Kabanata 3

13 2 1
                                    

KABANATA 3:

Pumatak ang ulan sa labas ng eskuwelahan, kahit gaano ito kalakas, natatabunan ito ng musikang pinapatugtog ko sa aking earphones. Tumitig ako sa mundong nasa ilabas, mula sa bintanang binubugbog ng mga patak ng ulan.

Wala kasing guro, kaya pwede naming gusto ang kahit na anong naisin.

"Hays." Napabuntong-hininga ako sa kawalang-gana. Iidlip na lang ako.


Hmmm? Umuulan pa rin?

Biglang may tumatapik sa kaliwang balikat ko. Si Ryu?

"Next class na raw, lilipat na kami." Kung gaano kabilis ang pagsambit ni Ryu, ganoon kabilis din siyang tumakbo paalis ng silid pagkatapos magsalita.

Potek, bakit wala sina Spring, iniwan na lang ba nila ako?

Ang mahalaga nagkausap kami ni Ryu... Wait, baka naglalaway ako habang natutulog!? Nakita niya ba 'yun?

Isinabit ko sa balikat ko ang aking bag na lila. Sana maganda ako habang natutulog. Hmm, nakabuka ba bunganga ko nung umidlip ako? Nakita niya ba 'yun?

Bakit ko iisipin kung maganda ako, wala akong pake! Si Ryu lang naman...

...ang nagpapatibok ng akong puso, hehehe. <33

"Oh Autumn, saan ka pupunta?" Nagbalik sina Spring, Winter, at Spring sa silid na may dalang pagkain mula sa canteen.

"Gagi next class na."



Lumipas ang ilang linggo nang hindi kami nag-usap ni Ryu.

Bakit ko binibilang!? Kawawa naman si Ryu, ako gusto makipag-usap, siya lang nag-eeffort... Kausapin ko ba siya? 'Wag na lang potek ikamamatay ko.

Kapag napapadako ako sa canteen, pinagmamasdan ko na lang siya mula sa malayo kung paano siya makipag-usap sa mga kaibigan niya. Malapad ang ngiti niya at nakakabighani. Approachable at the same time intimidating.



"Ano... Uhm, Autumn may lapis ka ba?" Bulong ni Ryu habang nakatago sa batok ang kamay nito.

Kalagitnaan ng mid-year exam, magkatabi kami dahil magkalapit lang ang last name namin. Inabutan ko siya ng bagong tasang lapis ko. Bumulong siya ng thank you at umambang magsagot.

"Mr. Villaverde at Ms. Villafuerte, are you cheating?" Nakapameywang na pagpapakilala ni Ma'am Martinez. Napabuka ang bibig ko sa gulat, ngunit walang lumabas. Paano ko sasabihin 'to?

"Ma'am, humiram lang po ako ng lapis kay Ms. Villafuerte." Maliit na ngisi ni Ryu at itinaas ang binigay kong lapis.

"Refrain from talking to anyone, if you wish to borrow a pencil, come to my desk and I'll give you one."


"Autumn! Wait lang."

Taena naiihi na ako Ryu, ano ba 'yun?

"Sorry kanina ha, thank you sa pencil." Iaabot na ni Ryu ang lapis sa palad ko.

"Okay lang, sa'yo na lang 'yan. Bye."

"Hindi, sa'yo na lang Autumn, thank you talaga."

Tangina Ryu maiihi na ata ako rito, kanina ko pa pinipigilan 'to.

"Sa'yo na 'yan!" Tumakbo ako papunta sa hagdan at bumaba papuntang restroom.

"Teka lang!" Huwag mong sabihing susundan mo pa ako Ryu!

Nagtago ako papuntang restroom at nag-C.R. agad. Thank you lord... Nang naghuhugas na ako sa restroom, bigla akong nakakuha ng notification.

Ryu Villaverde

Ryu: autumn saan ka?

Potek, hindi pa tayo jowa controlling ka na Ryu ganern? Charot lang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Autumn (Never Leaving)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon