CHAPTER 1

8 1 0
                                    

Liezel pov

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nakatutok sa'kin, tapat kasi ng bahay namin ang magandang tanawin ng dagat.

Tumayo ako at tuluyan kong binuksan ang nakaiwang na kurtina, humampas sa'kin ang sariwang hangin, tiningnan ko ang dagat kulay asul ito at kumikinang tuwing natatamaan ng araw.

Lumabas na'ko dahil naaamoy ko na ang almusal namin ngayong umaga.

"Magandang umaga Mama," bati ko kay Mama na nag hahanda ng kakainin namin ngayong umaga.

"Oh! Mabuti nama'y gising kana, halika tulungan mo 'kong ilagay 'to sa lamesa," utos niya, itinali ko ang buhok ko at nilapitan siya.

"Anong ulam natin ngayon Ma?" Tanong ko, sinilip ko kung anong nakalagay sa kawali.

"Ano bayan ka'y aga-aga pag kain agad ang nasa isip mo, ni hindi ka pa nga ata nag hihilamos eh!" Puna naman ni Heaven na humihikab-hikab pa, i rolled my eyes on her.

"Tama na yan at baka kung sa'n pa mapunta yang pag tatalo niyong 'yan tulungan niyo nalamang ako dito," singit naman ni Mama, tiningnan lang ako ni Heaven at tinaasan ko lang siya ng kilay.

Inilagay nanamin ang mga pag kain sa may lamesa at nag handa na ng mga plato.

"Tawagin niyo na ang Papa niyo sa baba para makakain na tayo," sambit ni mama, agad akong pumunta sa balkonahe.

"Papa kakain na daw!" Sigaw ko, nakita ko naman si Papa na papunta na sa bahay.

"Ano nasa'n siya?" Tanong ni Mama, umupo muna ako bago siya sagutin.

"Paakyat na Ma," sagot ko.

"Sakto pala ang dating ko, kakain palang pala kayo," sambit naman ni Kuya na kakarating lang galing trabaho, ibinaba niya ang gamit niya't sabay na sila ni Papa umupo sa hapag kainan.

"Nga pala Liezel hindi ba't bakasyon niyo ngayon? Wala ka bang masyadong pinag kakaabalahan?" Tanong ni Kuya habang sumasandok ng kanin.

"Opo Kuya, wala naman akong pinag kakaabalahan bakit mo naitanong?" Tanong ko sa kaniya, lahat ng titig namin ay nabaling na sa kaniya.

"Mayro'n kasing inanunsyo si Konsehal Escarra nag hahanap siya ng secretary ngunit kailangan niya mga nasa 20 to 30 lang," paliwanag niya.

"Bakit hindi mo subukang mag apply?" Dagdag niya pa, nakarinig naman ako ng isang bulaslas galing kay Heaven.

"Wait! Siya secretary? *Laugh* nag bibiro kaba Kuya? Sa tingin mo ba may among tatanggapin na ganyan kalaki yung secretary niya," natatawang sambit ni Heaven, isang hampas naman sa lamesa ang narinig namin kaya nahinto ang kaniyang pag tawa.

"Heaven! Nasa hapag kainan ka!" May awtoridad na sambit ni Papa.

"Bakit Pa, sinasabi ko lang naman eh!"  Saad ni Heaven, she rolled her eyes.

"Kahit na! Makapag salita ka parang hindi mo kapatid si Liezel ah! Hindi mo dapat siya ginaganyan, kahit naman ganyan yang si Liezel eh! Matalino naman siya," singit naman ni Kuya.

"Tigilan niyo na yan at baka kung saan pa mapunta 'yan," awat naman ni Mama.

"Ano sa tingin mo Liezel? Habang wala ka pang ginagawa nabasa ko hanggang isang buwan lang naman yung pagiging secretary eh!" Balik naman ni Kuya sa usapan, ngumiti ako sa kaniya.

"Susubukan ko," matipid kong sambit.

"H'wag kang mag alala, matatanggap ka ikaw pa eh! Matalino ka kaya," saad niya, siniko niya ko ng nabahagya at napangiti lamang ako.

Natapos ang aming umagahan at tumungo muna ako sa cihol (quezon fishing port) para makapag isip-isip, maganda kasing pag masdan ang asul na dagat at sariwa din ang hangin do'n kaya talagang makakapag isip ka, maganda din ang tanawin.

Habang nag lalakad ay nakasalubong ko ang kababata kong si Ben.

"Liezel!" Tawag niya sa'kin, tumakbo siya papalapit sa'kin.

"Napadaan ka ata? Akala ko ba mamaya ka pang hapon mapunta dito?" Tanong niya, inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko, sabay kaming nag lalad papunta sa palagi naming tinatambayan.

"May iniisip kasi ako eh!" Maikli kong sambit, tinulungan niya 'kong makaupo sa lapag.

"Ano ba 'yong iniisip mo? Makikinig ako," sambit niya at umupo sa tabi ko, tumingin ako sa kaniya at ngumiti.

"Alam mo ba yung hiring na sinasabi ni Konsehal Escarra?" Tanong ko sa kaniya, sandali siyang natigilan na para bang napaisip siya.

"Ah! Yung inanunsyo na kaganina sa munisipyo?" Tanong niya.

"Ata?" Maikli kong sagot.

"Oh! Bakit anong meron don?" Tanong niya.

"Sabi kasi ni Kuya mag apply daw ako baka sakaling matanggap," sabi ko, ibinaba ko ang ulo ko't tumingin sa repleksyon ko sa dagat.

Sinagi naman ako ng bahagya ni Ben, tumingin ako sa kaniya, "Kaya mo 'yan ikaw paba, bakit nga ba hindi mo subukan, sigurado naman akong matatanggap ka, ikaw pa ba!" Nakangiti niyang sabi, napangiti lang din ako.

"Sa tingin mo?" Tanong ko, tumango siya at itinaas niya ang kamay niya saka nag thumbs up.

"Oo naman! Sakto pupunta ako bukas sa munisipyo gusto mo ba ihulog ko na yung entry mo?" Tumingin ako sa kaniya at itinataas baba niya ang kilay niya.

"Pag iisipan ko pa," tangi kong sagot.

"Okay lang, mag hihintay ako," narinig kong bulong niya.

Nag kwentuhan pa kami ni Ben sa cihol at hindi nag laon ay bumalik na din ako sa bahay bago mag tanghalian.

Pag akyat ko sa bahay ay dumiretsyo ako sa kwarto ko iniisip ko kung susubukan ko ba, kalahati ng katawan ko sinasabing oo subukan mo dahil wala namang mawawala kapag sinubukan ko, habang yung isa naman ay sinasabing 'wag na dahil baka ma reject kalang at maging kahihiyan mo pa 'yan buong buhay mo.

Binuksan ko ang laptop ko at nakatingin lamang dito, hindi ko napansing nag tatype na pala ako kaya naman ipinag patuloy ko nalamang.

Madaling araw nang matapos ako sa ginagawa ko, nireview ko ang buong sinulat ko bago 'to prinint, kinuha ko yung folder na hindi ko nagamit no'n saka pinisan-pisan yung mga papel sa loob no'n.

And inhale at exhale saka ngumiti bago 'to tuluyang isinantabi, hihintayin ko nalamang si Ben at ang text na confirmation kung sakali na matanggap ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nag abang muna ako sa balkunahe inaabangan si Ben na pumunta dito, hindi nag tagal ay nakita ko na siyang papalapit sa bahay namin, dali-dali akong tumayo at pumunta sa harap ng pintuan saka siya sinalubong.

"Oh! Ang aga mo namang magising," bati niya sa'kin.

"Hindi pa nga 'ko natutulog eh!" Sagot ko, natawa lamang siya at inilagay ang kamay niya sa ulo ko saka ginulo ang buhok ko.

"Halata nga," saad niya, i rolled my eyes on him saka inabot yung folder.

"Oh! Ayan na yung entry ko, paki pasa nalamang ng maayos," sambit ko, kinuha niya naman yung folder sa kamay ko't ngumiti.

"Matatanggap ka niyan tiwala lang," nakangiti niyang sabi, hinintay ko siyang umalis at kumaway muna siya bago siya tuluyang lumakad palayo.



WHEN THE SUN RISE IN QUEZON (SEASON SERIES #1)Where stories live. Discover now