"Shawn, wake up dear! Huwag mo akong iwan anak!"
Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Shawn habang nakikinig sa mga sinasabi ng Mommy niya sa kanya.
Ngayon ko nalaman na nacomatose pala si Shawn dahil may tama rin siya ng bala sa ulo. Nahihiya akong pumasok sa loob dahil ako ang may dahilan kung bakit nagkaganyan si Shawn. Wala aking magawa kundi ang umiyak nalang habang hinihipo ang aking tiyan. Sana maging okay lang si Shawn. Sana maging okay na ang Daddy ng anak ko. Kahit na niloko niya ako ay pinatawad ko na siya. Alam ko naman na nagsisi siya sa kanyang nagawa at wala rin naman siyang kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko. Nadamay lang din si Shawn sa plano ng tatay niya.
"Shawn! Gumagalaw kana, nurse! Nurse!" narinig kong tawag ng Mommy ni Shawn.
Kaagad naman akong pumasok para makita ang kalagayan ni Shawn.
Nagkatinginan naman kami ng Mommy niya at nakaupo siya sa wheelchair.
Nang dumating na ang mga nurse ay pinalabas muna kami ng kwarto para maasikaso nila ng maayos si Shawn. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa Mommy ni Shawn. Ganoon din siya, hindi rin siya umiimik.
Tumikhim muna ako at kumuha ng lakas ng loob para makapagsalita.
"I'm sorry for what happened," sabi ko.
"Naintindihan kita at alam ko kung saan ka nanggagaling. Si Ricardo ang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito. Napakasama niyang tao at walang puso. Pati anak niya dinamay niya pa," sabi naman ng Mommy niya habang umiiyak.
"Maraming salamat at hindi kayo nagalit sa'kin," tugon ko.
"You know what, Shawn tell's me everything about you. Mabait na bata ang anak ko, he always tell me the he is so inlove with you so much. Ang sabi ko pa nga sa kanya na baka malaman ng Daddy niya at magagalit sa kanta pero wala siyang pakialam. Erin, mahal na mahal ka ni Shawn. Alam mo na naman siguro na wala rin siyang alam tungkol sa pagkamatay ng mga magulang mo. Hindi niya gusto ang mga nangyari pero nang dahil sa Daddy niya kaya napasubo siya," ani ng Mommy nito. Nakatitig siya sa aking mga mata habang nagsasalita. Hinawakan niya ako sa kamay ng mahigpit. "Huwag mong iwan ang anak ko ha!" pakiusap pa nito sa'kin.
Tumango ako sa kanya at nagyakapan kaming dalawa.
"Excuse me po, okay na po ang pasyente. Maari na po kayong pumasok at makausap siya!" ani ng Doktor.
Nagmamadali naman akong pumasok dahil excited na akong makita si Shawn. Pagkatapos nang nangyari kay Shanella ay hindi na muna ako pumunta kay Shawn dito sa ospital. Inasikaso ko kuna ang labi ni Shanella para maging maayos na ang lahat. Isang linggo lang ang burol ni Shanella at ipinalibing na rin siya. Ngayon ko lang dinalaw si Shawn.
"Shawn anak!" ani ng Mommy niya tsaka niyakap siya.
Tahimik lang ako sa gilid habang nag-uusap silang dalawa. Nakangiti si Shawn at bakas ang saya sa kanyang mukha.
"Mabuti nalang at hindi malala ang natamo mo anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may nangyaring masama sa'yo!" ani ng Mommy ni Shawn.
"Hindi ba sinasabi ko sa'yo na kaya ko ang lahat? Ito pa? Basic lang 'to Mom. Dapat tayong magpasalamt kay Erin dahil siya ang gumawa ng paraan para makalaya tayo sa poder ni Daddy. Malaya kana rin na lumabas nang bahay at makagala kung saan mo gusto! Panahon na rin para ibalik natin kay Erin ang Kompanya dahil siya naman talaga ang nagmamay-ari non!" ani ni Shawn.
Tumango lang ang Mommy nito.
Bumaling ng tingin si Shawn sa akin.
"Thank you for everything dahil pagkatapos nang nagawa ko sa'yo nakita pa rin kita pagkagising ko!" Ngumiti siya sa akin.
Lumapit naman ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. "Huwag na nating pag-usapan ang nangyari Shawn. Magsimula tayong muli," sabi ko naman sa kanya sabay ngiti.
"Payag kabang magsimula tayong muli at kalimutan ang nangyari sa atin?!" seryosong tanong nito.
Tumango ako sa kanya. Inilapag ko ang kanyang kamay sa tiyan ko. "Magsisimula tayong muli Shawn kasama ang ating anghel na nasa loob ng sinapupunan ko!" masayang sabi ko.
Napatakip siya ng kanyang mukha. "You mean, buntis ka?!" gulat na sabi nito.
Tumango naman ako.
"Ang ibig sabihin magiging lola na rin ako?! Whoaaa, ang saya!" sabi naman ng Mommy niya.
Nagyakapan nalang kaming tatlo.Pagkatapos nang nangyari sa buhay ko at may mas pinili kong magpatawad. Alam ko naman na inosente talaga si Shawn, ang mali niya lang ay niloko niya ako.
Kung nasaan man si Shanella ngayon sana maging masaya siya. Namimiss ko siya araw-araw. Nagtulungan kami ni Shawn na bumangon kasama ang Mommy niya. Sinikap namin na maging masaya sa araw-araw. Isa lang ang natutunan ko sa pangyayaring ito, na huwag magtiwala kahit na kanino man. Minsan, ang akala mong tao na laging kaagapay mo ay siya palang traidor. Kaya maging wais sa pagpili sa mga taong maging parte ng buhay natin. Minsan, hindi maiwasan na maalala natin ang hindi magagandang nangyari sa ating nakaraan ngunit mas pinipili ko nalang na iimbrace ang mga pangyayaring iyon. Hanggang dito nalang ang kwento ng buhay ko. Masaya na kami ni Shawn ngayon kasama ang aming anak na si Eriane. Maraming salamat sa pangalan na iniwan mo sa akin para sa anak ko Shanella.
BINABASA MO ANG
Unstoppable Lust
RomanceWARNING‼️ READ AT YOUR OWN RISK! ANG ISTORYANG ITO AY MAY MGA KATAGANG SOBRANG SENSITIBO.