Why Can't We Be?

106 16 286
                                    

A/N

Hi, everyone! I would like to share with you my one-shot story, entitled "Why Can't We Be?" I hope you will like this short story of mine. :))

PS. I suggest y'all listen to the music below while reading this story, to feel the emotions. Promise hindi po masakit, parang kagat lang ng dinosaur. :D Hahaha. Just kidding!

Happy reading, Leinies! <3

"Err! Shit! Peste! Isang malaking peste!" inis kong pinatay ang laptop ko. Saka padabog na inilapag ang aking phone sa table.

"Hoy! Okay ka lang ba Sasha?" gulat na napalingon sa akin si Liz. Ang co-author at co-editor ko rito sa pinapasukan naming Sunwrite Publishing Company.

I sighed deeply and leaned back in my swivel chair. "I think I need a break..."

"Oh! A break from work?" Taas-kilay niyang tanong at agad naman akong tumango. "I don't think so! I think you need to break up with him...that's what you should do, Sasha!"

"Liz...it's not easy what of you think—"

"Come on, Sasha! Kung nasasakal ka na then, let go! Makipaghiwalay ka na! Hindi 'yong nagtitiis ka pa rin kahit hindi ka naman talaga masaya sa kaniya!"

"He's my fiancé..."

She angrily rolled her eyes. "That's exactly my point, Sash! Fiancé—a fucking fiancé! Na wala nang ginawa kundi ang diktahan ka ng mga dapat at hindi dapat mong gawin! Aba! Ano ka asong sunod-sunuran lang sa lalaking 'yon? Sash, wake up! Hindi lang siya ang lalaki sa mundong ito. I'm sure you can meet someone that will make you feel what real love is...trust me!"

Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim, saka inis na sinuklay ang mga daliri sa buhok ko. Tama si Liz, I'm not happy with my fiancé. Si Nate ang fiancé ko, we've been in a relationship for five years. Pero sa loob ng limang taong 'yon, hindi ako sigurado kung naging masaya ba talaga ako sa relasyon naming dalawa.

Nate is an Engineer that has his own firm which he runs. Anak si Nate nina Mr. and Mrs. Diaz, ang mga nagbigay ng scholarship sa akin para makatapos at makuha ang kursong AB Journalism.

He came from a rich family, nasa kaniya na ang lahat. Madali niyang nakukuha ang mga bagay na gusto niya, that's why how he treated me like this. Palaging siya ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay, siya ang nagsasabi kung ano ang dapat kong gawin.

Kailangang may consent niya palagi ang mga bagay na gagawin ko. And I admit, it sucks...sobrang nasasakal na ako sa pagmamando niya sa akin.

Hindi ko lang siya magawang iwanan dahil sa utang na loob ko sa mga magulang niya. Pero alam ko sa puso kong hindi ako masaya sa kaniya...hindi ko na siya mahal.

I don't even know if I really felt love for him...

Buo na ang desisyon kong mag-leave muna sa trabaho, gusto ko munang magpahinga. Masyado nang pagod ang utak ko, pagod na ring sundin lahat ng sabihin ni Nate sa akin. Gusto kong mag-relax, gusto kong huminga.

Kailangan ko ng good vibes, kailangan kong mag-recharge at maka-meet ng mga bagong tao. Isa akong published author at editor rito sa Sunwrite Publishing Company dahil noon pa man ay hilig ko nang magsulat ng mga istorya.

Nag-file agad ako ng five-days leave, pumayag naman ang boss namin. Alam naman niya kasi ang pinagdadaanan ko, kaya hindi na siyang nagdalawang-isip na pagbigyan ako. Tinawagan ko agad ang Ate Maya ko na nakatira sa San Ildefonso with her partner. Doon ko naisipang magbakasyon para makapag-recharge.

Why Can't We Be? (One-Shot Story) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon