Chapter 2: Charge!

0 0 0
                                    

"Good morning agent red x chrasper louise" mukang asong nakangiting bati ni Reeze. Nasa may gate kasi sya at kararating ko lang.

"Magandang umaga guard mukang asong reeze" para kasing baliw bat sya nakatambay dito.

"Gaga iniintay kita! napakasweet ko ngang friend pano ka na lang hihinga ngayon no kung wala ako?" nakairap na sabi nya na ikinakunot ng noo ko. 

"Oxygen ka? alam ko yon gamit para sa paghinga" umirap lang naman sya.

"Girl, most wanted ka na. I told you naman diba na lumayo sa cades tapos ang eksena may patapon tapon ka pa ng pagkain kay ken bastardo" mahinang sabi nya.

"May pumatid kasi" reklamo ko.

"Ay nako girl ang nasa video na kumakalat e tinapunan mo lang ng pagkain si ken tapos may video pa ang eksena nyo sa room nyo anyway nangyari na yan so fighting na lang girl" tumatango tango pang sabi ni Reeze na hindi ko alam kung naaawa ba sya sakin o nang-aasar na lang.

"Naaawa ka ba sakin o nang aasar?" reklamo ko na ikinatawa nya.

"Louise never akong maaawa sayo kasi baka sila pa kaawan ko pag pumatol ka. Anyway highway call ka lang if you need uniform kasi marami silang trap for today's video and bilang sobrang bait na kaibigan nakaready na ang uniforms. May foods ka na din sa locker so avoid the legendary cafeteria" sabay wink at alis.

Hindi na ako nakapagsalita at napasabunot na lang sa naka-bun kong buhok.  Fudge!  expected ko nang mangyayari ito pero nakakainis parin.

Lumakad na lang ako para pumunta sa room at typical scenario ng isang nabubully; may bulungan and semi prank na batuhan ng papel. Hindi ako magsasabi ng wala na bang bago kasi utang na loob ayokong maranasan and ayon na nga speaking of bago.

"Tss" reklamo ko ng makitang basang basa na ang uniform ko dahil sa tama ng water balloons. Ganito pala feeling ng pinapageffortan? swerte ng mga nabubully ha. Pakshet nasa corridor pa lang ako!

Tumakbo ako papunta sa locker room at hindi pa man nakakapasok ay may bumagsak na harina sa ulo ko saktong pagbukas ko ng pinto.

Putakte!

Pumasok na ako sa locker room at may dalwang uniform ako at bento box na nakaplastic bag na nilagay siguro ni Reeze. Inayos ko lang ang gamit ko na obviously basa at iniwan na sa locker ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa locker room water gun naman na ibat ibang kulay.  Putakte!

Binilisan ko na lang ang paglalakad at agad na papasok na sana sa CR pero tokwang yan sarado! ang choice ko na lang ay umuwi at huwag na lang pumasok kesa magtiis ako sa maghapong itsura ko. Ang saya diba kakapasok ko pa lang pero uuwi agad.

Dere-deretso lang ang lakad ko hanggang makarating ako sa labas ng building ng seniors. Pagkalabas na pagkalabas ko may bumato saakin ng itlog hanggang sa marami na ang bumato. Utang na loob! 

"EVERYONE!" sigaw ng pamilyar na boses. Tss, ano nanamang drama nya yan. Tumigil ang lahat at tumingin sakanya.
"What kind of prank is that? come on!  water gun and egg stuffs ang childish nyo naman" maarteng sabi ni nathalie. Sinundan ko ng tingin si nathalie at hindi maganda ang naging pakiramdam ko.

"EWWWWWW"
"Yuck btch that's gross"

Napansin ko naman na may mga students na lumapit at pinalibutan ako hanggang sa may napansin akong inaabot nila sa isat isa at isinubo.

"CHEW!" sigaw ni nathalie. Fudge!  gusto kong umalis at tumakbo pero nakapalibot na sila sakin potakte.
"1...2...3" sigaw nya.

"CHARGE!" malakas na sigaw nya at potakte sa potakte na tanging muka na lang ang naharangan ko ng batuhin nila akong lahat ng bagong luwang chewing gum.

EZX99Where stories live. Discover now