Chapter 1

27 1 0
                                    

Masaya ang lahat sa ginawang birthday celebration ng ina ni Elisa na si Elizabeth. Kabababa lang niya mula sa kuwarto dahil kung hindi siya pinilit ng ama na lumabas, ay mas pipiliin niyang matulog buong maghapon. Usap dito, usap doon ang mga bisita habang enjoy na enjoy sa maaliwalas na paligid. Sa garden ang venue nila kaya kitang-kita ang langit at ang mga nagliparang mga ibon.

Nakita niya ang sobrang saya sa mukha ng ina matapos itong sumayaw ng ballroom. Tahimik siyang kumuha ng basong may laman ng alak na nakahanda sa mesa at naupo sa isang sulok. Namataan niya'ng ina na nakangiting papunta sa kaniya at may bitbit itong dalawang baso ng orange juice.

“Hija! Mabuti't bumaba ka na!” nakalabi nitong sabi.

“Happy birthday, Mom.” Walang gana niyang bati bago sumimsim ng alak.

“Oh come on, baby. Is that how you greet your mom's birthday?” tila dismayado nitong tanong at mayamaya'y ngumiti.

“I was just tired and sleepy, Mom. I'm sorry.” Buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sa ginawang preperasyon kaya bumawi siya ng tulog kinaumagahan.

“Its okay. Come on, drop that wine. It's not good for your health! Drink this with me instead!” Nakangiti nitong inabot sa kaniya ang isang juice.

Nagtaka siya sa ipinakitang kilos ng ina. No'ng nakaraang araw lang ay nagtalo sila sa kaniyang magiging kasal. Ngunit ito ngayon, tila nakalimutan na ng ina ang kanilang sagutan.

“I'm okay with this, Mom.” Itinaas niya ng bahagya ang hawak na baso at ngumiti.

“No!” Nilapag ng ina ang isang juice at inagaw ang hawak niyang baso. “Birthday ko ngayon kaya alam kong hindi ka tatanggi.” Kumikindat nitong inabot sa kaniya ang juice kaya tinanggap niya na lang iyon. “Come! Doon tayo sa pool.” Marahan siyang hinila ng ina kaya sumunod siya.

Hindi siya nagsalita at nakikinig lang sa mga sinasabi ng ina habang umiinom ng juice hanggang nakarating sila sa pool.

“Hindi na kita pipilitin sa engagement,” mayamaya'y turan ng ina kaya napalingon agad siya rito.

“Talaga, Mom?” kakaibang saya ang naramdaman niya ngayon dahil narinig mula rito.

Bumuntonghininga ito at ngumiti. “Hmm. Month after now, I'll send you to America to manage our business there.”

Lalo siyang nagulat at hindi mapigilang yakapin ang ina. “Thank you, Mom!” Parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ng ina ngunit hindi matutumbasan ang sayang naramdaman ngayon.

Matagal na niyang gustong magsariling buhay ngunit hindi siya pinapayagan ng magulang; saka na raw kung magka-asawa na siya.

“Alright. No more drama, okay?” Hinagod ng ina ang kaniyang likod. “Let's cheer?”

Kumalas siya ng yakap at nakipag-cheer ng baso sa ina. Dahil sa saya ay inubos niya ng isang inuman ang laman ng baso.

“I love you, Mom!”

“I love you too! That's why I did everything for your good.”

Tila nag-echo sa pandinig niya ang huling linya na sinabi ng ina at nakaramdam ng pagkahilo na parang nalasing. Bigla na lang nanlabo ang kaniyang paningin at sobrang bigat ng mga talukap. May kakaiba kaya sa iniinum niya?

“Mom...” usal niya.

“Hmm?” nakangiti pa ring tugon ng ina.

“N-Nahihilo ako...” Tuluyan siyang sumandal sa dibdib ng ina at niyakap naman siya nito.

“I will send you, to your room!” huli niyang narinig sa ina.

Kinabukasan, nagising siya sa hindi pamilyar na kuwarto. Purong puti ang mga kurtina na nililipad-lipad ng hangin. Bukas ang mga kurtina sa malawak na terrace at nasisilawan ang mga mata niya.

“Nasaan ako?” tanong niya't bumangon. Nagtaka siya dahil iba na ang kasuotan niya—bestidang puti. “Ah!” mahina niyang daing dahil nakaramdam siya ng kirot sa pagitan ng mga hita niya na lalong nagpapagulo sa isip niya.

Lumapit siya sa terrace at ngayon lang niya napagtanto na nasa harap siya ng tabing-dagat. Marami siyang nakikitang naliligo; ang iba ay naglalaro ng volleyball at ang mga bata ay naglalaro sa buhangin.

Inaalala niya ang huling nangyari sa bahay nila at nagdududa siyang may mali sa iniinom niyang juice.

Lumabas siya ng cottage at bumungad sa paningin niya ang mga magulang sa ilalim ng punong talisay. Nagpaypay ng inihaw na isda ang kaniyang daddy habang kausap ang nakaupong ina na kumakain ng barbeque at may bitbit na soft drink. Parehong nakasuot ng pang-beach ang dalawa.

“Marlon?” bigkas niya sa pangalan ng kababata. May bitbit itong snorkeling at halatang galing ito sa paglusong sa tubig. “What exactly happened?” tanong niyang mahirap sagutin.

“Hija! Come here!” tawag ng ina nang makita siya nito. Nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok habang papalapit sa kinaroroonan ng mga ito.

“Mom, ano'ng nangyari? Bakit tayo nandito?” nalilito siyang naglipat-lipat ng tingin sa tatlo.

Nagtingin ang ama't ina habang sumenyas naman ang kaibigan gamit ang dalawang palad, ibig sabihin hindi nito alam ang sagot.

Tumikhim ang Daddy niya bago nagsalita ang ina.

“Napagdesisyonan kasi namin na mag-beach, anak. Ayaw naman namin na iwan ka sa bahay kaya dinadala ka na namin dito,” pangatwiran ng ina.

“Ano ang nangyari kahapon?”

“Nakatulog ka, Hija. Inaantok ka pa kasi no'ng bumaba ka kahapon.”

Hindi man siya naniniwala ngunit pinili niyang manahimik na lang, ang mahalaga ay ayos lang naman siya at ligtas.

“Baka gusto mong lumangoy, Isa,” tanong ni Marlon sabay abot ng snorkeling.

Umiling siya at bumalik na lang sa cottage. Muli siyang napadaing nang maramdamang muli ang kirot sa ibabang parte ng katawan. Dumagdag ito sa palaisipan na naglalaro sa utak niya.

Nakalipas ang isang buwan, nag-impake siya ng mga gamit. Ngayon ang araw na ipinangako ng ina—ang papuntahin siya sa America. Kahit masama ang pakiramdam, hindi mawala ang ngiti niya labi habang ipinagpapasok sa maleta ang mga damit. Sa wakas ay makakalaya na siya sa higpit na pagbabantay ng mga magulang. Hindi sa ayaw niyang makasama ang mga ito, gusto niya lamang maranasan ang mabuhay mag-isa habang nagtratrabaho para sa kinabukasan niya. Iyong hindi magdedepende sa mga magulang lalo na't nasa tamang edad na siya.

“Sweetie... gusto mo bang kumain ng siom---” Pumasok ang inang may bitbit na siomai sa kaniyang kuwarto at natigilan nang makita ang ginagawa niya.

Nagtakip siya ng ilong dahil sa naaamoy niyang mabaho—nasusuka siya.

“What are you doing?” takang tanong nito.

“Mom, ngayon ang araw na ipinangako mo sa akin, remember?” paalala niya rito.

“Ah...” kunwari nag-iisip ang kaharap bago sapilitang tumango. “O-Oo nga pala! Nakalimutan ko.”

“Ano iyan, Mom?” Inilapit nito ang hawak na siomai at halos nasuka siya sa amoy nito.

Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa banyo at doon sumuka nang sumuka.

“Are you okay?” sumunod ang ina.

“Ilayo mo iyan, Mom! Ang langsa!” anas niya.

“Anong langsa? Paborito mo kaya ito!”

“Basta, ilayo mo iy---” bahagya siyang nahilo kaya napakapit siya sa lababo.

“Elisa? Buntis ka na?” diretsong tanong ng ina na nagpatigil sa kaniya.

“Mom, wala akong boyfriend, alam mo iyan!” tanggi niya.

“Buntis ka. Ganiyan ako no'ng pinagbubuntis kita!” nakikita niya mga mata nito ang sobrang saya. “Wait, tatawagan ko si Dr. Farrah para matingnan ka niya!” kaagad umalis ang ina matapos sabihin iyon.

Naiwan siyang tulala at hindi alam ang gagawin. Isa rin sa ipinagtataka niya'y ang reaction ng kaniyang ina.

Memories with the Runaway BrideWhere stories live. Discover now