Guys! nandito pala ang ever loving bestfriend ko na si Ashley. Hindi nakasama si Jenna kasi busy siya eh :(
*Click* *Click*
Ano ba yung ingay na yun? Minulat ko naman yung mata ko tapos nakita ko si Jet saka si Ashley natumatawa at may hawak sa Slr si Ash. Ang sama talaga nila. -_______- tumayo nako tapos naghilamos. Kumain na din kami. Tapos tumawag si Jenna para kumustahin kaming dalawa ni Ash.
Sa totoo lang. Ashley's a catch. Sa tagal ng pinagsamahan namin. Pwede naman kami diba? 2years nadin kaming magkaibigan. Hala ano ba tong iniisip ko. Lol :)
"Anak mamayang 5pm pa pala magbubukas yung perya dyan sa may tabing dagat. Kung gusto niyo pumasyal tayo sa may dagat para naman malibang kayo." sbai ni Daddy.
"Sige dad masaya yun!" sabat ni Jet.
So nag-ayos kami ng mga gamit at dadalhin naming pagkain. Siguro 1pm na kaming nakaalis sa bahay. Pagkarating namin dun eh namasyal kami ni Ashley. Nakita ko naman yung ibang classmate namin. Sabi pa nga daw nila bagay daw kami ni Ashley. Ihh wag nga kayong ganyan. :">
"Kinikilig ka naman dyan." sbai ni Ash.
"Kapal ng apog mo ah. Kadiri ka di ako kinikilig." tinawanan naman ako ng mokong.
"Tara doon tayo sa may malalaking bato. Buti dala ko tong camera ko." at pumunta naman kami ni Ash doon. Tapos kinukunan naman niya ako ng picture habang nagsasalita ako. Parang tanga to. Hahahaha.
"Ang saya naman. Nandito ka. Nabawasan ang pagka homesick ko."
"Shempre kahit ano para sayo." sabi niya pero hindi ko narinig kasi ang ingay nung mga naglalarong bata.
"Ha?"
"Sabi ko, tumataba ka na dito."
"Ang sama mo."
"Joke lang. Sa totoo lang masaya din pala dito sainyo. Chaka masaya kasi andito ka sa tabi ko."sabi niya. :">
"Kikiligin na ba ako?" pabiro kong sinabi.
"Che. Alam mo naman na I'm not good with words. Pero eto. Sa tagal nating magkasama, shempre hindi pwedeng hindi ako mahulog sa isang katulad mo. na kind-hearted, free-spirit. Kayang sakyan yung mga trip ko, kaya akong pangitiin kahit minsan wala kang ginagawa. Ewa ko ba." Nashock naman ako. After 2years. Grabe.
"Uhm.. Ano, hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin?" nanginginig ako. Parang sasabog yung puso ko sa kaba. Na baka may joke sa huli yung sasabihin niya.
"Summer, hindi ka naman siguro tanga. Ay oonga pala minsan tanga ka. Pero hindi ka naman manhid diba? I like you. Ay hindi hindi. Mahal na nga ata kita eh. So if you'll give me a chance, pwede ko bang ipakita sayo kung gaano kita kamahal? Pwede ba kitang ligawan?" sabi niya. Nganga ang lola niyo!!!!
"Sa totoo lang Ash, ang tagal kong hinintay yung moment na to. Na sasabihin mong 'Hoy Summer mahal kita.' at eto nanga. At grabe hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kasi masaya ako, naiiyak ako, hindi ko maintindihan pero ang naiintindihan ko lang eh gusto din kita. And yes. Pwede kang manligaw." Thankyou Lord. :"> hinawakan naman niya yung kamay ko. Gahhhhhhhhhhhhhd.
Nag-picture picture naman kaming dalawa. Sana hindi na matapos yung araw nato. :"> kumain muna kami tapos nakipagkwentuhan naman siya kay Daddy. Shempre sinabi na namin. Okay lang naman kay Dad. Mabait naman daw Ashley. Yessss!
Nung 5pm na eh pumunta na kami sa perya. Si Dad kasama niya si Jet at kaming dalawa naman ni Ash ang magkasama. Shempre.
Sumakay kami sa roller coaster. Tawa lang kami ng tawa. Tapos tin-ry niya din yung babaril ka tapos kapag natamaan mo makakakuha ka ng teddy bear. He got me one. :"> tapos kinunan niya ng picture. Ah, this feeling is nice.
Nakita ko naman sina Ralph, Jerome, Sofia, Anya chaka si Sharlaine. Tapos nagkasama sama kami. SInabi ko naman sakanila kung anong meron kami ni Ash. Kilig naman si Anya. Hahaha. Palibhasa walang lovelife. JOKE!!! =)))
Pumunta din kami doon sa gabi ng lagim tapos kumain ng cotton candy. Buti nalang yung mga boys they get along with each other naman. Hay. Nanuod din kami ng battle of the bands nung gabi sa plaza. Ang saya lang pramisss!!!!
Siguro 1am na natapos yung contest tapos kumain naman kami ng balot. Haha. Tinatawanan nga nila ako eh. Eh hindi naman ako marunong kumain nun. -___- Tapos umuwi nakami. At nagpahinga. So much for today. :> <3