Kabanata 2

4 0 0
                                    

         Sa ganda ng langit ay makakalimutan mo ang sakit. Siguro kaya napili ng mama kong umalis at doon nalang dahil walang sakit doon. Tanaw ko ang nagdidilim na langit ngayon na kanina lang ay maganda at hindi mapanganib tignan. Hapon na pero mahahalatang hindi ito yung dahilan ng dilim dahil sigurado akong hindi ganito kabilis magdilim sa lugar namin. 

        Napabalik ako sa huwisyo ng nabitawan ako ng lalaki at bahagyang naumpog ang ulo ko. Aray ko. Napadilat ulit ang pikit kong mga mata ng narinig ko ang boses niya. Akala ko umalis ka na?  

      "Hey. Do I need to repeat myself?" Gamit ang malalim at malamig na tinig, kinausap niya ang lalaki sa harap ko na may halong panganib ang salita. Gaya ng langit..

       Sa sakit ng sikmura at ibang parte ng katawan ko, hindi ko na alam kung ano ba pinag uusapan nila. Para na akong mahihimatay pero parang kahit malamig at mapanganib ang boses niya, doon ako na a-alo. 

        Nakayukong umatras ang lalaki sa harap ko, natatakot. Sa pagmamadali ay naiwan na niya ang jacket niyang hinubad kanina. 

        Tinignan ko ulit ang Hari. Oo. Hindi malayong hari ang tawag at turing sa kanya ng mga tao dito. Panganay sa tatlong pinaka-makapangyarihan na magkakapatid. Pinaka makapangyarihan, hindi lang sa bayan namin pero sigurado kong hanggang sa labas ng pilipinas. 

        Nakangiwi itong nakatingin saakin. Nakakadiri yata ang itsura ko? Sa hiya ay bahagya kong pinunasan ang luhaan kong mukha. Siguro ay nandidiri siya dahill.. teka! Baka akala niya Jowa ko ang baboy na iyon?  Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. 

       "P-pasensiya na, Zeke... n-naabala ka pa.. H-hindi ko s-siya—" naputol ang pagpapaliwanag ko ng napangiwi ulit siya. May mali ba akong nasabi? Baka ayaw niya lang ako kausap? Pasensiya na. "Pasensiya na." Bigo kong pahayag. Malamang ay naistorbo ko pa siya sa mga dapat niyang gawin. He's a very busy person. Hindi siya basta basta. 

       Tumalikod siya saakin at nagsimula ng humakbang paalis gamit ang mahahaba niyang mga binti. Tumayo na rin ako at napayuko sa kahihiyan. Isang hamak sa istorbo at pabigat sa lipunan gaya ng sabi ng mga tao dito. Hindi ko ninanais na magustuhan niya ako. Gusto ko lang siyang matulungan sa kahit anong paraan.

       "Can't... you walk?" Napaangat ang tingin ko sa kanya. Ang akala ko ay nakaalis na siya? 

       Tinignan  niya ako gamit ang seryosong mga mata. Inangat niya ang isang kilay ng napansin na nakakanganga ako sa kanya. Mukha siguro akong baliw. 

Kinakausap niya ba ako?

Umamba siyang lalapit saakin ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Iniwas niya ang tingin saakin at sinagot ang tawag pagkatapos bumuntong hininga. 

      "Yes, baby?" Sagot niya sa tawag at tumalikod ng muli. 

       Na excite pa ako. Akala ko...hays. Nakakahiya talaga. Napayuko ulit ako sa kahihiyan. Siguro ay may date sana sila ngayon kung hindi ako nang istorbo. Dismayado akong humakbang paalis, tumalikod na sa kanya habang nakayuko parin. 

      Isang hakbang palayo pa ay nabigla ako ng may humarang na kamay. Sa tuwa at gulat ay napatingin ako dito. Ang bahagyang nakangiti kong mga labi ay napawi ng nakitang ibang tao pala. Akala ko babalikan niya ako. Ang kapal mo Allison. 

     "What the fuck happened to you, Harper Allison?" Naiinis na sigaw sakin ng kapatid niya. Oo, si Payton siya Allison. Hindi si Zeke.

      Bumuntong hininga ako at nagsimula nang maglakad ulit ang kaso ay pinigilan ulit ako ni Payton, mahinhin na hawak ang braso ko. Tinignan ko ito at nakita ko ang galit at nagtatanong na mga mata. Tumiim ang bagang niya at marahan na hinaplos ang pisngi ko. Napangiwi ako sa sakit. 

Tears in Heaven: LiabilityWhere stories live. Discover now