Kabanata 1

7 0 0
                                    

         "Hoy, Ali. Natutulala ka pa dyan wala ka namang isip. Nag d-drugs ka ba?" 

         Walang hiya talaga itong taong ito. I can't believe this man. Akala ng mga tao seryoso, malakas ang appeal. Sa totoo, malakas lang ang tama ng isang to. Tinignan ko siya ng masama inirapan. 

         "Alam mo Tonton, kulang ka talaga sa aruga. Napakalayo mo sa mga kapatid mong seryoso sa buhay." Sapak ko sa kanya. Umilag siya habang nanlalaki ang matang magaganda. Hayop talaga sa physical attributes ang magkakapatid na ito. Kung wala ang kuya niya ay hindi malayong makaramdam ako ng ibang klase ng pagmamahal sa taong ito. 

        Paano kaya kung nauna ko siyang nasilayan?

        "Ali, ano? Nakikinig ka ba?" Niyugyog niya ang balikat ko. Aba, makayugyog kala mo close kami. "Natutulala ka nanaman. Wag ka masyado mapogian baka ako na mahal mo nyan, di na si Elliot" Tawa niya. Inirapan ko lang siya. Nababaliw na yata. "Oh irap pa. Makinig ka kasi.. ang sabi ko bakit ka ba tinitignan ng Killua na yan?" Mula sa mapaglarong mga mga mata ay naging seryoso. 

        Ano daw? 

         Tinignan ko ang kanina pa niya pinapatay sa tingin. Isa na siguro sa pinaka kilalang tao ang isang to. Mayaman, mula sa matagal nang mayaman na pamilya at pangalan kagaya nila Payton. Hindi ko magawang ipaliwanag sa kanya kung bakit may panahon pa ang kagaya ni Killua Yuri na tignan ako. Baka mapahamak si Elliot kung sakaling sabihin ko. 

         Iniwas ko ang tingin ko kay Killua ng tumayo si Payton. Ano nanaman problema nito? 

        "Dyan ka lang, Allison." Seryosong banggit niya habang nakatitig parin sa lalaki. Nasilayan ko pa ang pag tagis ng mga ngipin niya. 

        Akmang lalapitan niya si Killua ng pinigilan ko siya. Kaibigan ko si Payton. Alam kong naiinis siyang may kailangan o nais sakin yung lalaki. Kung ano man yun ay ayokong malaman niya pa. Para di na siya madamay, at hindi na mapahamak ang kapatid niya. 

        "Payton.." tawag ko sa kanya. Sumulyap siya sakin habang nakatagis ang bagang. Tinignan ko siya ng maigi at nagkunyaring may masakit saakin. "Gusto ko nang umakyat. Malapit na ang sunod na klase baka malate ako. Inaantok pa naman ako." Saad ko habang bahagyang inuunat ang likod. 

        Tumaas ang isang kilay niya. Halatang di naniniwala. Mas ginalingan ko pa ang pag iinarte. Tumingin ulit siya kay Killua bago huminga ng malalim at binalik ang tingin saakin. "Tara na nga. Puro ka kasi kahirapan, minsan mag saya saya ka rin Aling panget." Saad niya. Mabuti nalang at totoong marami akong ginagawa after class.

        Akmang lalapit si Killua pero parang napansin niya na umaamba na kami ng pag alis kaya binilisan ko na rin ang pag abot sa bag at mga gamit kong nakakalat. "Tara na, Ton." Binato ko siya ng pencil case kasi tumitingin pa ang ulupong kay Killua. 

        Habang naglalakad sa Hallway ay naalala ko nanaman ang Nicole na yon. Sigurado ako sa narinig ko. Niloko niya ba si Zeke? Pero kung niloko niya si Zeke bakit sila parin? Naka akbay pa si Elliot sa kanya kanina habang papasok sila sa gate. At bakit may Killua? Mas matanda sakin si Zeke ng ilang taon, nasa senior high palang ako at pa graduate na ngayong taon kasabay ni Payton pero si Zeke ay tapos na. Nandito nalang siya para ihatid ang nobya. Kagaya niya ay tapos na rin si Killua at nandito nalang para pamahalaan ang eskuwelahan na pag aari ng mga magulang niya. 

       At kung malaman ko nga ang totoo.. ano naman ito saakin? Sino ba ako para mangielam at mangarap ng kagaya niya?

       "Ali. Umamin ka nga sakin. Bakit ka tinitignan ng isang yon?" Tanong saakin ni Tonton. Nakalimutan ko na kasama ko pala siya. 

Tears in Heaven: LiabilityWhere stories live. Discover now