Kabanata 4

33 7 0
                                    

Painful Tears

"OH! Zb saan ka ba galing alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" biglang bungad saakin ni nurse A. "Saan ka ba galing at inabot ka na ng hapon ha ayah?" taas kilay na tanong ni sir A sakin.

"Galing lang po akong rooftop" sagut ko naman sakanya

"Anong ginawa mo ron?" hayy.. nako hindi ba muubusan ng tanong tong si nurse A?

"Nag sketch lang po. Nga pala bakit nga pala kayo nadalaw dito?"

"Pinuntahan kita para sabihin sayong mag ready ka bukas at araw yun ng chemo mo remember? At pwede ba ayah wag ka na munang gumala ng gumala at mag pinta. Sabi ng doctor mo magpahinga ka muna hanggat wala pang resulta tungkol sa sakit mo at alam nating kahit ang pag chechemo mo ay risky."

"Kaya hintayin mo ako wag ka munang matutulog dahil kukuha lang ako ng pagkain mo at ng gamot mo para makapag pahinga ka na ok?"

Pagkatapos akong pagsabihan at bilinan ni sir sa mga kailngan kong gawin ay dumiritso na ako sa banyo upang linisin ang akung sarili medyo nahihirapan pa ako nung una dahil nga IV na nakadikit sakin, ngunit kalaunanay natapos rin akong hubaran ang sarili ko napansin ko nitong mga nakaraang araw ay madalas na ang paglabas ng pantal na parang pasa ko sa may balikat at bandang leeg at napansin ko rin na parang madalas na rin akong kinakapos sa hininga. Na parang tumakbo ako ng malayo kahit hindi naman.

Pansin ko rin ang pagbaba ng timbang ko nitong nakaraam. Sa halos 4 taon ko na dito ngayon ko lang napansin ang mga pagbabagong to. Dati naman kasi kahit may sakit ako, napapanatili ko parin yung laman ko at hindi ko pinababayaan.

Sabi ng doctor ko dati, buti nalang nung bata pa ako naagapan kaagad itong sakit ko at nadala kaagad ako rito sa hospital dahil kong hindi baka hindi na maagapan ang sakit ko

At ang sabi rin ng doctor, Chronic Lymphocytic Leukemia ang sakit ko. Kung saan mabagal ang pagkalat nito. Nagsisimula ito sa lymphocytic, sa bone marrow at kumakalat sa dugo. Maari itong kumalat sa iba pang bahagi ng katawan including the spleen,liver,and lymph. Ang mga nagkakaroon daw ng kondisiyong ito ay yung mga taong kulang sa dugo na lumalaban sa mga impeksiyon, or also known as red blood cells na lumalaban at nagbabalanse sa ng dugo sa ating katawan, at yun din ang nagiging sanhi ng kawalan ng dugo na lumalaban sa impeksiyon.

Bago pa lumalim at mapunta sa kamatayan nanaman ang isip ko ay bumukas na ang pintuan at iniluwa non si Nurse A.

"Zb.... Tapos ka na ba? Kailangan mo ng kumain para makainom ka na ng gamot mo."

"Sandali lang po!" sigaw ko mula dito sa loob ng banyo.

Binilisan ko na ang pag-aayos sa aking katawan para matapos na. Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin ako pagkalabas ko sa pintuan bumungad na saakin si nurse A na nakaupo sa kama ko habang nasa harapan niya ang mga pagkain na sigurado akong dala niya rito.

Nang makalapit ako sakanya nakita kong hindi siya nakangiti katulad ng dati tuwing pupunta at magadadala siya dito ng pagkain. Ngayon kasi sobrang seryuso niya at parang sobrang lalim ng iniisip.

"Ano po ba ang sasabihin niyo?" magalang na tanong ko sakanya.

"Kumain ka na muna atyaka ko sasabihin sayo kung ano ang sadya ko rito. Sige na ayah kumain ka na at kailangan mo pang uminom ng gamot" ngumiti siya saakin ngunit yung ngiting yun ay hindi umabot hanggang sa kanyang mata. Kaya alam ko na sa kinlos palang niyang yun, alam ko nang hindi maganda ang malalaman ko ngayong araw.

Kalaunan ay tumango na rin ako bilang pagsang ayon at sinimulan ng kumain. At habang kumakain ako hindi ko mapigilang lingunin si nurse A kung ok lang ba siya dahil kanina pa siya tahimik at pagkalingon ko sakanya doon ko napansing nakatitig siya saakin na animoy kapag pumikit siya ay mawawala ako sakanyang paningin.

Back To The Ocean [ EDITING ]Where stories live. Discover now