"Diyan ko lang inilagay sa drawer mo kanina para sana takutin ka. Impossibleng mawala 'yan dito kung hindi mo kinuha!" ani ni Shanella.
"Wala akong nakita na USB dito! Ang dami kasing pakulo eh noh?!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Kung ganoon sinong kumuha?!" nagtataka din na sabi nito.
Napatigil ako. Naalala ko si Erin oang ang inutusan ko na halungkatin ang mga gamit ko dahil may pinapahanap akong report.
"Si Erin!" Sabay pa kaming nagsalita.
"Shawn, let's go! Nandiyan na lahat ng media magsisimula na tayo!" tawag sa akin ni Daddy.
Nagtinginan kami ni Shanella.
"Bakit? My problema ba? Bilisan niyo na diyan at kanina pa sila naghihintay!" ani ni Daddy.
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko ganoon din si Shanella.
"Ano bang problema?! Tell me!" tanong ni Daddy habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa kanya dahil natitiyak kong magagalit siya.
"T-tito...may problema..."
"Ano nga sabihin niyo na sa akin!" aniya.
"N-nawawala ang USB na kung sana may vedio kami ni Shawn na nag-uusap tungkol sa pagpatay sa mga magulang ni Erin...n-natatakot...kami dahil baka si Erin ang nakakuha-"
"Istupida!" Isang malakas na sampal ang natamo ni Shanella mula kay Daddy. "Hanggang kailan wala ka talagang utak! Akala mo ba talaga gusto kita para sa anak ko?! Isang hampaslupa na basura. Ipapalit ang puri para sa pera, magiging kriminal para sa pera. Papatayin kita kapag pati ako madamay diyan sa kalokohan mo!" sigaw ni Daddy sabay duro sa pagmumukha ni Shanella.
Napasiksik si Shanella sa isang sulok nang dahil sa takot. Sumunod ako sa likuran ni Daddy palabas sa opisina.
"Shawn, dalhin mo sa akin ang babaeng 'yun!" pabuling na utos ni Daddy.
"Mr. Ricardo, hindi pa po ba magsisimula ang presentation ni Shawn? Masyadong marami na ang bisita at naiinip na sila sa kahihintay," ani ng babaeng taga media.
Pinilit naman ni Daddy na ngumiti kahit masasabog na ito sa galit. "Of course, magsisimula na tayo!" Dumikit si Daddy sa akin at may binulong. "Siguraduhin mo na pagkatapos ng presentation mo ay madadala mo ang babaeng 'yun sa akin!" aniya.
Tumango lang ako. Pakiramdam ko para akong nabubuhay na robot na kahit ano ang iutos ni Daddy sa akin ay kailangan king sundin, masama man ito o mabuti.
Umakyat na ako sa stage at nagpakilala sa mga tao. Maraming mga camera's sa paligid ko. Picture dito picture doon. Hindi rin mawala ang ngiti sa aking mga labi.
"Everyone, please watch my plan to this Company. I want you to see the reactions ng mga tao na gumamit ng sabon para mainspire din kayo at maging isa rin kayo sa mga costumer namin," nakangiting sabi ko sa microphone sabay turo sa telebisyon na naroon.
Ngunit hindi pa rin naka play ang vedio. Nakapatay pa rin ang tv at nagbulong-bulongan na ang mga tao.
"What happened?"
"Is there something wrong?"
Biglang namatay ang ilaw kaya nagdulot ng dilim sa buong paligid.
"Please calm down everyone! Susubakang ayusin ng IT ang problema," sabi ko at lumakad na ako papunta sa mga IT.
Isang hakbang ko palang ay narinig ko na napasigaw ang mga tao.
"Whose that? Is that Shawn?"
"Bakit may scandal? Ito ba ang presentation na sinasabi niya?!"
"Oh no! Hindi ko kayang manuod ng ganyan?!"
Narinig kong sabi ng mga tao. Dahan-dahan akong humarap at tiningnan kung ano ang lumalabas sa screen. Napamura ako ng makita ko iyon. Scandal namin ni Shanella, sino ang gumawa nito?
Nagcommosion na ang mga tao. Sari't saring emosyon at usapan.
Muli na namang nagbago ang palabas at si Shanella at ako pa rin ang nasa screen. Ito 'yung vedio na sinasabi ni Shanella. Nag-uusap kami tungkol sa mga magulang ni Erin.
"Stop that vedio! Now!" sigaw ni Daddy.
"I said stop that vedio!" ani ni Daddy at nagwawala na siya.
Umakyat na siya sa stage. "Shawn, let them stop that vedio!" sabi pa ni Daddy.
Hindi lang ako gumalaw sa kinatatayuan ako.
"Ano?! Tatayo ka nalang diyan at walang gagawin?! Napaka tanga mo!" sigaw pa niya.
"Para saan pa Dad na ipatigil natin ang vedio na 'yan?! Nakita na nang mga tao at narinig na nila ang lahat. Sa tingin mo ba kapag magpaliwanag tayo maniniwala sila?!" sabi ko naman.
"Your idiot! Stupid!"
Biglang bumalik ang liwanag ngunit sa bandang harapan lamang ng stage. Mayroong isang babae na nakamask paakyat sa stage at naka kulay itim na gown.
Napaka misteryosang babae dahil walang may ideya kung sino iyan.
Kinuha niya ang microphone na hawak ko at dahan-dahan na tinanggal ang kanyang mask.
Nagulantang ang lahat ng makita na si Erin iyan.
"Magandang gabi sa lahat! Alam ko na hindi niyo ako kilala pero ang mga magulang ko ay kilalang kilala ninyo. Ako lang naman ang anak ni Maria at Andrew na pinatay ng matandang 'to!" Galit na sabi ni Erin sabay duro kay Daddy. "Yes, it's true, ang taong dinasamba niyo ay isang masama at manloloko slush manggagamit. Tinanggap niya ako sa Kompanya niya para makuha ang loob ko. Nang makuha na niya ang loob ko ay ginawa nila ang lahat para mainlove ako sa anak niyang si Shawn. Alam niyo kung bakit nila iyon ginawa? Para makuha ang booklet na ito kung saan nakasulat ang procedure sa paggawa ng sabon!" Ipinakita ni Erin ang booklet na hawak niya.
Paano niya iyon nakuha? Ang pagkakaalam ko naibigay ko na 'yun kay Daddy.
"Shawn, sa tingin niyo ba ay naisahan niyo ako ni Shanella?! Hindi ako tanga para maniwala sa inyo! Kayo ang naisahan ko dahil ang akala niyo ay napaniwala niyo ako!" Humalakhak si Erin sa tawa.
"Calling the attention of Ms. Shanella Mendez, halika umakyat ka dito sa stage para naman makilala ka nila, common!" ani ni Erin sabay turo kay Shanella.
Nakita kong tumakbo si Shanella palabas ngunit hinarang uto ng mga pulis.
"Why did you run my dear bestfriend? Hindi ba matapang ka?! Pagkatapos mong patayin ang mga magulang ko dahil lang sa lalaking 'to nagawa mo pa akong paniwalain na isa kang mabuting kaibigan?!" galit na sabi ni Erin. "Panahon na para maningil ako sa ginawa niyo?! Ano pang hinihintay niyo? Hulihin niyo na ang babaeng 'yan pati ang mga kasabwat niya!" si Erin.
"No! You can't do this to me Erin! I am the most powerful businessman in the world!" sabat naman ni Daddy.
Palipat lipat lang ako ng tingin sa kanila. Ang sa pagkakaalam ko wala akong kasalanan sa pagkamatay ng mga magulang ni Erin. Ang mali ko lang ay ang niloko ko siya at pinagsamantalahan. Mababalik paba ang dati? Kung alam ko lang na mainlove ako sa kanya ng ganito sana hindi na ako pumayag sa plano.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomanceWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.