Unusual heartbeat 1

441 19 7
                                    


Amanda's pov.

"Amanda Rose Montelejo bumangon kana dyang bata ka!!" Sigaw ng mama kong naka lunok ata ng megaphone ang lakas ng boses.

"Ito na po ma babangon na" sabi ko habang nakapikit pa rin at babalik sana sa pagtulog ng..

Bogsh*

Kumalabog bigla ang pinto ng aking kwarto dahil sinipa ba naman ng pagkalakas ni mama .

"Hoy bata ka kilala kita, sasabihin mong babangon na pero matutulog ka ulit. Hala sige bangon at tanghali na" sigaw nya habang naka pamewang pa

"Oo na ma ito na ouh maliligo na nga po" sabi ko ng nag dadabog at bumangon na

"Nag dadabog ka ba ha?!" Pagalit nyang tanong
"Hehehe hindi po ma may ipis kasi akong nakita " sabi ko habang kinakabahang ngumiti

"Sige bilisan mo dyan at mahuhuli kana sa eskwela mong bata ka" sabi niya at palabas na
Tinignan ko ang orasan na naka lagay sa study table ko at biglang nanlaki ang aking mga mata dahil 6:30 na at 7:30 ang klase ko kaya dali dali akong naligo at nagbihis.
First day na first day sa bago kung school tapos malalate ako, naku bad record yun!!

kaya ayon naging da flash pagligo ko

By the way highway ako nga pala si Amanda Rose Montelejo the sobrang ganda charot lang yung the sobrang maganda, pero maganda talaga ako sa personal chos ulit. Im 1st year college freshmen, fresh na fresh kaya bawal ma late.
So ganon na nga sa sobrang pagmamadali ko muntikan na akong madapa sa hagdan, sino ba kasi nag imbento nang hagdan na to sagabal sa buhay charot.

"Ouh hali ka na kumain kana" sabi ni mama na nag hahain na ng pagkain sa mesa

"Naku nay hindi na po malalate na ako, bat kasi di mo ako ginising nang maaga eh" naka nguso kong sabi ng bigla nyang hinila ang nguso ko

"Kanina pa kita ginigising bata ka, sabi mo oo ma gising na tas maya maya tatawagin kita wala tulog kana naman!!" Sabi nya

"Hmm ray hmmm-" pag pipilit ko magsalita kasi masakit na huhuhuhu mama ko ba talaga to ansakit ng nguso ko

" Ano?! " Pagalit nyang tanong kaya tinuro ko yung nguso kong hawak nya

" Ma naman ang sakit, parang di mo ako anak ah!" Manguyak ngiyak kong sabi sakanya

"Eh sa ngumuso nguso kapa kasi para kang pato" sabi nya

"Bye na nga ma alis na ako baka ma late na talaga ako" sabi ko sabay halik sa pisnge nya
Paglabas ko sa bahay naming di kalakihan at di rin kaliitan ay pumara na ako nang masasakyan.

"Manong sa Panionsyo University po" sabi ko kay manong driver
Habang umaandar ang sasakyan nakatingen lang ako sa labas, hayst sana naman maging maayos at umayon sakin ang tadhana na maging masaya buong college life ko doon sa PU. Maayos naman yung dati kong paaralan pero wala nga lang silang college hanggang high school lang kaya napilitan akong mag apply nang scholarship sa awa nang panginoon ay pumasa naman ako, di sa pag mamayabang pero may maipagmamayabang din naman kasi akong katalinohan. Kaya ayun naka pasa ako, Ang PU ang isa sa mga elite school dito sa lugar namin. Bihira lang ang nakakapasok dito na hindi mayaman, mga scholars kumbaga.

"Nandito na tayo ineng" sabi ni manong

"Salamat po manong" sabay abot nang pera
Ito na! Pumasok na ako sa gate nang hinarang ako ni kuya.

"ID mo miss?" Tanong nya kaya binigay ko yung Id ko na binigay nang Administration nong isang araw na nag enroll ako.

"Ito po kuya" bigay ko sakanya at iniscan nya naman iyon at pumasok na ako
Wow ang ganda talaga dito, sobrang laki nang mga establishments.
Ngunit nawala ang ngiti ko nang mapatingin ako sa orasang pambisig ko.

