CHAPTER 30

40.6K 1.1K 76
                                    

Chapter 30


Finn Pov

Napanguso ako at yumakap sa mainit na katawan ni Desmond. Siniksik ko ang mukha ko partikular doon sa kilikili niya. Kanina pa ako gising at naiiyak ako sa sakit ng katawan ko. Masakit ang balakang ko at ang pang-upo ko at parang sinisilaban ang pwet ko. Pakiramdam ko naubos ko ang lakas ko kagabi.

Yumakap ang bisig ni Desmond sa akin at tumagilid siya dahilan para mapasubsob ako sa dibdib niyang buhad.

"Desmond." mahina kong saad at hinaplos-haplos ko ang kamay ko sa makinis at mainit na likod niya.

Tumingala ako upang tingnan si Desmond pero nakapikit pa rin ang mata niya.

"Desmond." ulit ko na naman.

"Mmm," ungol niya at tinulak ang ulo ko sa dibdib niya.

"Desmond."

Napanguso ako at tiningala ulit siya.

"Yes, habibi?" aniya at nakapikit pa rin ang mata.

"D-desmond k-kasi..."

"Hmm?" Doon na napadilat si Desmond at niyuko ako. Marahan niya sinuklay ang buhok ko. "What's wrong, habibi? May masakit ba? Feeling sore?"

Humaba ang nguso at yumakap sa kanya para ibaon ulit ang mukha ko sa dibdib niya. Tumango ako at tumulo ang luha ko sa sakit. Gusto kong tumayo. Gusto ko igalaw ang katawan ko kaso masakit igalaw ang katawan ko. Para akong nadaganan ng ten wheelers.

Kung ganito pala ito kasakit ay di ko na ito uulitin. Hindi nga ko namatay tulad ng sabi ni Desmond kagabi pero grabe naman ang sakit sa katawan ko. Hindi ko nga alam kagabi kung kailan kami natapos. Sa naalala ko lang ay patuloy si Desmond sa pag-angkin sa akin kagabi hanggang sa kinain na na ako ng kadiliman.

"Hey!"

"Ang s-sakit Desmond." Iyak ko.

Naramdaman ko ang pag-igting mga masels ni Desmond. Inulan niya ng mga halik ang balunbunan ko habang patuloy siya sa pagsuklay ng buhok ko.

"I will prepare a bath for you, okay? Dammìt. Sorry, habibi."

Marahan akong tinulak ni Desmond at hinalikan ang labi bago bumangon sa kama.

Hinawakan ang palapulsuhan niya bago siya makababa sa kama. Lumingon siya sa akin nang may pagtatanong sa mata.

"N-naiihi ako Desmond. Gusto ko... gusto k--"

"You should have told me earlier." Putol niya sa akin at kinuha ang kumot sa katawan ko.

Napatakip ako sa ibabang parte ng katawan ko dahil naka T-shirt lang ako at walang suot panloob.

"I already saw it, habibi. No need to be shy, okay?"

Ngumuso ako at tumango sa kanya pero ang mukha ko ay ginapangan pa rin init dahil nahihiya pa rin ako kay Desmond. Ikinikahiya ko ang katawan ko kay Desmond na may mga piklat dahil sa mga kagagawan ko noon.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon