the flower for which love is the honey." - Victor Hugo