We supposed to meet each other today but my Mom came home early in the morning. Natigagal pa ako noong naabutan siyang nag-aalmusal sa bar counter at ka-kwentuhan si Nanay Lydia. Binigyan lang ako nito ng matamis na ngiti nang napansin niyang nandoon ako.
I gulp after I served myself with the early breakfast. Tahimik lang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nina Mommy at Nanay Lydia. Mostly, about sa nangyaring work ni Mommy.
"Ah, Jens... I book us a facial appointment this lunch. And please change your way of clothing,"
Nangasim tuloy ako pagkarinig sa sinabi ni Mommy. Hindi ako sigurado kung gugustuhin ko pa bang sumama. And... I wanted to call Luis cause he doesn't know. Saka, bakit kaya hindi pa tumatawag ang isang yon? I wonder what he's doing right now.
Pinaghanda na kaagad ako ni Mommy pagkatapos ng almusal. Hindi ako sigurado kung alin ang susuotin. I have few girly stuff in my cabinet, kaya lang hindi ko naman gusto iyon. Binili ni Mommy iyon noon, mostly galing sa pasalubong niya sa akin sa tuwing may out of town siyang ginagawa.
Pinili ko na lang ang isang simpleng oversized dress. Okay naman, hindi awkward at saka minsan lang din naman kaya okay na iyon.
Saka nagsapatos, at saktong may tumatawag na unknown number. May instinct ako na talagang si Luis iyon and I was right.
"My Mom is home, we also have an appointment this lunch. Hindi ako makakasama." Sabi ko.
He sighed. Alam kong disappointed siya pero mas nakakadisappoint kung idedecline ko iyong appointment ni Mommy. Minsan lang kami magbonding noon kahit ba madalas naman kaming nagkikita sa bahay. She's a busy working Mom.
"Then, I'll call you again? Tonight?" He asked.
I agreed, di na siguro abala mamayang gabi. We'll talk. Ganoon naman dapat ang magboyfriend di'ba? Responsibilidad ng bawat isa na maglaan ng oras para sa isa't isa. Though, I am not sure if we're doing it right. O kung kailangan ba talaga?
Bumili muna kami ng mga bagong gamit ni Mommy, inanyayahan din ako nitong bumilis ng mga bagong damit kaya lang hindi ko kasi kailangan iyon. Okay na ako sa pera, which I needed most dahil magala akong tao kasama ang mga kaibigan.
At bago naglunch, pinuntahan na namin iyong paboritong facial clinic ni Mommy. Nakikisunod lang din ako sa kung ano ang gusto ni Mommy. Ginawa ko rin kung ano ang sinabi niyang gusto niyang ipagawa sa akin. I thought she's already contented but when she saw my hair... para siyang lalagnatin!
"What did you do on vacation, Jenseal?" Aburidong tanong nito habang hila-hila ako papunta sa salon.
Ngumuso nga ako at tinitigan ang mga dinadaanang boutique or store. Hinahayaan ko lang talaga siya kahit ayaw ko sa mga ginagawa niya sa akin. Gusto ko namang makabonding siya kahit papa'no at ito lang ang nakikita kong paraan.
Trim. Iyon lang, hanggang balikat ang lagi kong gupit simula pa noong naghayskul ako kaya di na nakakapagtaka kung bakit aburido ulit si Mommy. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mainis o kung ano. Habang tumatagal kasi ang dami niyang gustong palitan sa akin. E okay naman na ako, at kung maaari gusto ko itong ganito lang.
"Jens," pagod na tawag ni Mommy habang nagpapahinga kami at kumakain ng lunch.
Nagtatakang tinitigan ko naman siya. Visible ang pagod na nasa mga mata niya. Nagmukha siyang mas matanda ng ilang taon. Ganoon ba nakakapagod itong nangyayari sa akin kaya ganoon din siya ka stress? Napanguso na lang ako.
"When are you planning to have a boyfriend?" Stressful na tanong nito.
Natigilan ako, ginapangan ng kaba at hindi makapagsalita. Naninigas nga ang aking panga at naglalaban kung sasabihin ko ba sa kanyang may instant boyfriend na ako na nakilala ko lang 2 days ago.