Olivia's Point of View
Nasa campsite kami ngayong gabi dahil nga inaya rin ako nila elaine na sumama dito simula ng mag-double date kaming apat nila charles at je. Gabi na at pareho kaming magkatabi ni Charles sa iisang tent.
Sinabi kasi ni charles na sa tabi nalang daw niya ako dahil wala ng ibang tent na magagamit at ang ibang tent ay para na sa ibang kasama namin.
Nagpapatugtog naman sila rolito ng gitara habang nag-bobonfire kami na nasa gitna ng bawat tent na tutulogan namin.
Hindi ko naman maiwasang tumingin kila je at elaine habang nagkukulitan din sa iisang tent.
"Hoy! luis! musta na yung parlor mo?" maingay na sabi ni rolito na kanina pa maingay na maingay ang bunganga. Maging ang iba ay nakikisabay rin sa ingay niya.
"Hoy vincent di pa ba luto yan?"
"Sandali lang to."
"Bilisan mo para kang bisukol."
Napatingin akong muli sa gawing tent nila je at elaine, naglalakad pabalik si je sa tent nila habang may dalang marshmallows. "San ka galing ang tagal mo?" rinig kong sabi ni elaine kay je. "Omg jeee! your so sweet! haha." biglang sabi ni elaine ng may ibigay sakaniya si je.
Tumingin sa'kin si elaine ng makitang nakatingin ako sakanila kung kaya't nginitian ko siya, tumawa rin ako pero hindi ganun kahinhin kay elaine, taka namang napatingin sa'kin si charles.
"Bakit?" tanong niya kaya napatigil ako.
"Ano.. masaya lang ako." palusot ko at ngumiti na parang ewan.
Napatingin muli ako sa gawi nila je at elaine ng makita kong may hawak-hawak ng bulaklak si elaine mula sa kamay niya. "Hahaha, your so sweet! floweeers!" sabi nanaman ni elaine kung kaya't nainis ako sa kaartehan ng pananalita nito.
"Tch. Bumahing ka sana." bulong ko sa sarili. Bigla namang bumahing ng marahan si elaine ng amuyin muli ang bulaklak, Humalakhak naman ako ng malakas dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana.
Taka nanamang nakatingin sa'kin si charles na parang iniisip na baliw ata ako, pero walang makakapigil sa'kin. Gusto kong matawa. "Hahahaha!" tawa ko.
Nang mapatingin nanaman ako sa gawi nila je at elaine ay nagkikilitian na ang mga ito kaya naalis ang pagkakatawa ko at kumalma saglit. Nainis nanaman ako sa paarte ni elaine, tumitili pa ito habang kinikiliti ni je hanggang sa tumayo sila at naghabulan sa mga puno.
"Je! stop it! your flowers is so dusty!" hiyaw ni elaine habang humahalakhak ngunit di katulad ko na parang mangkukulam.
Masaya silang naghahabulan sa bawat puno at dumedepensa pa si elaine na para bang handa niyang batuhin si je ng kung ano-ano. Nainis ako dahil tuwang-tuwa pa si je kaya bumulong muli ako sa sarili. "Madapa ka sana." bulong ko sa sarili kung kaya't ilang sandali ay nadapa din ito.
Doon nanaman ako tumawa ng malakas at hindi lang si charles ang napatingin ulit sa'kin kundi pati na mga tropa nila nakita rin nila sila elaine at nakitawa, "Hahahahaha!" malakas kong tawa, sinusulit ko na tawa ko dahil alam ko na ang susunod.
Ngunit napalitan ng panunukso at tawa nila ng punasan ni je ang dumi na nasa damit ni elaine, nagulat ako ng halikan ni je ang pisngi nito. "Oiiiiiiiiiiii~" tukso ng magtrotropa, dahilan upang hindi na ako makatawa.
"You okay?" biglang tanong sa'kin ni charles kaya agad akong napalingon sakaniya at tumango-tango. "Para kasing malungkot ka eh, baka may gumugulo sa isipan mo, sabihin mo lang sa'kin ah? baka makatulong ako." sabi niya pa.
"Namimiss ko na kasi yung daddy ko eh." tugon ko at bumuntong hininga. "Hehe, alam mo sa pamilya namin? siya lang yung nakakausap ko tungkol sa mga nararamdaman ko." kwento ko kay charles, napangiti naman siya at tumitig ng marahan sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...