Third person's POVTahimik na nakatingin sa malayo si Devon ng datnan ito ni Clein, napahinto ito sandali at pinag-aralan ang kaibigan saka ito pilit na ngumiti at nagpatuloy sa pagpasok sa opisina pabiro nitong pinalo sa balikat ang nakatulalang si Devon saka tumawa ng malakas
"what the heck? Hindi ka ba marunong kumatok o magsabi man lang? I swear you'll be the death of me kong parati mokong gugulatin" nakahawak sa dibdib na sabi ni Devon dahil sa konting kirot na unti unting sumasakit dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso
Nagtaka naman si Clein sa naging reaction ng mukha ni Devon kaya labis syang nag alala at agad na lumapit sa kaibigan para suriin ito
Ayaw naman ni Devon na malaman ni Clein ang kanyang kalagayan kaya umasta syang nagbibiro lamang saka tumawa na parang walang nararamdaman
At dahil dun nakahinga nga maluwag si Clein, ngunit hindi nawala ang kaba sa dibdib nya
"grabe ka bro, muntik na akong mamatay dahil sa kaba" kunwari'y inis na sabi ni Clein
"ano ka ba, nagbibiro lang ako.. Ikaw naman kasi ginulat moko ayan karma mo g*g*" patawa tawang sabi naman ni Devon habang kamay ay kapa ng kapa sa drawer nya kong saan nakalagay ang mga gamot nya, hindi naman ito napansin ng kaibigan dahil lumayo na ito sa lamesa nya at dun naupo sa single sofa
Malaki ang opisinang ito kaya kasya ang isang coffee table at tatlong single sofa, nasa center ito at sa pinakadulong parte ay ang mesa ni Devon
Palihim na ininom ni Devon ang gamot habang panay naman sa pagsalita si Clein
"bro.. Malapit na nga pala anniversary nyo ni Ella, what's your plan for that day?" napahinti si Devon sa pagbalibaliktad ng mga papeles ng marinig iyon. Maging si Clein ay natigil sa ere ang kamay at halos parang kidlat nyang nilingon ang kaibigan
"what? Dont tell me nakalimutan mo, naku yari ka bro" pananakot pa ni Clein
"i haven't thought about it yet.. Dont worry hindi ko nakalimutan i was just too busy kaya hindi ko pa maharap sa ngayon"
Naangiti na lang ng si Devon, isang malungkot na ngiti.. Ang totoo ay napagplanuhan na nya ito ng mabuti, handa na ang lahat
"bro!! Im telling you overworking is a bad habbit, you should make time for your family lalo na sa mga okasyon, dahil ang mga okasyong importante sa isang babae ay di nakakalimutan kong ayaw mong matulog ng mag-isa" payo ni Clein, by the look on his face and the tone of his voice proves that he was genuinely serious
"I'll keep thqt in mind" sagot ni Devon at bumalik na sa mga papel ang atensyon nya
Maya maya lang ay umalis na rin si Clein dahil may trabaho pa syang gagawin at naiwan na namang mag isa si Devon, pinilit nyang tapusin lahat ng mga papeles para sa buong linggo dahil sa susunod na linggo ay ang anniversary nila ni Ella
Pagkatapos ng trabaho ni Devon ay nauna na syang umalis ng kompanya dahil si Clein ay may kliyente pang pupuntahan, alas tres(3:00) pa lang ng hapon ngunit umalis na si Devon
Ella
I was bored at home dahil wala naman kaming magawa ni Lucie, and as a full time house wife I've already finish all my chores at tinulungan ako ni Lucie kaya mabilis natapos kaya eto kami ngayon papuntang mall para magliwaliw
Si Lucie ang nagmaneho ng kotse at dahil madadaanan namin ang kompanya papuntang mall ay naisipan naming dumaan na lang at saktong ng pagdating namin ay nasa parking lot din si Clein nagpark kami malapit sa kotse nya kaya napansin nya agad yung kotse ni Lucie
He was smiling sweetly ng makita nya si Lucie, mabilis na tinakbo nung bruha yung boyfriend nya saka sila naghalikan
"wala talagang kahihiyan sa katawan yung dalawang to" bulong ko with matching pailing pa
BINABASA MO ANG
His Almost Cinderella Wife
RomanceThis is not your typical cinderella story.. Dalawang tao ang magtatagpo sa isang di inaasahang pagkakataon.. Love will rise in the air, sparks will fly, time stops..Then what will happen next?.. Abangan peeps.. Love lots muah