"Shit late na ako!!" Sabi ko sabay takbo at hinanap ang classroom ko
Amputek san ba dito yun? Timignan ko uli yung schedule ko na may laman nang subject and number nang room ko

Philippine theoretical knowledge - room 643

Health and fitness physical activities - room 342
.
.
.

San ba kasi yung 643 na yun pakening

Bogsh*

Aray ko po ang sakit nang pwet ko, tinignan ko yung nakabangga ko at putek men di man lang sya natumba gaya ko, aray ko sino ba tong pader na to at di man lang ako tinulungan tinignan ko ang mukha nito.

"Anghel" sambit ko habang nakatulala sa isang anghel na nasa harapan ko, sobrang ganda nya

"Stupid" sabi nya sabay linagpasan ako
What the ang antipatika nang babaeng yun, porke ang ganda nya at natalbugan ang ganda ko hmp ang sama naman nang ugali.
Pangit naman nang ugali pweh!
Tumayo na ako at hinanap uli yung classroom ko

"Hi ahm pwede ba mag tanong?" Sabi ko sa isang babaeng naka salamin saka may dalang libro, nerd kumbaga.

"Ahm ano po yun?" Sabi nya habang nakayuko lang, eh nasa sahig ba ako? Bat don sya tumitingin imbis sakin? Weird. Baka nahihiya lang? Well bahala sya

" San dito yung room 643?" Sabi ko nang nakangiti, inangat nya naman ang ulo nya at biglang namula.
May sakit ata sya eh

" Ahm doon din po ako pupunta eh sabay na po tayo" sabi niya at yumuko ulit
Nak nang pangit ba ako at ayaw niya ako tignan sa mukha?

"Ah sige buti pa nga tara" sabi ko at ngiti kahit di nya ako tinignan

Nang maka rating kami sa classroom ay maingay at makalat. May mga nakalukot na papel kung saan at may nag babatuhan pa, nang bigla silang napahinto at napatingin saakin? Saamin ata?

"Hi?" Nahihiya kong sabi at kumaway pa nang bigla silang nagsi ayos nang upo at yung mga kalat ay biglang nawala na parang bula dahil kinuha nila ito at nagmamadaling magsi ayos na parang nakakita sila nang multo at namumutla pa.
Dyosa lang po ako di multo gosh!!

"Ahm-
Naputol ang sasabihin ko nang may magsalita sa likod ko

"You'll just stand there don't you?" Malamig na sabi nang taong nasa likod ko
Kaya tinignan ko ito at ganoon nalang ang paglaki nang mata ko nang makita ko yung antipatikang nagsabi sakin nang stupid

"Ikaw!! Langya ka naman pati ba naman dito makikita ko yang pagmumukha mo?! At anong sabi mo? Stupid? Hoy ikaw na antipatika ka ikaw na nga may kasalanan kaya masakit pwet ko di kapa nag sorry!!" Nang gagalaiti kong sigaw sakanya, bigla naman akong nakarinig nang mga singhap.
Oo MGA singhap dahil lahat ata nang kaklase ko malalagutan na nanghininga pati yung babae kanina.

" What the-" hindi ko na sya pinatapos at nagsalita ako ulit

" Mag sorry ka sakin! Hindi mo ba alam muntik na akong malate dahil sayo? Buti na lang wala pa prof natin! Kaya mag sorry ka! " Sigaw ko sakanya

" Excuse me-" pinutol ko ulit sasabihin nya

" Ouh daan kana! Pero mag sorry ka muna" sabi ko sakanya nang naka pamewang

" Do you even know who you talking to? " Sabi niya

" Hindi at wag mo akong ini english ha?  Saka I don't care kung sino ka kung mayaman ka, sorry lang ang hiningi ko kasi may kasalanan ka sakin." Sabi ko sakanya na nanlilisik ang mata

"Ok then, hope you won't regret your actions miss stupid" sabi nya, Aba't dinadagdagan nya pa kasalanan nya ah!!

"Aba't ho-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang pinutol nya

"Im not going to say sorry to you because in the first place its your fault. Your stupid enough to not look on your way. And for your information miss. Im not a student here, im your fucking professor and you dare to call me antipatika even if im not, and lastly you fucking disrespect me in front of your classmate. Now tell me? What should i do to you miss stupid? " Mahabang latinya na na ikina nganga ko

Oh shit im doomed

____________________________________________________________________________

Professor Reign Narah in the picture above 👆

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unusual HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon