Papungas-pungas ako ng magising ako sa isang madilim na lugar. Napatigil ako ng tingin sa mga nakatayong tao malapit sa akin, isang babae at lalaki ang nag uusap, mukhang may pinagtataluhan sila.
Umupo ako at hinawakan ang aking ulong nanakit. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, para akong nasa isang gusali. Hindi lang pala ako at 'yung babae't lalaki ang nandito. Marami kami. Tumigil ang babae't lalaki sa pag-uusap ng makita ako.
"Gising na siya!" Napatingin ako sa aking likuran
Nakasandal sa isang poste ang isang babae, maikli ang kaniyang buhok at nakasalamin. Inaayos niya ang kaniyang salamin at nagkatinginan kami
"Nasaan ta--yo?" Wala sa sarili kong tanong
Lumapit sa akin ang babaeng nakikipagtalo kanina sa lalaki "Hindi din namin alam, ng magising kami nandito na rin kami. Nauna lang kaming magising sayo"
"Mukhang nasa isang building tayo" sabi naman ng isang lalaking nakasumbrerong itim
Tinulungan ako ng babae't lalaking nagtatalo kanina na makatayo. Sabay sabay kaming sumilip sa gilid ng gusali, kung saan makikita ang baba nito. Nasa mataas na bahagi nga kami ng gusali. Pero paano kami napunta dito?
Biglang nagsalita ang lalaking nakaitim na sumbrero "Kailangan na nating makaalis dito baka nag-aalala na sa-kin ang mama ko"
"Ayan nga ang pinag-uusapan namin ni Mark kanina, hinihintay lang talaga natin s'ya magising para makaalis tayo. So umpisahan na nating maglakad para makababa na tayo at makaalis dito" Tumango lang kaming lahat
Biglang napatigil naman ang babae "Di pa pala tayo nakakapagpapakilala sa isa't isa. Ako nga pala si Shaira at ito naman si Mark" turo niya dun sa lalaking kaalitan niya kanina ng magising ako
"Siya naman si Gail, si Claire at si Harvy" ang una niyang tinuro ay 'yung babaeng nakasalamin. Sumunod naman ang babaeng nakaupo sa gilid na may kulay brown at mahabang buhok at huli ay ang lalaking nakasumbrerong itim" Tumango-tango ako
"Ako pala si Jade" pagpapakilala ko sa sarili ko
Nanguna sa paglalakad sina Sharina at Mark at kami ay nakasunod naman sa kanila. Gamit ang flashlight ng cellphone nina Sharina at Mark ay nag umpisa na kaming maglakad. Pumasok kami sa nag iisang pinto dito sa kwartong ito kung nasaan kami. Pagbukas namin ng pinto ay hagdanan ang bumungad sa'min naglakad kami pababa dito.
Habang tinatahak namin ang hagdan, nakita ko sa gilid ng pader ang sign na 15. Pababa pala kami sa 15th floor at ang pinanggalingan namin ay ang 16th floor.
Nakarating na nga kami sa 15th floor. Sinalubong kami ng nakakasulasok na amoy pare-pareho kaming napatakip ng aming ilong. Madilim din dito kagaya sa 16th floor at walang tao. Mukha itong opisina base sa mga gamit dito
"Ang baho naman dito!" Komento ni Gail habang nakatakip sa kaniyang ilong
"Oo nga amoy bulok dito" komento din ni Harvy
Pinaikot nila Sharina at Mark ang kanilang cellphone sa buong kwarto upang ilawan ito at makita namin ang buong paligid. Nagkalat ang mga gamit sa paligid kagaya ng mga papel, mga nakatumbang lamesa at upuan. Sobrang makalat ang paligid
Nagpatuloy sa paglakad sila Shaira at Mark at nakasunod lamang kami sa kanilang dalawa
"Ahhhhhhh!" Bigla na lang sumigaw si Shaira at may sinipa ito sa kaniyang gilid. At ng ilawan niya ito ay nagulat kami sa nakita
Isang tao! Pawang naaagnas na ito at pilit inaabot si Sharina. Tumabingi din ang ulo nito pakanan, sa lakas siguro ng pagkasipa ni Sharina. Mukhang hindi din ito makaalis kung nasaan siya dahil naipit ang binti niya ng nakatumbang lamesa
"Grrrr! Grrrrr!" Ungol nito at pilit na inaabot si Sharina
"Ano yan!?" Natatakot na tanong ni Gail
Saglit kaming nanahimik bago nagsalita si Mark "Nga--yon lang ako nakakita ng gani--yan!" Nauutal ito sa pagsasalita
"Kahit naman ako!" saad din ni Shaira
"Hindi ba parang zombie. Di ba ganiyan 'yung itsura ng mga zombies sa mga movies!?" Komento naman ni Harvy
"Baliw ka ba? Hindi totoo ang mga zombies. Gawa gawa lang yun ng mga taong malalawak ang imahinasyon. Sa movies lang yun nag e-exist, hindi sa totoong buhay!" Pagkontra ni Gail sa sinabi ni Harvy
"Sige nga Gail pa'no mo ipapaliwanag yan!" Sabay turo ni Harvy sa taong naaagnas na patuloy sa pagkampay ng mga kamay niya at tila gusto niyang abutin kami
"Ewan ko, di ko alam" frustrated na sagot ni Gail "Ano ba kasing lugar ito!?"
"Mukhang delikado dito. Baka may iba pang zombies dito maliban diyan" Biglang humawak sa braso ko si Harvy
Tiningnan ko sina Shaira at Mark na nasa unahan namin. Seryoso ang mga mukha nila at mukhang nag iisip. Bumaling sa'min ng tingin si Mark "Kung totoo ngang meron pang katulad niyan dito, kailangan nating mag ingat at kailangan sama-sama tayo. Magkakasama tayo mas ligtas"
"Sa tingin ko kailangan din natin ng mga gamit na puwede nating ipanglaban kung sakaling may makakaingkuwentro tayong mga kagaya niyan" suhestyon ni Claire
Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Ngayon lang kasi ito nag-salita
"May point ka. Kanina ko pa nga iniisip yan. Naunahan mo lang ako" - pangsang-ayon ni Harvy. Nakahawak pa ito sa baba niya at naniningkit ang mga mata
"As if may isip ka nga!" Pag-salungat naman ni Gail
"Talaga namang naisip ko din yun, epal!" - pinantirikan niya pa ng mata si Gail
"Pabida!" Litanya naman ni Gail
"Tumigil na nga kayong dalawa. Hindi nakakatulong 'yang ginagawa ninyo!" - Saway ni Mark sa dalawa "Ang goal natin dito ay makaalis dito!"
Tumigil naman ang dalawa sa pag-aaway. "Humanap kayo ng pwedeng magamit natin nasa tingin ninyo ay mapapakinabangan natin, pero mag- iingat kayo lalo na at hindi natin sigurado kung anong meron dito sa gusaling ito" Pagkatapos magsalita ni Mark ay naghiwa-hiwalay kami upang maghanap ng pwede naming magamit
Dahil lahat naman kami ay may dalang cellphone, ginamit namin ito upang gawing flashlight
Pumunta ako sa isang table, May drawer ang table kaya binuksan ko ito. Pagbukas ko may laman itong iilang gamit gaya ng paper bonds, gunting, isang wood ruler at lapis. Kinuha ko ang gunting at wood ruler, lapis at kumuha din ako ng isang paper bond. Pagkatapos ay lumapit ako kina Mark
BINABASA MO ANG
Darkness
УжасыThis story is from all my imagination. Pangalawang horror story ko na itong sinulat. Hoping magustuhan ninyo at matapos ko. Yun lang, salamat