6th Chapter

128 4 0
                                    

Twitter: @ikyraching

IG: @ikyraching_

ASHLEY CARACCIO

"Oh Monday! Please be good to me." Lunes na lunes tamad na tamad akong pumasok kaylangan ko pa namang maaga kasi I'm on duty. Duty sa pag i-inspect.

"Anak, papasok ka na? Ang aga mo yata." Puna ni Papa. Bakit? Araw araw naman akong maaga pumasok a. Hehe!

"Opo pa. May duty po ako e. Hahatid mo po ba ako?" Please Pa, hatid mo ako.

"Nako hindi ka pa nakaka Graduate may trabaho ka na? Aba anak magkano naman ang Sweldo mo dyan?" Pagbibiro nya, he is also my Stress reliever. Papa's Girl yata 'to pag magka away kami ni Mama sya lagi yung kakampi ko. Nakakatuwa nga e, ang higpit nya sakin.

"Papa wag kang corny please?" Nakakainis kasi ang corny corny. "Kelly! Sasabay ka ba sakin? Tara na. Malalate na ako."

"Eto na Ate Ashley. Yung kambal hindi na sila kasabay." Bukod samin ng Ate ko may kapatid pa akong babae at kambal na lalaki. One big happy family diba? Si Kelly yung little sister ko, si Trey at Travis naman yung kambal namin. Pag hinahatid kami ni Papa mas nauuna kami ni Kelly tapos aalis sa bahay yung Kambal pag 5mins nalang ang natitira. Hehe!

***

"Hi Bes!" Bati ni Gabbie kasama si Reign, Georgina at Niko.

"Balita ko bes napaka dami daw ka walangyaan ang ginawa mo nung Saturday a? Ganon na ba ang bagong way ng pag momove on? Omg!" May pakpak talaga ang balita! Tignan mo alam na agad ni Gabbie. Chismosa!

"Duh ako lang ba? Eh si George nga may pa hug hug pa kay Kurt e! And she also said that he loves Kurt!" Pang aasar ko kay Georgina pambawi lang! "That's so cute by the way!"

"Gago! Lasing lang ako nun kaya hindi ko alam ang ginagawa ko! Actually natatakot na nga ako kay Kurt e." Si George ang Queen Bee namin, kasi nung Elem pa kami nakagat sya ng Bubuyog so dun nag simula 'yon. Na ngayon naman crush na crush sya ni Kurt kahit may Girlfriend na si Kurt hindi pa rin nawawala sa dugo ang pagiging Malandi. Luka luka din 'tong babaitang ito e. Mana kay Gabbie, madalas nagkaka intindihan sila sa mga kakirehan. Sya naman ang madalas na kaaway ni Kurt! Hindi mag papansinan tapos mamaya bati na.

"Ayie George bagong Loveteam? Ayie ayie!!" Pang aasar ni Niko kay George, mabait naman yang si Niko problema lang sa kanya yung bunganga at kamay. Kasi ba naman walang tigil sa pag daldal. Pag pasok pa lang sa classroom may chika na agad sa Brand ng damit, New songs at kada salita nya? Syempre di mawawala ang mura. Language nya yun e! Pero love ko 'yan kahit marahas ang kamay nya sakin! Huhu ang skin ko! Charot! Hehe..

"Ay mga bakla mamaya kayo magka tuluyan dyan e!!" Singit ni Reign. Bakla 'yan ng section. Madalas inaasar dahil sa skin nya. Moreno kasi 'to e! Pag patay ang ilaw ng Classroom hinahanap sya, pag naka dikit naman sya sa Whiteboard kitang kita naman daw sya. Tuwang tuwa ako dito pag napapahiya, nag bubuff basta pag may kahihiyan siya ako ang number one na tiga tawa nya! Haha. Naaalala ko nung nasa Library kami paglabas namin wala na yung sapatos nya! Yung pala tinago na..

"Tigilan nyo na nga 'yan punta nalang tayong canteen at kumain. Wala naman tayong teacher e."

Kumain kami ng kanin with Shanghai. Sarap kasi lalo na yung Sauce. Ginto nga lang ang presyo, super!

"Ashley o." Huh? Kampit? Bakit?

"Bat mo inaabot sakin 'yan Reign?"

"Saksakin mo na, ang PDA e. Mga inggitera!!" Oh nakita nya pala si Ethan at Anne. Well sweet nga sila pero PDA pa rin, kami talaga ang bagay e diba? Grr! Ayoko namang magalit pa sa kanya kasi ang gusto ko cease fire! Ang bait ko ba? Ayoko lang nang ayaw between me and Anne. Matalino sya pero ayaw nyang gamitin yung utak nya. Ang tanga diba? Err, naiinis nanaman ko e!!

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon